“Kumapit ka lang! At manatili ka lang na nakayuko” bilin sakin ni Joseft habang patuloy lang siya sa pag mamaneho. Napapikit na lang ako habang nakakapit sa seatbelt at bahagyang nakayuko. Hindi ko na alam kung ano na ang mangyayari samin ni Joseft ngayong gabi, pero isa lang ang hiling ko… sana makaligtas at makatakas kami sa kung sino man ang humahabol samin. Mas binilisa pa ni Joseft ang pagmamaneho niya. Tumawag na rin siya ng back up at agad namang tumugon ang mag ito. Nang may pasukan kaming iskinita ay hininto ni Joseft ang sasakyan tsaka kami lumabas ng mabilis. “Anong ginagaw mo?” tanong ko kay Joseft “Shhh, wag kang maingay” saad ni Joseft sakin at mabilis akong hinila papasok sa isang makipot na daan at may mga kabahayan. Nagtago kami sa isang bakod ng bahay. Nakayuko kam

