“W-wala," sagot ni Pia mula sa kabilang linya.
“A-anong wala? Nasaan ka ba? Pupuntahan kita!" Napapasabunot na lang ng buhok si Gavin dahil sa naririnig. Parang gusto niyang magwala pero hindi ito ang tamang oras para ro'n.
“H-huwag mo na ‘kong p-puntahan, Gav, at mas lalong huwag mo na ‘kong h-hintayin kasi . . . kasi hindi na ‘ko d-darating," napaawang ang bibig ni Gavin sa narinig.
“A-ano bang pinagsasabi mo? Nasaan ka nga sabi?!” Hindi na naitago ni Gavin ang inis para sa nobya dahil wala siyang makuhang matinong sagot mula rito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalaga. Kahit pa gusto na nitong lumipad para puntahan at sunduin si Pia ay hindi niya magawa dahil hindi nito alam kung ano'ng location niya.
“Gavin, I-I’m sorry, pero hindi na ‘ko darating pa kaya huwag mo na ‘kong hintayin. At s-simula ngayon kalimutan mo na ‘ko dahil . . . I’m breaking up with you,” humina ang boses ni Pia sa huling sinabi.
“A-ano? Tang ina, Pia! Hindi na ‘ko natutuwa, Love! Nasaan ka ba? P-please, sabihin mo sa akin kung nasaan ka. Pinag-aalala mo ‘ko nang sobra, eh!" maluha-luhang sambit ni Gavin. Napapakagat na lang ito sa labi niya para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata niya
“G-Gavin, tama na! Hindi mo ba naintindihan ‘yung sinabi ko--"
“Pero, bakit?! M-may, may nagawa ba ‘kong kasalanan, ha? May nagawa ba ‘kong mali? May ginawa ba ‘kong ikinagalit mo? Ano? Sabihin mo sa ‘kin, aayusin ko, ayusin natin, Love! Huwag mo naman gawin sa ‘kin ‘to! Mahal na mahal kita, hindi ko kayang mabuhay nang wala ka, p-please!” mariin itong napapapikit. Parang may bumabara sa lalamunan niya sa tuwing magsasalita siya. Gusto na niyang ibuhos lahat ng luha niya, pero ayaw nitong ipakita na mahina siya.
“G-Gavin, stop! I’m sorry, but I need to do this--"
“To do this?! Ang ano? Ang makipaghiwalay sa ‘kin? Hindi, hindi ako papayag, Pia!” Gulat ang naging reaksyon ng mga magulang at ate ni Gavin nang marinig kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawa. Gusto nilang magtanong dahil kahit sila ay naguluhan mula sa narinig pero wala pa sa tamang oras para magtanong sila kay Gavin.
“Wala ka nang magagawa pa, Gavin. My decision is final, I’m breaking up with you!" mariing sulit ni Pia.
Parang gusto na lang maging bingi ni Gavin nang mga oras na ‘yon dahil ayaw nito ang mga naririnig mula kay Pia. Mahigpit ang naging paghawak nito sa cellphone niya.
"H-hindi! Please, sabihin mo sa akin kung nasaan ka. Mag-usap tayo nang personal. Huwag 'yong ganito. Please, Pia! Kailangan ko ng kasagutan kasi gulong-gulo na 'ko! Iniisip kung ano ba'ng nagawa kong mali! Ipaliwanag mo sa akin nang maayos, tangina! Huwag 'yong ganitong tatawag ka na lang basta para lang sabihing nakikipaghiwalay ka na, na hindi ko naman alam kung anong rason! H-huwag mo naman akong iwan sa ere,"
“H-hindi mo na kailangang malaman pa 'yon. A-again . . . I’m sorry, Gavin. P-paalam," Huling salitang narinig ni Gavin bago nito makitang patay na ang tawag.
“Damn! Pia, hello? Hello? Pia? Ahh!” Malakas na binalibag ni Gavin ang cellphone niya, nasira at nagkahiwa-hiwalay ang mga parte non. Para siyang masisiraan ng ulo. Gulong-gulo ang utak niya. Ang daming katanungan sa isipan niya na gusto niyang masagot ngayon mismo.
Ilang sandali pa ay nanlalambot itong napaluhod sa sahig at parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa utak niya ang mga sinabi ng nobya na nakikipaghiwalay ito sa kanya kanina mula sa telepono.
Nagbabadya ang luhang gustong pumatak mula sa mga mata niya. Ang puso niya ay parang sinasaksak ng libo-libong patalim. Unti-unti siyang napahikbi. Nilapitan siya ng parents niya at ng ate niya para pakalmahin dahil ilang ulit nitong pinagsusuntok ang semento ng sahig.
“G-Gavin, anak, t-tama na,” Pinigil siya nang Ina mula sa likuran.
Hindi man nila alam ang kabuoan ng pinag-usapan nila kanina ni Gavin at Pia, pero alam nilang masakit ang naging usapan nilang dalawa kaya ramdam din nila ang sakit na nararamdaman ni Gavin.
“M-Ma, s-si P-pia . . . si Pia. B-bakit niya 'ko . . . bakit n-niya 'ko iniwan, M-ma?!"
Matapos ng kaganapang ‘yon ay agad na pinuntahan ni Gavin ang bahay nila Pia, pero para siyang nauupos na kandila nang wala siyang nadatnan doon. Sarado na ang bahay na animong wala na talagang tao roon.
Ilan beses pa siyang nagpabalik-balik doon pero walang anino ni Pia siyang nakita. Napagdesisyonan niya muling puntahan ang kapatid ng nobya para magmakaawang sabihin nito sa kanya kung nasaan si Pia. At sa pangungulit nga nito ay sinabi na ni Sindy sa kanya na nasa ibang bansa na si Pia. At panibago na namang pasakit 'yon sa kanya dahil hindi niya 'yon inaasahan, gulat ang reaksyon niya. Hindi naman sinabi ni Sindy ang exact location ng kapatid, pero patuloy pa rin na hinanap ni Gavin si Pia, wala siyang pakielam kahit saang lupalop pa ng bansa nagtungo ang nobya.
Ngunit, madaya nga siguro talaga sa kanya ang tadhana dahil kahit pa ang magaling na investigator na kinuha niya ay hindi mahanap ang kinalalagyan ni Pia, para bang may humaharang sa kanila na mahanap ang dalaga. Mas lalo siyang nasaktan, doble-doble ang sakit na dumagan sa kanyang puso dahil bigo ito sa paghahanap niya.
At sa araw-araw nga ng paghahanap ni Gavin at sa tulong ng kanyang private investigator, lumipas ang araw, ang linggo, ang buwan at taon ay wala man lang siyang nakuhang magandang impormasyon, hindi niya malaman kung nasaan ang nobya.
Pero, dumarating nga talaga sa isang tao ang pagkapagod. At gano'n nga ang naramdaman ni Gavin, napagod na siya, napagod sa kakahanap, napagod sa araw-araw at patuloy pa rin siyang nasasaktan kaya naman minabuti niya na lamang na tumigil na ito sa paghahanap at kalimutan na lamang nang tuluyan, paunti-unti ang masakit na nakaraan. Baka kapag hindi pa siya tumigil ay masira na nang tuluyan ang buhay niya.
“Ang lapad ng ngiti mo, ha?” nangingiting sabi sa akin ni Deena, my bestfriend, since elementary. Hindi ko napigilang mapangiti nang mahimigan sa boses nito ang panunukso.
Nasa kusina kami ngayon sa bahay namin. Nagluluto ako ng paboritong pagkain ni Gavin na adobong manok. Pupuntahan ko siya mamaya sa restaurant nila para dalhin 'yon sa kanya. Nandoon daw siya sabi ni tita Emerald, eh. Meron daw silang iv-visit na business sa ibang lugar kaya si Gavin muna ang namamahala ngayon habang wala sila ng mga ilang araw.
Isang araw na rin pala ang lumipas nang nagkaroon ng sagutan sa pagitan naming dalawa pero excited na ulit akong makita siya mamaya kahit pa halos ipagtabuyan na niya ‘ko nang huling pagtatagpo namin.
Eh, paano rin ba 'ko hindi magiging excited kung halos siya lang ang laman ng isip ko sa bawat segundo, minuto, oras, mula umaga, hapon, gabi. Para na nga ‘kong baliw sa kakatitig sa mga pictures naming dalawa sa kwarto ko, eh. Nami-miss ko na kasi siya nang sobra kaya 'di ko na matiis na hindi siya puntahan o makita man lang. Gusto ko na rin siyang yakapin nang mahigpit at halik-halikan sa buong mukha niya, pero hanggang tingin lang muna ako ngayon.
At hanggang ngayon din ay iniisip ko pa rin kung paano ba ‘ko makakabawi sa kanya, kung paano kami babalik sa rati o kung paano o saan ako mag-uumpisa. Ayoko siyang madaliin pero naghahabol ako ng oras. Pero, bahala na. Magtitiwala na lang ako na darating din ‘yong araw na magkakabalikan kami, na babalik din ‘yong dating kami.
Kung ipagtatabuyan niya ‘ko, wala na ‘kong pake. Basta makabawi ako sa kanya, maging ok kami at bumalik sa dati ay ayos na sa ‘kin. Kinakabahan nga lang ako para mamaya dahil hindi ko masasabi kung ano na naman ba ang magiging eksena sa amin. At baka rin kasi iwasan ako nito kapag nakita ako ulit, hindi pa naman niya alam na pupunta ako ro'n, siguradong magugulat 'yon. Pero hahabaan ko na lang ang pasensya ko kung magalit na naman siya ulit, sasaluhin ko na lang kahit masakit. Gusto ko naman ‘to kaya kailangan kong magtiis. Konting push pa at siguradong magiging maayos rin ang lahat.
“Halata ba?” tumingin ako rito habang hawak ang sandok.
“Hindi naman, kaunti lang, mga . . . 100 percent," sarkastikong sagot niya. Natawa ako. Nilapitan niya ‘ko.
“So, anong plano mo ngayon?” tukoy nito tungkol sa amin ni Gavin. Nakangiti 'to na para bang kinikilig pa habang nakatingin sa akin, nakikita ko tuloy ang nakakasilaw at maputi niyang mga ngipin.
“Ibalik siya sa ‘kin," agarang sagot ko. "At para magawa ‘yon . . . aakitin ko siya," dagdag ko. Gusto kong matawa sa sinabi at sa naisip pero napa-kunot lang ang noo ko nang makita ang reaksyon ng kaibigan.
“Perfect, good idea ka diyan, Bes!” Napapapalakpak si Deena sa tuwa. Tsk! Duh! I'm just kidding! She's being too serious!
“Hoy! Anong perfect? Ang ibalik siya sa ‘kin ang plano ko hindi ang akitin siya! Nagbibiro lang ako, sineryoso mo naman! Grabe ka sa ‘kin, ha? Magmumukha naman akong desperada nun, 'no?!" napailing na lang ako at binalikan ang niluluto.
“Eh, ano namang masama ro’n? Ang ganda kaya ng idea mo. At saka, aakitin mo lang naman, edi kapag kumagat swerte mo na lang girl! At hindi pa ba desperadang matatawag sa ginagawa mong paghahabol sa kanya kahit pa naman na alam mo nang galit siya sa 'yo? Sige, explain mo!" Nakapameywang pa 'to habang nagsasalita. Pilosopo rin ang isang 'to, ha!
“Alam mo? Pasmado 'yang bibig mo, ha? Akala ko ba support ka sa akin? Eh, ba't parang lumalabas ngayon ay hindi na," Inikutan ko siya ng mata habang hinahalo-halo ang mga sangkap sa niluluto ko.
"My point is gawin mo na lahat ng pwede mong magawa, kung kailangan mo siyang akitin gawin mo na. Diyos ko! Malay mo naman mabawi mo siya kapag gano'n, 'no? I'm just helping you---"
"You're not helping me," I cut her words. She just laughed at me. I rolled my eyes on her while shaking my head.
Kalahati ng buhay ko kasama ko si Deena. She’s my genuine and loving bestfriend of mine. Siya rin ang nakasama ko sa America nang umalis ako rito sa Pilipinas. Sa bahay nila ako tumira. Sila ang nagbabantay sa akin noon kasama si ate Sindy na sumunod sa akin pagkatapos nang alis ko.
Sa US ko rin itinuloy ang pag-aaral ko nang umalis ako rito. Pero hindi ako pumapasok sa school, homeschool lang ang naging ganap noon sa amin ni Deena, pati na rin kay ate Sindy. At naalala ko pa, nang unang baba ko pa lang sa eroplano ay parang gusto kong bumalik sa loob at paandarin 'yon pabalik ng Pilipinas, nang mahagkan ko lang siyang muli.
Pero, wala akong magawa, iyak lang ang nagawa ko, wala akong choice, eh. Mabuti na lang at kinaya ko. Pero hindi naging madali ang buhay ko. Ang hirap, sobrang hirap lalo pa't kung araw-araw ay naiisip ko siya. Kung araw-araw ay dala ko ang konsensyang gano'n-gano'n ko na lang siya basta iniwan, clueless kumbaga.
Deena, my bestfriend, isa siya sa nakasaksi kung paano ako nagdusa sa ginawa ko, kung paano ako umiiyak tuwing gabi, at sa tuwing naaalala siya. Deena knows a lot about what I’m going through. And I’m so thankful because she’s always there for me, to cheer me up and fight against my . . . illness.
Oo, may sakit ako, meron akong Brain Cancer. ‘Yon ang dahilan kung bakit ko piniling bitawan na lang ang relasyong meron kami ni Gavin. Ang babaw ba? Para sa akin hindi. Simula nang malaman ko ang tungkol sa bagay na ‘yon, nagulo na ang utak ko, gulong-gulo. I don’t know what the right things to do. What the best thing to do? O kung may kailangan ba talaga akong gawin?
Alam ko kasi na kapag nalaman ni Gavin ang tungkol sa kondisyon ko, mag-alala siya para sa ‘kin. Kaya tinago ko na lang sa kanya at pinagpasyahang makipaghiwalay. Satingin ko kasi ‘yon ang magandang gawin noon, eh. Ayaw ko kasing maging abala sa kanya, at maging sagabal sa mga gagawin niya, ayokong isipin niya pa ‘ko, ayokong maging pabigat, ayokong maging pasanin sa buhay niya. Magdudusa lang siya sa piling ko kung hindi ako umaksyon agad.
Doctor said, limang taon na lamang daw ang ibubuhay ko sa mundo. At halos dalawang taon nga akong nagpagaling sa America, hanggang sa idineklara nga ng doktor sa akin na cancer free na raw ako. Sobrang saya na marinig 'yon, ang dami ko agad na plinano sa isip ko, ngunit ang sayang meron ako ay napalitan ng lungkot at pighati dahil pagkatapos ng apat na buwan at balak na sana naming umuwi ng Pilipinas nang maramdaman kong muli ang nararamdaman ko rati, kaya naman bumalik kami sa sa doctor. Ti-nest ako at sinasabi sa resulta na bumalik ang Brain Cancer ko. At ano ang naging reaksyon ko? Wala, parang hindi na ‘ko nagulat, naupo na lang ako sa isang tabi at natulala.
Ngunit kahit gano’n, pinili ko pa rin na lumaban. Bumalik muli kami sa ospital para sa therapy ko. At Isang taon muli ang lumipas, at sa loob ng taon na ‘yon ay umaasa akong gagaling akong muli pero nang sabihin ng doctor na lumala raw lalo ang sakit ko at lumaganap na ‘yon sa ibat-ibang parte ng ulo ko ay hindi na raw madadaan pa sa surgery dahil kapag pinilit pa raw namin na gawin ang bagay na ‘yon ay baka ma-coma ako or worse mamatay. Kaya mas pinili ko na lamang na bumalik kami sa Pilipinas at huwag ng intindihin pa ang sakit ko, nawalan na rin ako ng pag-asa kaya tama na siguro talaga.
Tumutol naman ang pamilya ko syempre, pero satingin ko ay wala na talaga, tingin ko ay nasasayang ko lang ang oras kapag gano'n. At malapit ko na rin siguro talagang lisanin ang mundo kaya ie-enjoy ko na lang ang mga natitirang oras ko rito. Kung bibilangin na lang siguro ang ilalagi ko rito ay meron pa ‘kong . . . ilang buwan.
Pagkatapos ko noong makipaghiwalay kay Gavin nang gabing ‘yon ng anniversary namin, tinawagan ko si tita Emerald at sinabi sa kanya ang lahat. Mula sa hindi ko pagsipot nang gabing ‘yon, mula sa sakit ko, at kung bakit ko nagawang makipaghiwalay sa anak niya.
Nagalit ito nang una pero nang ipaliwanag ko sa kanya ang lahat ay naiintindihan daw nila. Nalulungkot daw sila sa nangyari sa akin, sa amin ng anak nila. Pagkatapos non ay pinakiusapan ko rin sila na huwag na huwag nilang sasabihin kay Gavin na tumawag ako, lalong-lalo na ang tungkol sa kalagayan ko.
At ngayon, bumalik ako kasi gaya ng sabi ko wala na rin namang saysay ang pagpapagamot ko. Parang mas nanghihina lang ako kapag hindi ako kumikilos, o kapag wala man lang akong nagagawa. Mahina na ‘ko, pero kaya ko, at kakayanin. Kailangan kong lumaban hanggang sa huling hininga ko. Hanggat nabubuhay ako rito sa mundo hindi ko susukuan si Gavin. Kahit pa nasayang na ang ilang taong dumaan sa ‘kin, sa amin, ang mahalaga ay ang ngayon kahit pa . . . kaunting oras na lang ang natitira. Sana lang talaga ay sa maikling panahon na narito ako ay maging maayos na ang kumplikadong sitwasyon na ‘to.
Abot tenga ang ngiti ko habang nakatingin sa malaking salamin na kita ang kabuoan ng katawan ko. Nag-aayos ako para sa pag-alis ko maya-maya.
Nagsuot lang ako ng high waist stripe short sleeve casual dress na pinartner-an ko ng sandals. Plus, light make up para naman hindi masyadong halata ang pagiging maputla ko. And a sling bag syempre.
“Goodluck, P!” supportive na sabi ni Deena sa akin bago ako sumakay ng sasakyan patungo sa Cohen Seafood Bistro. Sampu o labing-limang minuto lang ang naging byahe bago kami nakarating doon.
“Good morning, Ma’am!” masiglang salubong sa akin nung Security Guard dito sa restaurant.
“Good morning, Kuya!" nakangiting bati ko pabalik.
At magtatanong pa lamang sana ako tungkol kay Gavin nang sabihin na nito kung nasaan siya. Marahil ay sinabihan na siya ni Tita na siya ang bahala sa ‘kin kapag nagtanong ako.
Nagpasalamat na lang ako rito bago pumunta sa kitchen nitong restaurant. Naglakad na nga ako papunta roon habang bitbit ang tatlong lunchbox na naglalaman ng kanin, ulam at pinagpira-pirasong prutas na inihanda ko. Sana’y magustuhan ni Gavin.
Bago pa man ako makapasok ay kita ko na sa pinto na abala lahat ng mga tao sa loob, pati si Gavin na nakasuot ng pang-chef na damit, abala rin ito sa pagdidisenyo ng pagkain. Babasagin kasi ang gitna nitong pinto kaya naman nakikita ko sila mula sa labas.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan siya pero nawala ‘yon at natulala ako nang may babaeng lumapit sa kanya. Kung titignan ay magkasing-tangkad kami, para siyang modelo, maputi, makinis at maganda!
Hindi ko alam pero nang mga oras na ‘yon, bigla, ay nakaramdam ako ng selos, kahit pa wala akong karapatan. My lips parted. Hearing the two of them makes my heart hurt. How I wish I am blind for me not to see them like that. I see him happy, at kung paano siya tumawa sa simpleng pakikipag-usap niya lang dito, na dati lang ay ako ang dahilan ng pag-ngiti at pagtawa niya. Bakit ang sakit! Argh!
Mahigpit akong napahawak sa mga bitbit ko. I just inhaled deeply, blinked away my tears and smiled wickedly while looking at them. Napabalik lang ako sa huwisyo nang . . .
“Ma’am? Excuse me po," Napaigtad ako nang may lumitaw na lalaki sa harapan ko, may hawak siyang ilang plate na naglalaman ng ibat-ibang putahe. Hindi ko siya napansin agad, marahil ay nawala ako sa sarili ng mga ilang minuto nang makita si Gavin na masayang kasama ang ibang babae.
Napansin ko naman na lahat ng nasa loob ay nakatingin sa amin, pati si Gavin! s**t! Nakuha yata namin ang atensyon nila. Ano ba naman kasi ang ginagawa ko?! Bakit pa kasi ako sa pintuan nakaharang? Nakakahiya tuloy! Mabilis akong tumabi para tuluyan na itong makadaan, nang ma-i-serve na rin ang mga pagkain na dala niya para sa mga costumer.
“Ano na naman ang ginagawa mo rito?!” Mariin akong napapikit nang marinig na naman ang boses na ‘yon, it’s Gavin in his baritone voice. Unti-unti akong humarap rito, na sana ay hindi ko na ginawa, ang mga tinging binabato nito sa ‘kin ay hindi ko kaya. Parang tino-torture ang puso ko sa kung paano ako nito tignan. Sana ay bato na lang ako, para wala akong nararamdaman, para hindi ko 'to maramdaman!
“A-ah . . . e-eh . . . k-kasi---” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay bigla ako nitong hinablot sa kamay at kinaladkad sa loob mismo ng kitchen.
“Iwan niyo muna kami!” pasigaw na sabi ni Gavin nang makapasok kami. Bakas sa mga mukha ng mga tao sa loob ang pagtataka nang tignan ko sila, pero sinunod na lang nila ‘yon kaya naman nagmadali silang lumabas.