Chapter 2

3462 Words
“G-Gavin, I know I’m wrong all this time. Pero nandito na ako, oh. Bumalik ako para sa ’yo kasi, kasi gusto kong bumalik tayo sa kung anong meron tayo rati---" “Enough, Pia! Pagkatapos mo ‘kong iwanan nang halos apat na taon ngayon ganyan lang kadali sa ’yo na sasabihin ang mga ‘yan?” tumawa ito ng mapakla. Bakas sa boses nito ang pait. “I’m s-sorry. Just . . . Just listen to me first, please? Magpapaliwanag ako! Pag-usapan natin 'to nang mahinahon at maayos," pakiusap ko rito. “Sorry? Bakit? Mabubuo ba ulit ‘yong puso ko na sinira mo, na winawasak mo, kapag humingi ka ng sorry, ha?" Ramdam ko ang pait sa bawat salita na lumalabas mula sa bibig niya, at ang sakit-sakit dahil para ‘yong patalim na tumutusok sa aking puso. Wala na ‘kong naisagot pa sa kanya. Iyak lang ako nang iyak na parang bata. “Pia, kung inaasahan mo na pagbalik mo tayo parin at tayo pa, nagkakamali ka! Dahil simula nang araw na iniwan mo ko ay siya rin araw na kinalimutan kita!” Nanatili akong nakayuko upang iwasan ang malamig na tingin niya. Nakatakip rin ang dalawang kamay ko sa mga tenga ko, ayaw kong marinig ang mga sinasabi at sasabihin niya, masyadong masakit! Hindi ko alam kung naglalabas ba siya ng sama ng loob o sadyang ipinapamukha niya lang sa akin ang ginawa ko? Maybe, both! “T-tama na, please!" pagmamakaawa ko rito. Pero parang dumaan lang sa tenga niya ang sinabi ko dahil nagpatuloy siya sa masasakit na salita niya na tumatagos nang sobra sa aking puso. Nilapitan ako nito at hinawakan sa magkabilang balikat at niyugyog ako nang paulit-ulit. “Itatak mo sa kokote mo na kinalimutan na kita, Pia! Binura na kita sa utak at puso ko. Inalis na rin kita sa buhay ko! Kung inaasahan mo na babalik sa dati ang lahat tumigil ka na sa ilusyon mo, dahil matagal na ‘kong sumuko sa ’yo simula pa nang araw na binitawan at iniwan mo ‘ko!” saka ako nito marahas na binitawan. Muntik na 'kong matumba sa ginawa niya kung hindi ko lang naibalanse nang maayos ang katawan ko. “N-no!” parang may bumabara sa lalamunan ko. Para na rin akong sasabog sa sobrang sakit. Unang pagkikita pa lamang namin 'to pero iba na ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Paano pa sa susunod? “Ang sakit-sakit, Pia! You hurt me--" “P-patawarin mo ‘ko. I-isa pang pagkakataon, G-gavin--" “It kept hurting, you know? Umalis ka, and now you’re back? If you stay, aalis ka lamang din ulit, at kapag nangyari 'yon masasaktan na naman ako! So, now, I want you to leave and go back to where you came from!” taboy na naman niyang muli. Malalam ko itong tinignan sa mga mata niya. “I s-still love you!" Mas lalo ako nitong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. “Please, leave us! Leave me, akiusap!” mariing saad niya. Matapos niyang sabihin ‘yon ay iniwan niya na lang ako basta. Napaluhod na lang ako dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Hagulgol ko lang ang narinig ko sa nakakabinging katahimikan ng buong kabahayan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa likuran. “It’s alright, Pia," tita Emerald said. Mas lalo akong naiyak. It's alright? Hindi ko na alam! Hindi ko na talaga alam! “Magiging ok rin kayo, Pia, trust me," pagsisigurado naman ni ate Alexa. Alam ko ngayon lang siya galit sa ‘kin, gagawa pa rin ako ng paraan para bumalik kami sa dati kahit pa . . . mahihirapan ako nang sobra. Bulungan at masamang tingin ang ipinukol ng mga bisita kay Gavin. Meron rin ibang naguguluhan sa inakto niyang pagwawala kanina nang lumabas siya mula sa pag-uusap nila kanina ng dalaga. Nagagalit siya, nagagalit na bumalik pa siya! Sa isipan nito ay dapat hindi na bumalik at nagpakita pa sa kanyang muli si Pia. “Bakit pa nila hinayaang makatapak sa pamamahay namin ang babaeng ‘yon?!” inis na tanong nito sa sarili. Sumakay ito sa kotse niya na nasa garahe at pagkatapos ay pinasibat na niya ‘yon nang mabilis. “Tangina! Eto na naman, eto na naman ‘yong sakit! Hindi dapat ako nasasaktan, eh! Pero bakit ko nararamdaman ‘yung sakit? Putangina!” he groaned. Naipukpok na lang nito ang mga kamay niya sa manubela dahil sa galit na nararamdaman. Nang makarating sa condo niya ay agad siyang pumunta sa isa sa mga kabinet niya na naglalaman ng mga alak. Kumuha siya nang isa ro'n at agad na nagsalin sa isang baso. “Damn!” Paulit-ulit na sambit nito habang paulit-ulit din na sinusuntok ang pader sa loob ng condo niya. Hindi nito ininda ang sakit sa kamay, para rin namang wala siyang maramdaman. Kung may nararamdaman man siya ngayon 'yon ay galit at sakit. “Damnit! Damnit! Damnit! Bakit ka pa bumalik?! Guguluhin mo na naman ang buhay ko?! Putangina, Pia! Ahh!” Walang tigil sa pag-agos ang dugo mula sa kamay niya pero hindi niya ‘yon pinansin. Nang makita niyang muli ang dalaga kanina ay bumuhay bigla ang galit sa puso niya. Gusto niya itong saktan pero ‘di niya magawa. At nang makita pa niya ‘tong umiiyak kanina sa harapan niya ay para bang may humaplos bigla sa puso niya. Para bang gusto nitong pahirin ang mga luha na lumalabas mula sa mga mata nito at kabigin siya at sabihing ok lang ang lahat, na wala itong dapat ipag-alala. “No, Gavin! Huwag na huwag kang magpapadala sa babaeng ‘yon! Minsan ka na niyang sinaktan kaya huwag kang madadala sa pagiyak-iyak niya! Magalit ka dapat sa kanya dahil iniwan ka niya! Wala ka dapat ibang maramdaman sa kanya kung hindi galit at poot lamang!” pangungumbinsi nito sa sarili niya. Nang gabi ngang ‘yon ay nilunod ni Gavin ang sarili sa alak para kalimutan ang imahe at presensya ng babaeng sinaktan siya nang lubusan noon. Baka siguro kahit sandali, mawala ang sakit kapag nakatulugan niya ang kalasingan. Flashback... "Tay Robert, pakibilisan po ang pagpasok ng mga maleta ko sa van nang makaalis po tayo agad,” wika ni Pia sa driver niya. “Yes po, ma’am Pia,” sagot nito saka na nito inumpisahan kuhanin ang mga gamit niya upang ilagay sa loob ng sasakyan. Nagawi naman ang mga mata ng dalaga sa salamin niya sa loob ng kwarto, mugto ang mga mata nito pagkatingin niya sa repleksyon ng salamin. Kagabi pa siya aligaga, kinakabahan at lutang ang isip habang inaayos nito lahat ng mga gamit niya patungong America. Halos hindi rin siya nakatulog kagabi dahil alam niyang sa pag-alis niya ay may masasaktan siya, at ‘yon ay ang kasintahan niyang si Gavin. They are 2 years of being a girlfriend and boyfriend. They’re actually happy and grateful on their relationship. Until this day came, Sophia decided to breaking up with Gavin. And Gavin know nothing about this thing. Wala rin alam ang kasintahan niya na aalis ito. At ang masakit pa ay ikalawang anibersaryo nila ngayon. Kahit pa alam ni Pia na masasaktan ang boyfriend niya sa gagawin niya, wala siyang choice, kailangan niyang gawin ‘yon habang maaga pa. Nang hindi na rin sila mahirapang dalawa kung sakali man na humantong sila sa bagay na ayaw niyang mangyari. “Ma’am, lahat po ng mga maleta niyo ay naipasok ko na sa loob ng sasakyan. Hihintayin ko na lang po kayo roon,” anito driver niya. Tumango lang ang dalaga. Nanatili muna sandali si Pia sa kanyang silid, ayaw niya munang umalis, gusto niya munang makita sa huling pagkakataon ang apat na sulok ng kwarto niya na naglalaman ng mga pictures at painting nilang dalawa ng boyfriend niya. Pero lalo lamang nadagdagan ang bigat sa kanyang dibdib habang tinitignan ang mga 'yon. Sa kabilang banda, habang nasa byahe ay hindi mapigilan ng binatang si Gavin na mapangiti habang hawak nito sa kabilang kamay niya ang isang kahon. Patungo ngayon siya sa bahay ng kasintahan. Mababakas sa mukha nito ang saya. Excited na excited siya dahil may surpresa siya para sa babaeng mahal niya, balak niya nang mag-propose rito. Kabado man ang puso niya pero hindi ‘yon naging hadlang upang hindi niya ituloy ang balak niya na ayain si Pia na magpakasal. Gusto na kasi nitong itali ang dalaga nang hindi na ‘to makawala pa sa kanya. Kahit kasi sila na, marami pa rin lumalapit kay Pia, na siyang kinakatakutan niya, baka kasi iwanan siya ng dalaga dahil may makilala siyang bago nang higit pa sa kanya. At isa pa, nasa right age naman na rin sila kaya wala naman sigurong masama kung yayayain na niya itong maging asawa niya. Pagkarating sa tapat ng bahay nila Pia ay agad nitong itinigil ang kotse niya at mabilis na bumaba dala ang isang bulaklak patungo sa loob ng bahay. “Nanay Flor, ano po’ng meron? Bakit may hawak-hawak kayong bag? Saan po kayo pupuntang lahat?” takang tanong ni Gavin sa mga maid ni Pia nang gano’ng sitwasyon ang naabutan niya. Napalunok na lang sila at hindi nakasalita agad dahil hindi nila alam kung ano ba ang magandang sabihin o magandang isasagot. “H-huh? A-ano . . . m-mag . . . magba-bakasyon lang iho, oo," marahang sagot ng mayordoma ng mansyon. Tumango lang ang binata. “Ahmm, si Pia po pala, nasaan? Nasa kwarto po ba niya?” pag-iiba ng tanong ni Gavin, may ngiti sa bawat sambit nito ng mga salita. Tanging tango naman lang ang naisagot ng mga kasambahay sa binata. Para silang nag-iingat sa mga sasabihin dahil baka may masabi sila na hindi dapat masabi. Agad naman na naglakad papunta sa taas si Gavin. At paakyat pa lamang siya patungo sa kwarto ni Pia nang makita niya ang dalaga na pababa na rin ng hagdan. Nakayuko ang dalaga kaya hindi pa siya nito napapansin. Nagtaka naman ang binata nang makita nito ang suot ni Pia, bihis na bihis ang dalaga nang panlamig na damit. She’s wearing a striped turtleneck with a pair of high-waisted black skinny jeans and white boots, at nasa kabilang kamay pa ng dalaga ang isang oversized hooded black jacket. “Good morning, Love!" masiglang sambit ni Gavin kay Pia. Napaangat ng tingin ang dalaga at ikinagulat nito ang taong nasa harapan niya. Ilang segundo siyang hindi nakagalaw pero nang lapitan na siya ni Gavin ay napabalik ito sa reyalidad. Biglang nanuyo ang lalamunan niya. Nang makababa ang dalawa ay doon siya niyakap nang mahigpit ni Gavin, hindi naman makagalaw si Pia sa pwesto niya. Wala rin kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya. Naba-blangko ang utak niya dahil sa presensya ni Gavin. “Happy anniversary, Love! Flowers for my queen. I love you!” marahan at masiglang ani Gavin sabay bigay nito ng isang bouquet of red roses. Nasa sala na sila at umalis muna ang mga maid at nagpunta sa likuran para bigyan sila ng oras para sa isa't isa. Nanghihina namang tinanggap ni Pia ang bulaklak na ‘yon. Hindi ito makatingin nang deretso kay Gavin, nakayuko lang nang bahagya ang ulo niya. Pagkatapos nitong abutin ‘yon ay basta na lang siyang hinalikan ni Gavin sa noo nito, sa magkabilang pisngi at pagkatapos sa labi na siyang lagi namang ginagawa ng binata sa kanya, ang nakawan siya ng halik. Ngumiti na lang siya ng pilit habang ramdam ang pamamawis ng kamay niya. “Love, ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi nagsasalita, eh. At saka bakit ganyan ang suot mo? Hindi naman malamig, ha. Hindi ka ba naiinitan?” may pagtataka sa boses nito. “A-ah, o-oo, oo, ok lang ako, Love. Atsaka n-nilalamig kasi ako k-kaya ganito ang s-suot ko," paliwanag niya. Tumango-tango lang ang binata. Mahigpit naman ang ginawang paghawak ni Pia sa laylayan ng damit niya, na-g-guilty siya sa pagsisinungaling kay Gavin. “Ok, so, tara na, Love? May malaking surprise ako sa’yo sa bahay,” excited na sabi ni Gavin sa kanya. Napalunok na lang si Pia. “S-surprise? Ano naman ‘yon?” utal na tanong nito. Nanginginig ang mga kamay niya dahil sa kaba. “Secret love," kinindatan pa siya nito. Akma nang hahawakan ni Gavin ang kamay ni Pia para sana magkahawak kamay silang aalis pero iniwas ng dalaga ‘yon na siyang ikana-kunot noo ng binata. “L-love, may problema ba?” takang tanong muli ng binata. Nabigla ito sa pag-iwas ng kamay ni Pia, na kahit kailan hindi ginawa ng dalaga. “Hmm, ano kasi love, pasensya ka na kung ngayon ko lang sasabihin ‘to, biglaan rin kasi. M-may problema sa bahay nila ate Sindy, k-kailangan ko siyang puntahan ngayon kaya hindi ako makakasama sa ’yo,” aniya. Nakita ni Pia na nag-iba ang ekspresyon ni Gavin dahil doon, nalungkot ‘yon bigla. “Pero mahihintay mo naman ako, 'di ba? S-sandali lang naman ako, eh, hindi naman ako magtatagal,” agad na dugtong ng dalaga sa sinabi. Mas lalong kumabog ang puso niya dahil panibagong kasinungalingan na naman ‘yon. Bigla ay bumalik rin ang kaninang ngiti ni Gavin. “Ah, ok. Akala ko hindi ka makakasama, eh. Sige Love, walang problema ‘yon. Hihintayin kita. Anong oras ka ba makakabalik? Susunduin na lang kita sa bahay nila ate--" “H-hindi na love, huwag mo na ‘kong sunduin. Kasama ko naman ‘yung driver ko, sa kanya na lang ako magpapahatid papunta sa bahay niyo.” pangungumbinsi nito. Naguguluhan man si Gavin sa inaasal ni Pia mula pa kanina ay ipinagsawalang-bahala na lang niya ‘yon. Tumango na lang ito at tuluyan ng umalis pagkatapos. Nang makaalis ang binata ay doon lang nakahinga nang maluwag si Pia. Napakagat na lang siya ng labi para hindi siya makagawa ng kahit anumang ingay mula sa iyak niya na kanina pa niya pinipigilan nang kaharap si Gavin. Ngayon pa lang na hindi pa siya nakakarating ng America ay sobra na nito siyang nami-miss. Gabundok ang pagpigil niya kanina sa sarili na yakapin pabalik si Gavin. Gustuhin man niyang yakapin at gantihan ng halik ang binata, pero baka kapag ginawa niya ‘yon ay hindi na siya makaalis pa nang tuluyan. Baka lalo lamang siyang mahirapan. Kabado at hindi mapakali ang binatang si Gavin. Napapahilot na lang ito sa sentido niya. Pabalik-balik ito sa paglalakad. Kung ano-ano na rin ang naiisip niya. Wala pa ang nobya nito, oras na at lumalalim na ang gabi. “Kung sunduin ko na kaya siya, Ma?” Nilapitan siya ng ina. "Anak, hintayin mo na lang. Parating na ‘yon panigurado," pagsisigurado nito sa kanya. Tumango na lang siya. Nang umalis siya kanina ay nakatanggap agad siya ng text mula kay Pia, ang sabi nito sa text ay baka gabihin siya at baka bago mag alas syete ng gabi ay saka pa lang siya makakarating. Pero 10 pm na at tatlong oras na ang lumipas ngunit wala pa rin Pia'ng dumarating. Ilang beses na rin siyang tinawagan ni Gavin pero cannot be reached ang telepono nito. Nag-aalala na ang binata para sa dalaga. Tinawagan na rin ni Gavin ang parents ni Pia, pati na rin ang ate nitong si Sindy para tanungin kung nasa kanila pa ba si Pia, pero ni isa sa kanila ay wala rin sumasagot. Habang pabalik-balik sa paglalakad si Gavin ay malungkot niyang tinignan ang lugar kung saan naroroon ang hinanda niyang surpresa para sa dalaga. May round table na nababalutan ng pulang mantel, may dalawang romantic candle sa ibabaw non, pero unti-unti na ‘yong nauubos dahil kanina pa ‘yon nakasindi, akala kasi nito ay parating na ang kasintahan. Naghain rin ang binata ng mga paboritong pagkain ni Pia, tulad ng kwek-kwek, fish ball, calamaris, at kung ano-ano pang street food, doon niya minahal ang dalaga, sa pagiging simple nito, walang arte sa katawan, sa lahat. Pero lahat ng pagkain na hinanda niya ay malamig na. Sa paligid rin ay puno ‘yon ng mga palamuti. Mula sa mga puno na madadaanan ay merong nakasabit na mga romantic lights. Sa daan rin mismo ay merong nakakalat na mga red petals ng isang bulaklak. Talagang ang araw na ‘to ay pinaghandaan ni Gavin. Lahat ng efforts niya para rito ay ibinuhos niya. Kahit pagod, alam niyang pagkatapos non ay magiging masaya siya kapag narinig na nito ang matamis na ‘Yes, I will marry you!’ mula sa babaeng pinakamamahal niya. Lumipas pa ang isa’t kalahating oras nang paghihintay ay wala pa rin Pia’ng lumilitaw, trenta minutos na lang at mag-a-alas-dose na. Bakas rin sa mukha ng nanay, tatay at ate ni Gavin ang pagkadismaya para kay Pia. “Anak, mukhang hindi na siya darating,” malungkot na sabi ng ina ni Gavin sa kanya. “I think, we already need to clean all of these,” tukoy ng ate niya sa mga ginawang paghahanda nito. “Oras na rin, satingin ko ay ipagpabukas na lang natin ‘to,” singit naman ng tatay niya. “N-no, I will wait her here. S-siguradong papunta na ‘yon. Ma, Pa, Ate, hintayin pa natin siya, b-baka na traffic lang siya. Huwag muna kayong pumasok, gusto ko kapag dumating siya sabay-sabay natin siyang sasalubungin. At sasaksihan niyo pa ang magiging sagot niya sa proposal ko. Kaunting oras pa" pakiusap ni Gavin, malungkot na tumango ang mga 'to sa kanya. S-sandali, tatawagin ko siya ulit,” sabay labas niya ng cellphone niya. Kahit naiinip na ang binata sa paghihintay, at nagtatampo na siya kay Pia dahil hindi nito sinasagot ang mga tawag niya mula pa kanina, pinilit pa rin niyang maging masaya at ngumiti sa harapan ng kanyang mga magulang kahit pa hindi na rin siya natutuwa. Akma nang i-d-dial ni Gavin ang telephone number ni Pia, nang bigla ay nag-ring ang phone niya at lumitaw sa screen ang hindi kilalang numero. Kahit pa hindi niya ugaling sumagot ng mga tawag mula sa mga taong ‘di niya kilala o unknown number, pero ang isang ‘to ay para bang may naguudyok sa kanya para sagutin ‘yon. “Hello, who’s this?” sa walang ganang sagot ni Gavin. Pero ilang sandali pa ay nag-iba ang ekspresyon niya nang marinig ang boses ng nagsalita sa kabilang linya. "Gavin," “Pia? Love? Mabuti naman at tumawag ka na," Mababakas sa boses ni Gavin ang saya nang sawakas tumawag na si Pia sa kanya. Nawala ang pangamba niya mula pa kanina. Nakatunghay naman ang mga magulang at ate niya sa kanya. “Pinag-alala mo ‘ko, akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo,” dugtong pa nito. “Tinawagan ko rin kanina ang parents mo, pero kahit sila hindi sumasagot, inisip ko na lang na baka busy sila. But it doesn’t matter, nasaan ka na ba? Papunta ka na ba? O papaalis pa lang? Susunduin na kita,” sunod-sunod na tanong nito. Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsalita si Pia. “Huwag mo na ‘kong sunduin,” mahinang sagot nito. “Bakit? Ihahatid ka ba ni tatay Robert?” tanong ng binata. Masaya ito at hindi niya napansin agad ang walang ganang pagsagot sa kanya ni Pia. “Hindi,” simpleng sagot niya. Napakunot ng noo si Gavin. Nagtaka rin ang mga kasama niya dahil sa nababasa nilang reaksyon mula sa binata. “Hindi? Anong hindi? Mag-t-taxi ka? Kung ‘yon ang gagawin mo susunduin kita, alam mong hindi kita pinapayagan na magmaneho at lalo na ang sumakay nang ikaw lang mag-isa sa mga transportasyon!" may bahid ng inis sa boses ‘yong ni Gavin. Ayaw na ayaw kasi nitong sumasakay ang nobya sa anumang transportation, maliban na lang kung ang driver nito ang maghahatid sa kanya. Naaksidente na kasi dati si Pia kaya natakot ang binata na baka madisgrasya muli ang dalaga. “Hindi rin Gav, walang maghahatid sa ‘kin at mas lalong hindi ako mag-t-taxi papunta riyan, dahil . . . hindi na ‘ko darating," Naguluhan ang binata sa sinabi ni Pia. Doon na napansin ni Gavin ang matamlay na pagsasalita ng dalaga. “A-anong hindi ka na darating? Ano'ng ibig mong sabihin?” Hinihingal na tanong nito. Narinig nito bigla sa kabilang linya ang paghikbi ng dalaga. Naalarma siya, kung ano-anong pumapasok sa utak niya. Nag-aalala ito para sa nobya. “L-Love? May nangyari ba? Sabihin mo sa ‘kin, pupuntahan kita. B-bakit ka umiiyak? May nanakit ba sa 'yo, ha? Sabihin mo sa ‘kin, damn!” Nagtataas baba ang dibdib at nakakuyom ang mga kamao ni Gavin. Nagpipigil siya ng galit dahil baka may nanakit na kay Pia. At kapag meron ay makakapanakit talaga siya, walang pwedeng manakit sa babaeng mahal niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD