Agad niyang ginulo ang buhok ko at kinurot ang pisngi ko. "Ang cute-cute mo talaga baby boy. Nakakagigil ka." Napatawa naman ako habang panggigilan niya ang pisngi ko. Sanay na ako sa ganito sa tuwing magkikita kami. Si Ate Jaya ay bunsong kapatid ni Tito Jayvee at tuwing weekends ay nandoon siya sa bahay kasama ang mga kapatid niya. Minsan nandoon din si Mama Kris at asawa nito na parents naman niya. Si Ate Jaya ay Senior Highschool sa kaparehong school na pinapasukan ko. "Ang kyut talaga nitong batang 'to. Pakurot naman kami baby boy." Hirit naman ng kasama niya. Tumango naman ako at ngumiti. Pilit ko ang hindi mapadaing habang nilulukos nila ang pisngi ko. Hindi na gigil iyon eh, p*******t na. "Pwedeng iuwi na lang kita baby boy. Ang kyut mo kasi eh." Saad ng isa sa kanila. "Sal

