Di inaasahan ni Asia ang mga nangyari, kampante pa naman sana siya na kakampihan siya ng kanyang lola dahil totoo ang kanyang sinasabing sumbong.
Sa kabilang banda, nagngingitngit ang mama ni Asia dahil naargabyado ang kanyang anak at ni di man lang pinakinggan ang kwento nito at dali daling siabihan na sinungaling si Asia.
Alam na alam ng kanyang mama na paboritong apo ng kanilang lola si Celine, ngunit di niya inakala na mas papanigan pa niya sa harapan ng kanyang anak ang salbaheng batang iyon.
Malungkot si Asia at di manlang siya pinakinggan ng kanyang lola at sinabihan pa siyang sinungaling at salbahe. Lalo't lalong nalugmok siya dahil ni minsan ay di siya nagsisinungaling...takot si Asia dahil pangaral ng kanyang ina na masama ang magsinungaling. Napapanood din nya na pinaparusahan ang mga batang nagsisinungaling ayon sa telebisyon at di ito tatanggapin sa langit.
Mabait na bata si Asia dahil naisip pa niya ang kapakanan ng pinsan na si Celine na baka di nya ito makasama sa langit pag pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawang pagiging salbahe na bata.
--
Mag gagabi nang dumating ang papa ni Asia. Di makapaghintay ang kanyang mama na sabihin sakanya ang mga nangyari sa anak na si Asia at ang nangyari na komprontasyon ng umagang iyon sa pagitan niya at ng kanyang ina.
Awang awa si mama ni Asia sa kanya dahil alam niya na mabait ito at di magsisinungaling base sa kanyang mga turo. Lubos siyang naniniwala dito dahil ni minsan walang ppinapakitang agresyon si Asia at sanay ito na maglarong mag isa.
Habang kinikwento ng kanyang mama ang insidente sa kanyang papa ay napansin ni Asia na tila walang reaksyon ito at tila labag sa puso niya makinig sa hinanaing ng kanyang ina.
Nang matapos ang kwento ay sinabi lamang ng kanyang ama na...
"Hayaan na natin ang mga nangyari, wala naman tayong mapapala kung papatulan pa natin ang bata"
Na ikinagalt ng mama ni Asia at ikinagulat naman ni Asia dahil tila walang pakielam ang kanyang papa sa nangyari sa kanya.