SAM POV Dito sa mismong office ni Cheska namin ipinag patuloy ang aming pag uusap. Ganito pa rin naman ang office n'ya na puno ng pictures ni Mariah Car3y, idol na idol kasi n'ya ito noon pa man kaya ganito na lang ang dami ng collections nya. May pa donut pa nga sya sa akin kasi alam nitong paborito ko ang sweet foods. "So ano na ang ganap mo ngayon ateng? Di ba ang balita mo sa akin, kung tama ang pagkaka alala ko ay divorced ka na sa hubby mo?" A gave her a sad face, "Well, you can say it that way. Siguro talagang totoo ang sinasabi nila na sa three years dumadating ang mga pinaka malalaking pag subok sa relationship." "Nakakalungkot naman ang nangyaring ito. May I know the reason why?" "Kasi hindi raw kami magka anak. Sinayang niya lang daw ang three years naming dalawa at nag

