SAM POV Pumasok ako sa loob ng office ni sir Carl na ngayon ay kaka upo lamang sa kaniyang chair. He is smiling at me as if he knew what is coming kaya mas lalo tuloy akong nang gigil sa kaniya. Sinarado ko at ni lock ang pintuan upang makasigurado lang ako na walang ibang papasok sa loob. Umupo ako at nag bitaw kaagad ako ng tanong sa kanya. "Dont tell me hindi alam ng asawa mo ang tungkol dito ha? Maricel is your wife at sayong bibig na rin mismo nanggaling na ayaw niyang bumalik ka sa modeling kasi selosa siyang babae." Kinuha niya ang ballpen sa lamesa at nilaro ito sa kaniyang kamay. He is not taking me seriously. "First of all, probema ko na siguro ito sa asawa ko. But the bottom line is, just like you, I will not try to quit modeling. Kaya nga nandito pa rin ako at gumagawa

