Habang nakaupo ako sa edge ng kama ay di ko maiwasang isipin yung sinabi ni Joseft kanina na ako talaga ang target ni Ethan kanina… pero bakit? Anong kailangan niya sakin? Makalipas ang ilang taon, bakit ngayon lang siya nagpapakita? At bakit sa ganitong paraan—marahas, madugo, at nakakatakot? Habang nag-iisip ay tatlong mahihinang katok ang narinig ko sa pintuan kaya napatingin ako roon. Nagbukas yun agad at pumasok si Xavier. Umayos agad ako ng upo at bahagyang napalunok ng tumabi siya sakin. Amoy alak siya, sa tingin ko ay uminom siya para pakalmahin ang sarili niya. “Ayos ka lang ba talaga?” tanong nito at hinawakan ang kamay ko. “A-ayos lang ako…” kinakabahan kong sagot. “Nasabi na ni Joseft sakin ang lahat. Bakit hindi mo agad sinabi samin? Sakin?” saad nito. Akala ko magagal

