Chapter 13

935 Words
Nang mailagay ko sa desk ni Ms. Denielle ang mga kape ay nagsitayuan ang lahat at kinuha ang mga kaniya kaniyang kape nila, hanggang sa isa na lang ang matira. Kukunin ko na sana ito pero bigla na lang may kumuha at ng tignan ko kung sino ay si Lailanie pala. “Ooops, go buy your own coffee dear” saad nito at kumindat pa kay Ms. Denielle, kaya napabuntong hininga na lang ako. Bagsak ang balikat kong bumalik sa desk ko at yung tingin sakin ni Irene parang sinasabi niya na danas ko na yan, kaya dapat masanay ka na. “Ganyan yan sila. Mang uutos na bumili ng kape tapos yung inutusan at napagod wala.” singhal ni Irene kaya napahagikhik lang ako. “Oh? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” tanong pa nito sakin. “Wala naman, sana lang sumakit ang tiyan nilang lahat” saad ko na ikinatawa naman niya. Ilang saglit pa ay dinig kong nag ring ang phone sa bag ko. At mukhang yung phone na imbento ata ni Xavier ang nagring. “Saglit lang sagutin ko lang to” paalam ko kay Irene at medyo lumayo sakaniya matapos kong kunin ang itim na phone at sinagot ito. “San ka galing?” agad na bungad ni Xavier ng sagutin ko ang phone. “H-ha? Sa lobby” sagot ko naman kahit nagtataka ako kung bakit alam niyang lumabas ako sa marketing. “Anong ginawa mo sa lobby?” tanong pa nito “Kinuha yung order ni Ms. Denielle na kape para sa marketing team” sagot ko naman “At ikaw?” “Anong ako?” tanong ko pa “Forget it. Sige na mamaya na lang ulit.” saad niya at ibinaba na ang tawag “Boyfriend mo ba yung tumawag?” tanong ni Irene nang makabalik ako sa pwesto ko. Hindi ako agad nakasagot at ilang na ngumiti lang, hindi ko naman masabing boyfriend ko si Xavier… “Ahh, wala kaibigan ko lang” sagot ko at itinuon ang atensyon sa monitor upang ituloy ang pagbabasa sa reviewer na ipinasa sakin ni Irene. Ilang saglit pa ay bigla na lang may pumasok at may bitbit itong dalawang cup ng kape at may box rin. “Yes? Sinong nagpapasok sayo dito?” pagtataray ni Ms. Denielle “Ahh, sinabi po kasi sa lobby na ihatid daw po dito ito, kay… Morisette?” saad ng babae kaya tumayo ako “Wala po akong inorder?” taka kong sabi “Ahh, may nagpahatid lang daw po..” sagot naman nito kaya lumapit na ako at kinuha ang bitbit nito. “T-thank you po” saad ko tsaka na ito nagpaalam at umalis. “Sa susunod wag kang pa VIP dito!” irap sakin ni Ms. Denielle na ikinagulat ko. Hindi ko na ito pinansin pa at bumalik na lang ulit sa pwesto ko “Inorder mo?” tanong ni Irene “Ahh… hindi baka galing sa kaibigan ko.. Tinanong niya kasi kanina kung saan ako nagtatarabaho” pagsisinungaling ko “Ahh… ang generous naman ngb kiabigan mo, talagang sa mamahaling coffee shop pa galing yang kape na ipinadala sayo” saad nito habang ako ay napatingin na lang sa logo ng kape at hindi naman ako pamilyar sa logo. “Balita ko nga, favorite daw ni Mr. Castellavire ang coffee shop na yan e” saad pa nito “Ahh… dito kasi nagwowork yung friend ko” ngiti ko pa. “Oh ito oh, tig isa tayo” saad ko pa at inabot ang isang cup sakaniya “Salamat…” ngiti nito sakin at pinagsaluhan rin namin ang laman ng box na may egg tart. “Ang sarap!” wika ni Irene kaya napahagikhik ako “Kaya nga e, first time ko makatikim nito” saad ko pa “Ako rin!” tugon pa niya, pero habang masaya kaming kumakain ay bigla nalang lumapit samin si Lanie at tinabing ang box kung nasan ang egg tart dahilan para malaglag ito sa sahig “Opps! Hala sorry!” natatawa nitong sabi. Suminghal na lang ako at yumuko sa sahig para kunin ang egg tart. Nilagay ko ito sa box at nagpunta sa trushbin tsaka ko ito tinapon “Ay! Akala ko pa naman i tetake out mo” tawa nito sakin “Ikaw baka gusto mo i-take out? Ano kunin ko?” sagot ko pa sakaniya kaya naman inis itong iniwan kami ni Irene. “Hala, nainis mo si Ms. Leilanie… pag iinitan ka na niyan niya araw araw” saad pa ni Irene “Haynako! Sanay na ako sa babaneg yan highschool pa lang ako. Ngayon pa ba na matatanda na kami. Baka lalo ko pa siyang asarin” sagot ko na ikinatawa ni Irene. “Hays. iniisip lang kita dahil hindi rin kasi biro ang pamilya niyang Ms. Leilanie… ewan ko ba may sarili rin naman daw kumpanya ang pamilya nil pero mas pinili raw ng parents niya na magtrabaho siya sa ibang kumpanya para mag karoon siya ng experience… e puro pambubully lang naman ang ginagawa niya” singhal ni Irene kaya di ko maiwasang mapatingin saknaniya at mamangha. “Galing mo ha? Parang alam mo lahat ng details ng maga ka work mate natin” tawa ko at napansin ko naman na biglang sumersyoso ang mukha niya kaya natahimik ako. “M-may nasabi ba akong hindi maganda?” tanong ko kaya naman bigla itong tumawa ng mahina at bahagya akong tinapik sa braso. “Hindi, wala naman haha. Sige na mag trabaho na tayo” wika niya at muli na kaming bumalik sa gawain namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD