SAM POV Nang matapos ang nangyaring ito ay hindi na kami nag pansinan pang dalawa ni Carl. Pumasok na ito sa kanyang trabaho at 7 am ay sinamahan na ako ni Maricel. Sumakay kaming dalawa ng jeep at nasa magkabilang dulo. Nag kukuwentuhan kaming dalawa, marami siyang shini share sa akin pero ako itong tikom na tikom ang bibig. Hanggang ngayon kasi ay hindi lang talaga ako makapaniwala na nagawa akong i harrass ng asawa niya ng ganun ganun na lang. Hindi ko pa nga kayang itake ang hiwalayan naming dalawa ng asawa ko at ngayon ay mayroon na naman akong isang panibagong problemang kinakaharap. Gustuhin ko man na sabihin kay Maricel ang nangyari, kaya lamang ay baka ma misinterpret nito ang nangyari at panigan niyaang kanyang asawa. "Hoy, nakikinig ka ba sa sinasabi ko ha? Bakit parang t

