Chapter 12

1363 Words
Nang marating namin ang Marketing Department ay tahimik naman ang lahat hanggang sa magsalita si Denielle. “We have new Junior staff, she’s— your name again?” tanong nito sakin “Morisette. Morisette Lebastro” sagot ko at nang tignan ko ang reaksyon ng lahat ay halo halong emosyon ang naramdaman ko. May iba na nakangiti pero karamihan ay napabuntong hininga lang at nagkibit balikat na para bang hindi ako welcome sa department nila. “Please, be nice to her” biglang sabi ni Jeron kaya lahat ay napatingin sakaniya at nagbulungan ang mga ito. “Maiwan na kita, baka may ipagawa si sir e” bulong nito sakin kaya tumango naman ako at ngumiti. “Oh, Morisette kilala mo na ako right? I am the head here. So i’ll assign someone para iassist ka sa mga need mong gawin, got it?” saad ni Denielle “Yes po, Ms. Denielle” sagot ko naman na ikinatawa niya “Okay… hmmm, Irene! Yes ikaw! Come here” tawag nito sa babae na nasa dulo, agad naman itong tumayo at lumapit samin, ang pinagtaka ko pa ay nakita kong ang bahagyang pagtawa ng ilan at bulungan. “Since, matagal ka ring naging junior and til now intern ka pa rin, mas okay kung ikaw na ang mag assist dito kay Morisette. Marami pa akong gagawin.” saad ni Denielle at iniwan na kami nito. “Ahm, hi… ako nga pala si Irene” mahinhing pagpapakilala sakin nito at inilahad ang kamay niya. “Hi, Irene… i’m Morisette” tugon ko naman at nakipagshake hands sakaniya. “Halika sumunod ka sakin, doon ka nalang sa pwesto ko” saad nito kaya agad naman akong sumunod sakaniya. Medyo nakahiwalay ang parehong cubicle namin ni Irene, kumbaga kung magchichismisan lang kami maghapon ayos lang dahil mukhang wala namang makakarinig samin. “Pagpasensyahan mo ya yung si Ms. Denielle, ganoon talaga yun. Pero masasanay ka rin doon kapag nagtagal ka dito” wika nito ng makaupo kami “Wag kang mag alala sanay na ako sa mga ganyang ugali. So ano pala ang gagawin ko?” tanong ko kay Irene at nagtaka ito dahil parang biglang nalukot ang mukha niya at napabuntong hininga “Palabas lang ni Ms. Denielle yun, paniguradong tulad ko gagawin ka rin nilang utusan…” singhal nito kaya napatawa ako ng bahagya “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” tanong nito “Wala naman. Nachallenge lang ako bigla… kung gagawin nila akong utusan sila lang ang magsasawang mag utos sakin” saad ko pa at masiglang inayos ang bag ko sa gilid ng magsisilbi kong desk. Agad ko ring nilinisan ito dahil puro mga patong patong na papeles ang mga narito at inilagay sa ilalim kung saan may cabinet naman. Pag tapos ay nagtira ako ng iilang mga naka pin na files at sinisndihan ko na ang pc. “May password?” tanong ko kay Irene “Ahh oo. Akin na” saad nito at tinype ang password sa monitor at agad namang nagbukas ito. “Pwede mo palitan ang password niyan para ikaw lang mismo ang pwedeng magbukas niyan next time” ngiti niya sakin at yun naman agad ang ginawa ko. “May isesend ako sayong mga basics files about sa department natin, i review mo ng maayos, para hindi ka bungangaan ni Ms. Denielle.” wika pa ni Irene kaya agad naman akong tumango. Ilang minuto lang ay may nag pop up sakin na notif at galing iyon kay Irene tsaka ko na sinimulan ang pag rereview, pero hindi pa man ako nagtatagal ay narinig ko ng tinawag ang pangalan ko ni Denielle. “Morisette!” ulit pa nito kaya tumayo ako at agad na lumapit sakaniya. “Shocks! Bingi yata ang new junior natin” dinig kong sabi ng katabi niya kaya tinaasan ko ito ng kilay at nagpirmi naman ito. “Pakikuha nga sa lobby yung inorder kong coffee for us. Dali baka lumamig ang mga iyon!” utos nito kaya agad naman akong kumilos at lumabas sa department namin. Paglabas ko ay agad akong tumakbo papunta sa elevator at nang makapasok ako ay hindi ko alam ang pipindutin ko dahil sobrang daming button! “Ahh, bago ka dito?” napalingon ako sa likod ko ng may magsalitang lalaki “Ahh… opo” sagot ko naman. “I see, saan ka?” tanong nito “Ahh, sa lobby po” sagot ko naman pagtapos ay ngumiti siya at nagpunta sa buttonn area at pinakita sakin ang dapat na pindutin. “Kung nagtataka ka, puro letters ang nasa buttons imbis na number, is it because that represent sa name ng mga department, itong ay black and gold na may T sa taas, ito ang excutive floor kung nasaan ang office ni Mr. Castellavire.” saad nito kaya nagpatango tango naman ako. “So if sa lobby ang punta mo, just press the letter L” saad niya at pinindot iyon “Kaya pala.. Hehe salamat” saad ko at ngumiti. “I’m Henrix, and you are?” saad nito at inilahad ang kamay nito sa harap ko “Morisette po” saad ko naman at nakipagkamayan sakaniya. “Grabe sa po di naman ata nag kakalayo edad natin, i’m 27” saad nito “20…” ngiti ko na halatang ikinagulat niya “20? You’re so young to be here” saad nito “Ahh oo, junior staff ako sa marketing” sagot ko naman “I see, o by the way dito na ako. Nice meeting you!” saad nito at lumabas na ng bumukas ang pinto ng elevator. Makalipas ang ilang minuto ay nagbukas ulit ang pinto ng elevator at nasa lobby na ako kaya lumabas na ako agad at hinanap ang sinasabi ni Denielle na nagdeliver ng coffee. Hanggang sa may makita ako banda sa may couch sa dulo at may dala itong apat na coffee carrier at andaming kape non. “Yan po ba yung order ni Ms. Denielle?” tanong ko “Ahh yes po.” s**o tng delivery rider kaya kinuha ko na ito agad at pareho kaming nagpasalamat sa isat isa. Nang makatalikod na ito ay dali dali na akong nagtungo sa elevator at sakto naman na agad na bumukas ito kaya agad akong pumasok. “Ahmm, miss? Okay lang po ba papindot ng marketing floor? Di ko po kasi mabitawan ang hawak ko e.” wika ko sa babaeng nakatalikod mula sakin. “Miss?” tawag ko pa “Hindi mo ba nakikita it’s already press na dahil doon din ako—wait, Morisette?” gulat na sabi nito at napakunot naman ako ng noo dahil bakit kilala niya ako tapos ako hindi ko siya kilala? “O my god, taga buy ka na ngayon ng coffee after mo sa club, buti natanggap ka here? As a junior no?” mapang insulto nitong tawa “K-kilala mo ko?” tanong ko “Ohh, sorry. I know hindi mo ako makilala kasi mas gumanda pa ako.” saad nito at flinip pa ang buhok niya kaya napataas ang kilay ko. “It’s Leilanie, do you remember me?” ngiti nito sakin at tininan pa ako mula ulo hanggang paa. “Ahh.. yung may crush kay Ethan?” insulto ko rin sakaniya. Naalala ko kasi no’n 2nd year highschool ako habang sila ay nasa senior high pati na yung Ethan na varcity player sa school. Nag karoon sakin ng crush si Ethan syempre dahil crush ng lahat si Ethan e go with the flow ako tapos itong si Lanie galit na galit gusto lagi manakit no’n, hanggang sa nakipaghiwalay ako kay Ethan lalo na at nalaman ni Tita Rowena no’n so ayun. “Oh yes, hmm, ano kayang magiging reaction ni Ethan pag nakita ka niya now?” biglang sabi nito. Nang mapansin ko na bumukas na ang pinto ng elevator ay naglakad na ako palabas pero nilingon ko pa rin siya na papalabas na rin. “Malay ko, siguro liligawan niya ako ulit” pang aasar ko at nagmadali ng pumasok sa department namin. Akala niya porke junior lang ako mamaliit maliitin lang niya ako, palaban to oy! Baka nakakalimutan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD