Chapter 8

1269 Words
Mabilis na lumipas ng oras mula ng mang galing kami sa pasugalan ng Velasco, pinakita pa sakin ni Xavier ang litrato ng matanda na sobrang pamilyar sakin. Sa tingin ko siya yung matandang tinakasan ko no’n. “Wag mo hahayaang naka off ang phone na ibinigay ko sayo. And this, for your personal use na rin kapag nag start ka ng magtrabaho bukas sa kumpanya.”litanya ni Xavier at inabot ang phone na may kulay pink na case kaya hindi ko maiwasang matawa. “Ano to? Mukha ba akong teen ager?” tanong ko sakaniya “H-hindi naman ako ang pumili ng case niyan… s-si Joseft!” utal niyang sagot na tila siya talaga ang pumili at nahihiya lang sabihin ang totoo dahil tinawanan ko ito. “Maganda naman e, thank you dito tsaka first time ko magkaroon ng ganitong phone” saad ko at hinaplos haplos ko pa ang phone na inabot niya. “Ngayon ka lang nagkaroon ng phone?” tanong nito “Oo… ang phone na gamit ko keypad lang pang call kay Roxie at Tita Rowena. Hindi ko na nga alam san ko naiwan yun e” saad ko pa “Hayaan mo na yun, may bago ka naman, and i’m sure matutuwa ka sa phone na yan” saad pa niya habang nakangiti. “Thank you ulit… hayaan mo palagi kong sabay na ichacharge ito at yung phone na ano ngang tawag sa phone na yun?” tanong ko. “One to one cellphone. Doon tayo pwedeng mag usap, lalo na if you’re in danger just the press the red button on the screen, darating agad ako” wika pa niya na ikinainit ng pisngi ko. “S-salamat… kung gano’n, mag iiwasan na muna ba tayo?” tanong ko “Yes. we are just now a boss and employee, hindi pwedeng malaman na may connection tayo, dahil paniguradong malalagay ka nanaman sa alanganin.” litanya nito na ikinatango. Gets ko ang ibig niyang sabihin. Nasabi na niya na marami na siyang nakabangga kaya marami na siyang kaaway at kung makita o malaman ng isa sa mga kaaway niya na may koneksyon kaming dalawa pwedeng ako ang pag initan nila o gamitin laban sakaniya. “Hmm… t-tungkol pala sa nangyari satin… p-pwede bang kalimutan na lang natin yun?” alinlangan kong wika at napalunok ako ng mapangisi siya na para bang hindi makapaniwala na ako pa mismo ang nagsabi sa bagay na iyon. “You already forgot about what happened to us, right?” saad nito at doon ko lang napagtanto na wala nga pala akong maalala “Oo pero… ibig kong sabihin is kalimutan natin na may nangyari talag—” “No.” malamig na boses niyang putol sakin kaya napakagat na lang ako sa labi ko. “I can’t just forgot that night, baby girl.” saad pa nito at na halos maputol ang hininga ko ng ilapit niya ang bibig sa tainga ko. “Beacuse i want some more” bulong pa nito na nagpatayo sa mga balahibo ko. Hindi ako nakakibo sa sinabi niyang yun habang siya ay tila aliw na aliw makita akong ganito ang lagay. Pero nagtataka ako dahil hindi takot ang naramdaman ko sa sinabi niyang yun, hindi ko maipaliwanag, hindi ko alam kung anong sumiklab sa loob ko ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko. “Did i say something?” ngisi pa nito at umiling na lang ako. “Kapag ba naihatidmo na ako sa condo na sinasabi mo… b-bibisita ka ba doon?” tanong ko “Of course, baka araw araw pa nga e” ngisi pa nito “Tsk, e pano kung di mo alam may nakasunod na pala sayo? Edi malalaman nilang may tinatago ka?” saad ko pa “Don’t worry, hindi basta nakakapasok ang ibang tao sa building na yun. So you’re safe there.” sagot niya kaya napatango na lang ako ulit. “Matulog ka na, maaga pa tayong aalis bukas” saad nya at tumayo na para lumabas ng kuwarto “S-salamat ulit.” wika ko tumango lang siya sakin tsaka na siya naglakad palabas ng kuwarto. Inayos ko lang ang mga gamit na naabutan namin dito na para sakin. Totoo ngang may inutusan siyang mamili ng gamit at damit ko at hindi ko inaasahan na ganito kadami at kamahal ang mga ipinamili ng kung sino mang inutusan niya. Habang abala ako sa pag aayos ng gamit ay may pumasok na matandang babae, siya yung nag iisang parang kasambahay sa lugar na ito. “Binilin ni Sir na dalhan kita ng gatas para mahimbing ang tulog mo mamaya.” wika ng matandang babae sakin at inabot ang gatas sakin. “Salamat po..” saad ko naman. Akma na sana tong aalis pero pinigilan ko siya dahil may gusto akong itanong sakaniya. “Ano yun, hija?” tanong nito “Alam niyo ho ba ang ginagawa ng boss niyo rito?” tanong ko “Oo naman, masasamang tao lang naman ang mga kinakalaban niya kaya wag kang mag aalala, yung mga taong hindi makamit ang hustisya siya ang gumagawa.” saad pa ng ginang “Ganoon po ba…” saad ko “Mabait si sir Xavier. Sadyang seryoso lang talaga siya at medyo arogante pero napakabait niya.” ngiti nito sakin habang hawakang kamay ko kaya ngumiti na rin ako. “Nga po pala… nasaan po siya ngayon?” tanong ko “Ahh, nandoon siya sa study nya namamalagi ngayon dahil nga gusto niya ay dito ka sa kuwarto niya mag stay para maging kumportable ka daw” sagot ng matanda. “Sa study? May maayos po ba siyang higaan doon?” tanong ko “Mayroong maliit na kama roon, madalas rin naman kasi na doon siya nag stay kasi nandoon ang mga trabaho niya. Lahat ng mga importanteng bagay sakaniya.” sagot pa ng ginang. “Hmm… ano hong ginagawa niya ngayon doon?” tanong ko “Sa tingin ko abala nanaman siya sa mga papeles sa opisina, gusto mo ba siyang hatiran ng kape? Gusto niya iyon lalo na kung maraming trabaho ang nakatambak sakaniya.” wika pa nito kaya nakangiti akong tumango at sabay kaming tumayo at lumabas ng kuwarto. “Ano po pala ang pangalan nyo?” tanong ko “Maribel, pwede mo akong tawaging Nanay Maribel kung gusto mo” nakangiti nitong tugon kaya napayakap ako sa braso niya. “Sige po Nanay Maribel” saad ko at bumaba na kami sa hagdan para pumunta sa kusina at makapagtimpla ng kape. Matapos kon magtimpla ng kape ay nagpaiwan na si Nanay Maribel sa kusina at mag isa naman akong umakyat at agad na nagpunta sa study ni Xavier. Kumatok ako sa isang malaking itim na pinto at bahagyang idinikit ang tainga ko mula rito. “Morisette?” nagulat ako ng amarinig ko ang malakas niyang boses at pangalan ko agad ang binigkas niya kaya napatingin ako sa paligid kung may cctv, pero wala akong makita. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at bumungad si Xavier na tanging sando lang ang suot at sweat pants kaya hindi ko napigilang mapalunok. “I knew it, no one dare to bother me when i’m here… may kailangan ka ba?” tanong nito sa mlambing na boses habang amoy ko naman ang alak sa hininga niya kaya napalunok ako. “Ahh… hinatiran kita ng kape kasi baka… baka kailangan mo pero mukhang hindi namn kasi mukhang may iniinom ka na” saad ko at tatalikod na sana ng pigilan niya ako at bahagyang hinila papasok sa loob at agad na isinara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD