Chapter 4

3949 Words
At nang makalabas na nga sila ay binitawan ako ni Gavin at mabilis na humakbang patungo sa pinto, ni-lock niya ‘yon. Napapalunok na lang ako at nangangatog ang mga tuhod ko. Para ring may nagkakarerahan sa puso ko nang mga oras na ‘yon, kinakabahan ako sa susunod na mangyayari! “I told you to leave, right? Pero ano na naman ‘to? Pumunta ka pa rito at nagpakita pa talaga sa ‘kin ulit?!” bakas na naman sa boses nito ang galit. Pigil naman ang paghinga ko habang nakatingin sa kanya. “G-gusto k-ko lang naman na ibigay s-sa’yo ‘to," sabay pakita ko ng mga dala ko, tumingin siya ro’n. Nagulat ako nang bigla ay kunin nito ang mga ‘yon sa akin at pumunta siya sa tapat ng basurahan, inumpisahan na itapon ang mga laman non. Agad ko siyang pinigilan pero hindi siya nagpapigil. “Tama na, ano ba!” Pigil ko habang nanlalabo na ang mga mata ko. Ang sakit! Pinaghirapan kong iluto ‘yon para sa kanya, pero tinapon niya lang! Nang matapos siya sa ginawa ibinalik nito sa akin ang lunchbox na wala nang laman. Is that thing gives to him a satisfaction? I think yes! Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para mapigilan ang mga nagbabadyang luha mula sa aking mga mata. Lumapit muli ito sa akin at mahigpit muli ako nitong hinawakan sa braso at matalim na tinignan. “Bingi ka ba? O nagbibingi-bingihan? Ano ba’ng mahirap intindihin sa sinabi ko?!” sunod-sunod na tanong niya. Walang kahit anong lumalabas sa bibig ko. Pinipilit kong hilahin ang kamay ko pero mas lalo lang nitong hinihigpitan ang pagkakahawak doon. “Sinong nagsabi sa 'yong nandito ako, ha? Sinong nagsabi sa ’yong pumunta ka rito? Hindi mo ba talaga ‘ko tatantanan?!” sigaw niyang muli. At sa dahil hindi ko na napigilan ay tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang umagos. “”B-bitiwan mo ‘ko!” Bigla ay marahas ako nitong binitawan nang sabihin ko ‘yon. Nang tignan ko siya ay siya namang iwas niya ng tingin sa akin. “G-gusto lang naman kitang makita a-at dalhan nitong paborito mong pagkain, wala naman sigurong masama do’n. Bumabawi lang naman ako sa 'yo," Napasulyap ako sa kamay ko, namumula ‘yon. “You don’t need to do that! Hindi ko hiningi sa ’yo na pagtuonan mo ‘ko ng pansin, lalong-lalo na ang ipagluto ako! Hindi naman kita pinilit!” Humarap ako sa kanya. Hinihingal itong nakatingin sa ‘kin dala ng galit. “Pero gusto kong gawin!” Hindi ko na rin napigilan, napataas na rin ang boses ko. “Ganyan ka na ba ka-desperada? Talagang kahit ipagtabuyan kita nang paulit-ulit ay hindi ka pa rin aalis? Bakit hindi mo subukan na umalis ulit at huwag ka nang bumalik!" Tinignan ko ‘to, nang makita ko ang mga mata niya ay para bang may dumaan na sakit doon, sakit na dulot ng kahapon. I see that he's still in pain. “Kahit ilang beses mo pa ‘kong ipagtulakan papalayo sa ’yo, patuloy pa rin akong mananatili sa tabi mo,” mahina pero may diing saad ko na sapat lang para marinig niya. Natahimik ito nang ilang segundo. “Umalis ka na, at huwag ka na ulit magpapakita sa akin. Ito na ang huli, Pia!” mariing pakiusap nito sabay tulak nito sa ‘kin palabas doon. Nasaktan naman ako sa paraan ng pagtataboy niya. He never do that to me. The Gavin I know is caring ang loving person. Ito ba talaga ang nagagawa ng galit? Ang nakakapagsalita ka ng mga salita na talaga namang parang punyal na tumatagos sa puso mo? “Mag-usap naman tayo ng matino, Gavin. Ayusin natin ‘to. Magpapaliwanag ako sa ’yo, please!" Nagmamakaawa ang mga mata kong nakatingin sa kanya, nakikiusap na pagbigyan niya. “Wala tayong aayusin dahil wala namang kailangang ayusin! Hindi mo rin kailangang magpaliwanag dahil wala namang kwenta ang mga sasabihin mo, puro pagsisinungaling lang ang lalabas diyan mula sa bibig mo kaya umalis ka na rito at ayaw na kitang makita pa!” At dahil mahina ang katawan ko ay hindi na nga ako nakapalag pa sa paraan ng pagkakakaladkad niya sa ‘kin, tuluyan na nga niya ‘kong nailabas doon. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin, napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Parang na-guilty ako bigla dahil gumawa pa ‘ko ng eksena, dapat pala ay umalis na lang ako simula pa kanina. Mabilis ang ginawa kong pagsulyap sa kanya at umalis rin pagkatapos. Habang sakay ng taxi pauwi ay iyak lang ako nang iyak. Kailan ko ba siya makakausap nang maayos? Ang sakit at ang hirap ng ganito. Dati sa tuwing nagkakaroon kami ng tampuhan o away, gusto niya maayos kaming nag-uusap, pero bakit ngayon binabalewala na lang niya? He just ignoring me that makes my heart broken into a million pieces. Kaya ko pa ba? Panay ang tungga ko sa alak na hawak at matalim na nakatingin sa kawalan. Nasa isang club ako ngayon na pag-aari ng kaibigan ko, si Hugo. Gusto kong maglasing, baka sakaling makalimutan ko lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon apektado pa rin ako sa kanya! Damn! f**k, this life! Kanina, hindi ko intensyon na masaktan siya physically, alam kong napahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya, and damn! Ako ‘yong nasaktan sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko dapat maramdaman ‘to pero putangina, gusto kong saktan ang sarili! “Your ex?” Humarap ako sa katabi kong upuan. Napailing lang ako sabay inom muli ng alak, hindi siya pinansin. “Lara, look, I don’t want to talk about this nonsense thing--" “Maganda nga talaga siya," she cut me off. "Bagay nga kayo," pagpapatuloy pa niya. "What happened?” dagdag pa nito. I sighed heavily while looking at her. Lara, is one of the chef on my family, business. I met her nang mga panahong . . . iniwan niya ‘ko. Siya ang tumulong sa akin para . . . kalimutan siya. Napalapit kami sa isa't isa hanggang sa naging magkaibigan. And one day, I didn't expect, she confessed her feelings about me a long time ago but I’m not yet ready, parang hindi pa ako handang muli. Parang sariwa pa sa akin ang mga nangyari. Hindi pa naghihilom ang mga sugat. At masyado pang masakit. I can't bear in the pain again. Sa tagal rin naming magkakilala, ni isang beses wala akong naikwento sa kanya tungkol sa nangyari sa amin noon ni Pia. That's why she asked me right now? Tsk! “A-ano bang mali sa ‘kin?” Parang may bumabara sa lalamunan ko nang itanong ‘yon. All my life, I gave my best just to be a perfect boyfriend. I make her happy and everything, pero ano? Anong mali sa akin para iwan niya na lang ako nang gano'n?! Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Ibinigay mo na nga lahat, hindi pa rin sapat? “Wala,” mabilis at simpleng sagot nito. Tinignan ko siya, mapakla akong natawa. Kung wala bakit niya 'ko iniwan? Ano 'yon? She just leave and broke up with me because of nothing? What an unreasonable reason! “Kung wala, bakit siya umalis? Bakit niya ‘ko iniwan? B-bakit?” Humigpit bigla ang pagkakahawak ko sa basong naglalaman ng alak. Nararamdaman ko na naman ang galit dito sa puso ko. “Dalawang taon na tayong magkakila at alam ko sa sarili ko na walang mali sa 'yo. Babae ako at nararamdaman kong . . . siya ang satingin kong may mali. Pero lahat naman tayo nagkakamali, Jace," Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano nga ba ang dahilan, Pia? Why did you left me? Why?! “I don’t know exactly what is the reason, pero alam ko na kung susubukan niyong pag-usapan ang bagay na kailangan na dapat pag-usapan at linawin, maiintindihan mo lahat, maiintindihan mo siya. Makukuha mo lahat ng sagot diyan sa mga tanong mo,” Napaisip ako bigla, tama siya, pero kaya ko bang marinig ang mga sasabihin niya kung ultimo ang makita siya at maramdaman ang presensya niya ay ayoko? f**k! Why I’m suffering all of these?! “You know what? The best thing you can do and for your heart to be free in the past is . . . give her a chance and forgive her,” Matalim ko ‘tong tinignan. I don’t want anyone to dictate me, command me in the things that I don’t want to do! Lalo na kay Pia! “Lara, you know nothing! You don’t understand me! At para saan pa? Wala na rin namang patutunguhan ‘yon! Sasayangin ko lang ang oras ko para riyan!” mariing sabi ko. “Jace, you are only hurting yourself with your anger!” Nakita ko ang inis sa mukha niya. So, she's defending Pia, huh? Tsk! “Walang magagawa ‘yang galit mo, Jace! Bakit hindi mo na lang siya patawarin? Ang sarili mo lang rin ang sinasaktan mo. Sa halip na magalit ka, forgive her. Nabubulag ka ng galit mo, kamangmangan ‘yan, Jace! Alam ko mahal mo pa rin siya, nararamdaman ko ‘yon, galit ka lang at ayaw mong aminin sa sarili mo. Pero alam kong noon at magpa-hanggang ngayon, siya pa rin ang tinitibok ng puso mo, siya lang at wala ng iba. At habang nandito siya, gusto kong huwag mong hayaan na pangunahan ka ng galit mo dahil sa ginawa niya. Gusto mo ba siyang mawala ulit--" “Enough, Lara! Tama na ‘tong usapan na ‘to. Hindi ko siya kailangan makausap at wala ring aayusin! Tapos na kami. Kung ano man ang meron kami noon hanggang doon na lang ‘yon! Bahagi na lang siya ng nakaraan ko na kahit kailan . . . ayoko nang balikan!” padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo at pasaldak na binitawan ang hawak na baso sa bar top. Nang maglakad ako paalis do’n ay ramdam ko ang mga tingin niya, I just ignored it. All I want is to go to the place where I can find peace. Pero kahit saan nga yata ako magpunta ay siya lang ang nakikita ko, boses niya lang ang naririnig ko. Tanginang puso ‘to! Kailan ba siya mawawala rito?! "Nandito ka na naman?! Nananadya ka ba talaga, ha?!" bungad ka-agad sa akin ni Gavin nang makita ako. Eto na naman kami, hay! Tita Emerald called me last night and she asked me if pwede ba ‘kong maging chef ng mga ilang araw sa restaurant nila habang wala ‘yung isa nilang taga-luto and I said yes. At dahil sa tuwa at excitement na naramdaman ko nang um-oo ako nauna pa yata akong nagising sa mga manok para sa araw na ‘to. At isa sa dahilan ko kung bakit ako pumayag ay dahil makakalapit ako kay Gavin kahit na alam kong para akong virus sa kanya na dapat iwasan 24/7. “Gavin, ayaw ko ng gulo," mahinahong paliwanag ko. Ayoko talaga ng gulo. Ayoko ng away. Nakakapagod ang nangyayari sa amin pero tinitiis ko na lang para sa amin. "Kung ang ikinagagalit mo dahil akala mo narito ako para sa 'yo, you’re wrong," pagsisinungaling ko. Nakita ko naman bigla ang pag-iba ng ekspresyon niya, para 'yong nadismaya? —Nevermind. "And why I am here? Because tita Emerald called me last night na kung pwede ba akong magluto rito para sa mga costumer pansamantala--” “And you said yes?" he cut me off. "You agree with it?" he added. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Alam kong sa hilatya niya ay inis na inis na siya sa akin. “Don’t worry hindi kita guguluhin," pagsisigurado ko sa kanya. Hindi ko naman talaga siya guguluhin, eh. Ayoko naman ng gulo, siya lang 'tong laging nakataas ang boses sa akin na para bang nanghahamon ng away. "Pero hindi ako susuko,” mahinang saad ko sa huling sinabi. “Are you saying something?” Nag-isang linya ang kanyang mga kilay nang hindi niya masyadong narinig nang maayos ang sinabi ko, sinadya ko talaga 'yon. Baka kapag narinig niya 'ko ay humaba na naman ang usapan, usapan na laging may pagtatalo. “Nothing,” mabilis na sagot ko. Alam kong kapag nakarinig na naman siya ng matatamis na salita sa akin ay hindi na naman siya maniniwala, ako lang ang masasaktan. Kaya mas maganda nang hindi niya 'ko narinig kanina. “Psh!” saka na nito ako tinalikuran at naglakad na siya papunta sa loob ng resto. Itutulak pa lang sana niya ang pinto nang magsalita akong muli na siyang ikinatigil niya. “Gavin...” Napahinto ito sa paglalakad. Nakatayo lang siya habang nakatalikod sa akin. Nakapamulsa rin at para bang hinihintay ang kung anong sasabihin ko. “U-umaasa ako na ok tayo sa isa't isa para sa . . . trabaho,” nagsusumamo ang boses ko. Sana kahit 'yon man lang maibigay niya, matrato niya man lang ako nang maayos kahit sa pagiging 'magkatrabaho' lang. “Tsk! Don’t expect that I will treat you better, Pia, and you know why I can't give you that,” malamig na sagot nito saka ito humarap sa akin pagkatapos at nginisian lang ako. Hindi na 'ko sumagot pa dahil hindi ko kaya ang malamig na pakikitungo niya. I just sighed heavily habang tinitignan siyang maglakad papasok sa loob. “Tulungan na kita?” rinig kong saad ng kung sino kaya humarap ako sa pinanggalingan ng boses. “Hmm, ikaw pala, Lara. Sure, no problem,” nakangiting sagot ko. Lumapit na ito sa pwesto ko. Nasa kitchen kami, abala ang lahat sa pagluluto dahil saktong anniversary ng Cohen Seafood Bistro ngayong araw. May celebration na magaganap mamayang gabi kaya naisipan ko rin na magluto para sa magiging pagkain ng mga dadalong bisita. Tradition na pala sa restaurant na ito na sila ang magluluto, kumbaga hindi uso sa kanila ang catering. Halos isa’t kalahating oras din ang ginugol ko sa pagluluto ng carbonara. Naisipan kong ‘yon na lang ang iluto ko dahil ‘yon ang unang pagkain na niluto ko para kay Gavin noon. Wala lang, na-miss ko lang. Natatandaan ko pa na dahil sa carbonara rin ay kaya mas lalo siyang na-in love sa ‘kin, well ‘yon ang sabi niya. Sana lang tikman niya, sana. Pero hindi na talaga ako magugulat kung hindi niya na naman kakainin 'yon. “Hmm, ang sarap! Ang galing mo pa lang magluto, ha!” natutuwang saad ni Lara. Kakatapos ko lang iluto ang carbonara, sa tulong na rin niya. Nang ipatikim ko ‘yon sa kanya ay makikita sa mukha niya ang mangha. First time palang nitong natikman ang luto ko, ngayon palang, pero bakas na sa kanya na nasarapan siya, halata naman sa reaksyon niya, eh. Mukhang hindi siya makapaniwalang marunong akong magluto. “Salamat," nahihiyang sabi ko. Ayaw ko kasi ng pinupuri, eh, hindi ako sanay. Nakapagtapos ako ng culinary, oo, kahit mahirap dahil sa sitwasyon ko. Hilig ko rin kasi talaga ang pagluluto, at isa sa dahilan ko kung bakit ‘yon ang kinuha ko ay dahil para kay Gavin, kumbaga gusto kong maging wife material. Gusto ko siyang pagsilbihan kapag naging mag-asawa na kami. Natatandaan ko pa ang sinabi ni Gavin noon sa ‘kin na ayaw daw ako nitong magtrabaho, gusto nito na kapag nagpakasal na kaming dalawa ay siya lang ang gagalaw sa loob ng bahay. Siya ang magtatrabaho, magluluto, maghuhugas ng plato, maglalampaso, maglalaba at magluluto, ayaw niya raw kasi akong napapagod. At dahil alam niyang sakitin ako, napaka-overprotective niya sa ‘kin. Ultimo lamok ay ayaw niyang dumadampi sa balat ko. Hay, naiisip ko na naman 'yon! “You know what? This is the best carbonara that I ever tasted. It’s delicious!” papuri na naman niya. Ngumiti lang ako rito. Tinikman ko rin ang niluto ko pagkatapos para matantya ko kung ok ba talaga o hindi, at gaya nga ng sabi niya ay masarap nga 'to. Sana ay magustuhan ng mga visitors. “Kaya siguro lalo kang minahal ni Gavin noon dahil marunong ka sa pagluluto, 'no? Tama nga ang sabi nila, to win a man’s heart is through his stomach," Muntik na ‘kong mabulunan dahil sa sinabing ‘yon ni Lara. So, alam niyang ex ko si Gavin? Kaya pala ang lapit nila sa isat-isa, maybe magkaibigan sila o may namamagitan na sa kanila? Parang may tumutusok sa puso ko sa isiping ‘yon. O sadyang oa lang talaga ang mga imaginations ko? —'Di bale na nga! “Alam mo ang tungkol sa amin?”casual na tanong ko. “Hmm, oo?” patanong na sagot niya. “Halata naman, eh. Lalo na ‘yong . . . nangyari kahapon," sagot nito sabay subo muli ng carbonara. Ilan segundong namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Akward. Nahiya siguro siya, well ok lang naman, wala namang masama kung may alam siya tungkol sa amin. “Ahmm, can . . . can I ask you something?” Naging seryoso ang boses niya pati na rin ang mukha nito nang sulyapan ako. Nagtatanong naman ang isipan ko dahil sa sinabi niya. Hindi muna 'ko sumagot, hinintay ko muna siyang matapos. “About . . . about what happened that night . . . the day you left him," Humina ang boses nito sa huling sinabi, para bang malungkot siya sa nangyari. Napabuntong hininga na lamang ako. Naalala ko na naman ang nakaraan, masakit pa rin, sobra! Nang magpakilala sa akin si Lara, ang gaan ng loob ko sa kanya. Wala naman akong galit sa kanya o kung ano man, pero ‘di ko maiwasan na mainggit sa tuwing makikita sila na magkasama, close na close sila ni Gavin. And why would I be angry to her? She’s a good person kahit na ngayon pa lang kami nagkakilala. Ang hinhin niya pero minsan madaldal, ang sarap niyang kausap, may sense of humor. “I know, wala ako sa lugar para magtanong. Wala akong karapatan na ungkatin ang nakaraan ninyo dahil labas ako sa storya ninyong dalawa at wala akong alam tungkol doon. But as his friend, masakit sa parte ko ang ginawa mo," Pinapakinggan ko lang ang sinasabi niya. Hindi muna ako nagsalita, parang ang hirap, eh. Habang naririnig ang sinasabi niya ay ramdam ko 'yong sakit, at para akong nahihirapan huminga dahil do'n. "But, I think, I know there’s a reason behind it, you have a reason why you left him, tama ba 'ko?" Kung makikinig lang sana siya, masasabi ko sa kanya ang rason ko. Kung hahayaan niya lang ako, matatapos agad lahat ng 'to, 'di na ako mahihirapan pa, pero hindi, matigas pa siya sa bato. "Pia, hindi pa tayo gano'n ka-close but, you can share it with me, I will listen. Pero ok lang kung hindi ka pa komportable sa akin na i-kwento ang tungkol sa bagay na 'yon,” pagpapatuloy pa niya. Nginitian ko lang siya bilang pagsagot. Mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong pakasabihin kaya nginitian niya rin ako pabalik. "Thank you, Lara. Tungkol sa kanina, I understand you. I know, you’re just concern about his feelings,” paunang salita ko. Habang nakaupo sa isang tabi deretso lang ang aming mga tingin sa magkaibang direksyon. Ang kalangitan naman ay makulimlim, para bang malungkot din ito gaya ng nararamdaman ko, at anumang oras ay mukhang babagsak rin ang mga tipak ng basa mula sa itaas. Nasa isang park kasi kami ngayon, medyo may kalayuan ‘yon sa restaurant nila Gavin. Binalak ko na pag-usapan ang bagay na gusto niyang itanong kanina sa isang tahimik na lugar lang, 'yong kaming dalawa lang kahit pa alam kong labas siya ro'n. Hindi naman ako na-offend nang itanong niya ‘yon, alam kong concern lang siya kay Gavin at gaya ng sabi ko naiintindihan ko. Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya gano’n rin ang mararamdaman ko para sa kaibigan ko. I feel her sincerity naman at satingin ko ay wala naman siyang masamang intensyon kaya I decided to tell her my reason. “Ayoko naman talaga siyang iwan," Hindi ko pa man nasisimulan magsalita pero bigla ay nararamdaman ko nang basa na ang mukha ko, nag-umpisa na pa lang rumagasa ang luha galing sa mga mata ko. “But, why?” mabilis at naguguluhang na tanong niya. Ramdam kong nakatingin ‘to sa ‘kin pero hindi ko inabala na tignan siya pabalik. “M-may . . . may sakit ako . . . I have Brain Cancer, Lara," nanlalabo ang mga kong sumulyap sa kanya. Gulat ang nakita ko sa mukha niya. Napatakip siya ng kanyang bibig, gulat ang naging reaksyon niya. “K-kaya ka umalis?” Dahan-dahan akong tumango sa tanong na 'yon. Nakita ko naman ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Hindi ko alam pero sa paraan ng pag-aalala nito ay natutunaw ang puso ko. At least, I know that her intension is good. Sa nakikita ko ngayon ay isa nga siyang mabuting kaibigan ni Gavin. But, should I be jealous to her? “Pero wala, eh, I need to that. Para maging masaya lang siya sa buhay niya . . . kahit wala ako,” “But you are his happiness--" gusto kong tumawa nang mapakla. I hope, Lara. Kung pwede lang, kung pwede pa, sana. Kung ako lang, mananatili ako na ako ang kasiyahan niya. “Before Lara, but now? Not anymore,” humina at unti-unti nababasag ang boses ko. Si Lara ay mariin lang na napapapikit, pinipigilan ang iyak. “Balak ko naman talagang bumalik kapag gumaling na ‘ko..." pagsisimula ko sa kwento ko. "Gusto ko pang matupad ‘yong pangarap ko na maging asawa niya. Na makasama siya sa araw-araw, pero wala rin pa lang kwenta ang pagpunta ko sa America, nasayang lang ang oras na ginugol ko ro’n dahil ang sabi ng doctor ko roon, kapag raw inoperahan ako may posibilidad na ma-coma ako or worse mamatay. Kaya hindi ko na itinuloy ang operasyon dahil manganganib lang lalo ang buhay ko. Baka hindi ko na ulit siya makita kapag nangyari ‘yon. Kung alam ko lang noon na gano’n ang magiging kapalaran ko sana hindi na ako umalis at dito na lang ako nag-stay. Meron pa sanang . . . kami," malungkot na pagku-kwento ko. Matapos kong sabihin ‘yon ay lalong bumuhos ang luha ko. Naririnig ko naman ang pagsinok niya, she is silently crying. “H-he needs to know the truth," pabulong niyang sinabi. “Pero ayaw niya ‘kong p-pakinggan, Lara. Galit siya, galit na galit siya. Hindi ko na alam kung ano ba’ng dapat gawin. Wala, wala na lahat. Gusto ko na lang sumuko pero hindi pwede dahil mahal ko siya. Kung sana rin ay hindi na ‘ko umalis, sana kami pa rin kahit na . . . lumalaban ako sa sakit ‘ko ngayon. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko kasi!" sisi ko sa sarili. I blinked away my tears. Hinawakan nito ang kamay ko at hinaplos-haplos ‘yon. “Don't say that. Hindi mo naman hawak ang susunod na mangyayari sa 'yo, Pia. Hindi mo nakikita kung anong magiging kapalaran mo, kaya wala kang kasalanan, ok? I understand your reason, may pagkakamali ka, oo, pero alam kong tinatama mo na 'yon ngayon kahit pa ang hirap-hirap ng sitwasyon mo. But don’t worry, it will be ok soon. Hintayin mo lang. Galit lang siya ngayon kaya habaan mo pa nang kaunti ang pasensya mo kung gusto mo na bumalik siya sa 'yo. I’m here for you, you can lean on me," saka ako nito niyakap nang mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD