"Good evening po tito Jayvee, tito Xander." Bati ng girlfriend ni Xavier sa mga magulang niya nang ipaharap ito sa kanila. Nandito ako sa dining area at kasulukuyang kumakain ng ice cream ilang metro ang layo mula sa kanila. Wow ha! Hindi ko akalaing magdadala ng babae si Xavier dito sa bahay. Ibig-sabihin seryoso siya kay Ate Lyza. Akala ko kalandian niya lang ang babae. Tama nga ang narinig kong mga chismis sa school na sineryoso raw niya ito. "Magandang gabi din hija." Parehong bati din ng mga magulang sa kasintahan niya. "Anong pangalan mo binibini?" Ang tanong ni Tito Xander dito. "Lyza Romualdez po Tito." "Oh! Romuladez? Are you happened related to Mr. Fernand Romualdez, the owner of Sky Phoenix Security Agency?" "Yes sir. Tito ko po siya. My father is Roland Romualdez. Th

