Umiiyak si Asia na dinaramdam ang sakit at sama ng loob sa kalarong pinsan na tinuring niyang matalik na kaibigan. Siya ay umuwi at tinanong ng kanyang mama kung bakit umiiyak ang ito.
"Asia, bakit ka umiiyak, anong nangyari sa'yo?"
"Hinulog ako ni Celine sa hagdan habang naglalaro kami kina lola." ani ni Asia
Pumunta ang mama ni Asia sa bahay ng kanyang lola na hindi naman lalagpas sa sampung hakbang ang layo mula sa kanilang bahay. Pumunta ito upang itanong at pagsabihan si Celine sa ginawang paghulog kay Asia ngunit...
Nakaharap agad ng mama ni Asia ang kanila lola-- biyenan ni mama ni Asia. Agad agad na sinumbong ng mama ni Asia ang ginawang panghuhulog ni Celine sa anak nitong si Asia.
Naroon din si Asia, at kumpiyansa ang bata na pagsasabihan nito si Celine at maaawa sa kanyang natamong sakit dahil sa ginawa ng kanyang pinsan. Mataas ang tingin ni Asia sa kanyang lola, at naniniwala siya na wala itong pinapanigan at titignan niya ang tama at mali hanggang sa...
"Salbahe yang si Asia, ginagawan pa ng kwento si Celine. Mas gusto ko nalang ng apo na tahimik kesa sa salbahe nasa loob ang kulo ng anak niyong yan." ani ng kanilang lola.
Nagkagulatan sina Asia at kanyang ina. Di nadin sumagot ang ang mama ni Asia at inuwi ang kanyang anak. Nakita ni Asia na habang sila ay pauwi ay tatawa tawa si Celine at dumidila dila pa sa kanila ng kanyang mama.