Chapter 7

1141 Words
Tulala lang ako sa kuwarto mula nang lumabas si Xavier, pero ilang saglit lang ay bumalik ito at may dala ng tray na may pagkain at inumin. “Kumain ka na muna… kanina ka pa walang kain” wika nito at ng makalapit siya sakin ay inayos niya ang tray sa kama at sinubukan akong subuan. “Kaya ko naman” saad ko at kinuha ang kutsara mula sa kamay niya. Kumain lang ako at binilisan ko ang pagkain ng hindi siya tinitignan dahil alam kong nakatingin lang siya sakin. After kong kumain ay inubos ko rin ang isang basong tubig tsaka ko ito ibinalik sa tray. “Nabusog ka ba?” tanong nito at agad naman akong tumango. “Galit ka ba sakin?” Napatingin ako sakaniya ng sabihin niya iyon, hindi ko alam kung anong isasagot ko o kung dapat ba ay may isagot ako. “Okay, i’ll deal with Velasco as soon as possible. Para makaalis ka na dito.” saad niya tsaka na siya tumayo bitbit ang tray kung nasaan ang pinagkainan ko. “Anyways, kung maliligo ka gamitin mo na muna ang mga damit ko, mag uutos pa lang ako ng bibili ngdamit at mga gamit mo” saad pa nito ng huminto siya tsaka na siya tuluyang lumabas. Nakaramdam na rin ako ng panlalagkit ng katawan kaya naman agad akong tumayo at nagpunta agad sa banyo na halos mas malaki pa sa bodegang ginawa kong kuwarto sa bahay ni Tita Rowena. Sinindihan ko ang gripo sa bathtub hinintay ko munang mapuno ito at naghubad na ako. Nang mapuno ang bathtub ay agad naman akong sumampa dito at ibinabad ang sarili ko. Napapikit ako dahil sa maligamgam na tubig mula rito, napakagaan sa pakiramdam na para bang walang nangyaring masama ngayong araw na ito. Habang ninanamnam ko ang sarap ng tubig sa katawan ko ay napamulat ako ng mata ng may bigla na lang akong maalala, sobrang linaw at detalyado no’n at parang may kung anong kakaibang sumiklab sa tiyan ko. Yung titig ni Xavier habang nasa gitna siya ng hita ko…. Totoo kaya iyon? Ganoon ba talaga ang ginawa namin o imahinasyon ko lang iyon? Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ang bagay na iyon, muli ko na lang ipinikit ang mata ko pero hindi pa man ako nagtatagal sa pagkakapikit ay biglang napamulat ako ulit ng marinig kong nagbukas ang pinto sa labas… hindi ko alam kung tatayo ba ako o mananatili lang na nakababad sa bathtub dahil baka pumasok si Xavier dito sa banyo, jusko hubo’t hubad pa naman ako. “Morisette?” dinig kong tawag niya kaya napapikit na lang ak at napakagat sa ibabang labi ko habang nagdarasal na wag siyang pumasok. “There you are, you should answer when i call you.” nagmulat ako ng mata ko at nagulat ako na nandito na siya sa loob ng banyo. “P-pwede bang lumabas ka muna?” utal kong sabi habang dama ko ang pag iinit ng pisngi ko. “O-okay…” agad naman niyang sagot at lumabas ito kaya napabuntong hininga na lang ako at nagmadali ng umahon at kinuha anong bath robe na kanina ay sinabit ko sa sabitan. Nang maisuot ko ito ay dali dali naman akong lumabas ng banyo at naabutan ko naman si Xavier na naka top less habang sinusuot ang polo niya kaya naman di ko maiwasang mapatitig doon. “Enjoying the view?” ngisi nito sakin kaya napapilig ako ng ulo tsaka siya inirapan dahilan para mahina itong matawa. “Masyado ka namang masungit. Here, nag ready na ako ng masusuot mo.” saad nito at itinuro ang damit na nakatupi sa kama. “S-salamat” ilang kong wika at tipid na ngumiti. “Sige na magbihis ka na at may pupuntahan tayo” saad nito na ikinakunot ng noo ko, hindi na ako nagtanong kahit pa hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta ay nagbihis na ako at bahagyang tinuyo ang buhok ko at sinuklayan ito. “You done already? Excited kang lumabas ah?” natatawang sabi nito “Nakakabagot nman kasi na nandito lang sa kuwartong to” wika ko kaya napailing nalang siya tsaka na kami lumabas ng kuwarto. Isang itim na tinted SUV ang sinakyan namin. Pareho kaming nasa backseat ni Xavier, at si Joseft naman ang driver namin sa kabila naman ay isa sa mga tauhan rin ni Xavier. “He’s Brando, para naman alam mo ang pangalan nila incase may kailangan ka” biglang sabi ni Xavier na mukhang napnsin niya yata na nakatingin lang ako doon. Tumango lang ako at muling tinuon ang atensyon ko sa bintana ng sasakyan. Naging tahimik lang ang byahe namin hanggang sa huminto kami sa isang pamilyar na lugar kung saan palaging nagsusugal si Tita Rowena. “Anong ginagawa natin dito?” taka kong tanong. “You want to be free right? I’ll show you how i do that for you” kalmadong sagot ni Xavier at ilang saglit pa ay lumabas mula sa pasugalan si Roxie kasama si Tita Rowena na may kasamang mga naglalakihang lalaki at ang isa ay parang pamilyar pa sakin at hindi ko matandaan kung saan ko ba ito nakita. Ilang saglit pa ay nagulat ako ng bigla na lang may mga armadong lalaki na nakacivilian at nakatutok ang mga baril na iyon kila Roxie at Tita Rowena, pati na sa mga lalaking kasama nila. “Sino yang mga yan? Mga tauhan mo ba yan?” taranta kong tanong “Nope, mga under cover agent yan, and as for my organization, ginagawa kong madali ang trabaho nila na mahuli ang mga tiwali at mga may illegal na negosyo.” sagot ni Xavier “Kasama doon ang pagpatay mo?” lakas loob kong tanong “Labas na sila doon. Marami na akong natapakang grupo, kaya marami akong kaaway.” saad pa nito. “Mga high smuggled drugs and money galing sa mga malalakas na sindikato and human traffickers nagawang ipahuli ni Boss, kaya ganyan kami kabilib sakaniya.” sabad naman ni Brando at ng tignan ko si Xavier ay nakangisi lang ito na para bang proud na proud talaga siya sa ginagawa niya. “Kung ganoon… magiging ligtas na ba ako dahil mahuhuli na sila?” tanong ko. “Yes… ligtas ka na from Velasco pero hindi sa pinsan at tita mo. bukas na bukas ihahatid kita sa condo na ibinili ko just for you. At wag ka ng babalik sa club na pinagtatrabahuan mo.” wika ni Xavier kaya napakuyom ako. “Alam mo kung saan ako nagtatrabaho?” tanong ko pa “Of course, i own that club.” sagot niya na ikinatango ko nalang. “E san ako magtatarabaho niyan?” tanong ko pa. “In my company” sagad niyang sagot na para bang plinano na niya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD