SAM POV Labis akong nasaktan sa sinabi niya. At alam kong galing mismo ito kay Robert. Wala akong maisagot, hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang sinabi n'yang ito. Kahit noon pa man, pinangarap ko na talagang magkaroon ng sarili kong anak kasi feeling ko ay ito na lamang ang kulang sa aking pagkatao. "Hindi 'yan totoo, hindi baog ang kaibigan ko," ang pag tatanggol sa akin ni Maricel. Mabuti na lang talaga at nandito s'ya ngayon dahil kawawa ako nito for sure kung wala akong kasama. Inilihis ko ang mga mata ko kay Robert. "Robert, ano ang ibig sabihin nito ha? H'wag mo sa akin sabihin na ito talaga ang dahilan kung bakit ka nag file ng divorce? Did you plan all of these?" pigil iyak ko pang tanong sa asawa ko. He frowned, "I don't have anymore reasons to explain to you, Sam

