“Thank you, Lara," I said in between our hug.
“Alam kong ikaw pa rin," bulong naman nito sa tenga ko bago siya bumitaw. Naguluhan ako sa sinabi niya. I'm curiously looking at her, my eyebrows furrowed but she just looked at me and gave me her sweetest smile.
“Tara na? Nang makapag-ayos na rin tayo sa party para mamaya," anyaya niya. Tumango na lang ako at hindi na pinansin pa ang sinabi niya kanina.
“Hi, babe!” Salubong sa amin ng isang lalaki nang makababa kami sa sasakyan. Kumunot ang noo ko, tinawag kasi nitong babe si Lara at nakipagbeso pa ‘to sa kanya . . . It's her boyfriend? I don't know. But, kung boyfriend pala niya 'yon edi wala pala akong dapat na ikaselos?!
“Hmm, Pia, he’s Landon, my little brother," pagpapakilala nito sa ‘kin sa kanya. My lips parted. Akala ko boyfriend niya, kapatid pala. Kaya pala medyo hawig sila, bakit ngayon ko lang napansin? Hay nako, Pia! Kung ano-ano kasi naiisip mo, mga maling akala naman!
“Hi, babe," sabi nung Landon saka ito nakipagbeso sa akin sa kabila kong pisngi. Nagulat ako ro'n! Nanlaki tuloy ang mga mata ko!
“A-ah, eh..." hindi ko alam ang sasabihin, na-speechless ako. Siya pa lang ang lalaking naglakas loob na makipagbeso or something sa akin. Why I didn't stop him anyway? But, he looks good naman, kapatid naman ni Lara, mapagkakatiwalaan din naman siguro ang isang 'to. I'm not judging him!
“Nako, Pia, pagpasensyahan mo na ‘yang kapatid ko, ha? Nagulat ka yata sa ginawa niya. Ganyan lang talaga siya. Kahit sinong makita niyang babae, basta na lang siya nanghahalik at tinatawag sila na 'babe'. Sadyang makapal lang talaga ang mukha niya at mataas ang self confidence, feeling lang,” Tumango ako habang ‘di inaalis ang tingin sa lalaki. Gwapo siya, matured ang mukha, para ngang mas matanda pa siya kay Lara. Malaki rin ang katawan nito, mukhang alaga sa pag-ehersisyo.
“I-it’s ok. It's not a problem. —H-hi, I’m Pia," pagpapakilala ko at nakipagkamay kahit medyo nahihiya, agad naman niyang tinanggap ‘yon. Masyado yatang lumala ang pagiging introvert ko dahil sa hindi ako non lumalabas sa America.
“Landon, babe na lang kung gusto mo," Kinindatan pa ‘ko nito. Napalunok naman ako, nahiya lalo. He's too clingy!
“Hay nako, ang hangin. Ang kapal talaga kahit kailan!” sabi ni Lara habang naka-crossed arms. Alam kong para kay Landon 'yon, nagpaparinig. At tama nga naman siya, masyadong confident ang isang 'to. Ang hangin tuloy!
“Anong makapal? Sinong makapal? Pasalamat ka nga at may gwapo kang kapatid, ano? Ikaw nga riyan ang pangit-pangit mo!” Nag-aasaran na ang dalawa. Natawa naman ako dahil nakita ko ang pagka-childish ni Landon, medyo may pagka-isip bata pa nga ang isang 'to, 'di lang halata sa mukha. Pero satingin ko ay ganito sila mag-bonding, pang-aasar ang ginagawa.
“Huwag kang makikinig sa kanya, ha? Baliw ‘yan, eh,” bulong sa ‘kin ni Landon, natawa ako lalo. Hindi na ako nagulat this time, nasanay na nang paunti-unti sa presensya niya.
“Hoy! Anong binubulong-bulong mo riyan, ha?! Baka kung ano-ano nang sinasabi mong sira ulo ka!" Binatukan pa nito ang kapatid. Nakakatuwa silang panoorin! Para silang si Tom at Jerry.
“Aray!” Daing naman ng isa sabay hawak sa ulo niya.
“Ang sabi ko lang naman sa kanya, maganda ka . . . kaso ang panget mo!” pang-aasar na naman nito habang nakahawak ito sa tiyan niya at tumatawa nang malakas.
“Ano? Bwisit ka, ha! Ang gulo mo! Umalis ka nga dito letse ka!” Sabay tulak niya rito pero inakbayan lang siya ni Landon kahit ayaw niya.
“Sorry na, I love you." Mabilis siya niyong hinalikan sa ulo. Ang cute nilang tignan. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila. Malambing naman pala ang isang 'to, eh.
“Asus, may pa-I love you, samantalang kanina inaasar mo ‘ko, may kailangan ka, ano?” Agad na humiwalay ang kapatid.
“Wala, no!”
“Deny pa, kilala ko pagkatao mo. Style mo bulok!” Natawa ito sa sinabi ni Lara tsaka niya ulit ito nilapitan. May ibinulong sa tenga niya na hindi ko narinig, tanging sila lang. Na-curious tuloy ako dahil nakaharap sila sa akin habang nagpapalitan sila ng salita na hindi ko maintindihan.
“Manahimik ka! Taken na ‘yan. Friends ok pa,” rinig kong sabi ni Lara. Tungkol saan kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi naman ako nakikielam sa usapan ng iba kaya huwag ko nang isipin.
“Babe, ang sarap ng luto mo! The best carbonara ever! Sa ‘kin na to lahat, ha?” anito ni Landon habang ngumunguya pa. Nasa kusina na kami ulit, kaming tatlo. Wala na 'yung mga nagluluto kanina, tapos na yata. Maayos na rin sa labas, eh, kaya siguradong nag-aayos na rin sila.
“Lunukin mo muna kaya ‘yang kinakain mo. Hindi ka naman mauubusan, eh!” inis na sabi ni Lara kay Landon.
“Ok na?” Sarkastikong saad ng kapatid nang tuluyan na nitong malunok ang kinakain. Umikot lang ang mga mata ni Lara. Pigil ang tawa ko sa kanilang dalawa. Kanina pa nila ako napapatawa dahil kanina pa rin sila nag-aasaran. Ang Landon na 'to, hindi tinitigilan ang ate niya.
“So, ano? Uwi ko na lahat ‘to mamaya babe, ha?” Tukoy nito sa linuto kong carbonara. Nagkamot ako ng ulo. Hindi niya 'yon pwedeng iuwi kasi isa 'yon sa ise-serve mamaya, at para rin 'yon kay Gavin kaya ko niluto ang pagkain na 'yon.
Sasagot na sana ako sa kanya nang may magsalita. Napatingin kaming tatlo sa dumating.
“Oh, hi Jace,” nakangiting bati ni Lara kay Gavin. Yumuko lang ako. Ayoko siyang tignan, baka kasi matalim na naman ang tingin nito at masaktan na naman ako.
“Gusto mo, Dude? Ang sarap ng carbonara ni Babe Pia. But, by the way, kahit na gusto mo hindi kita mabibigyan dahil sa ‘kin na lahat ng ‘to, ‘di ba, Babe?” tanong nito sa akin. Napaangat ako ng ulo. Tinignan ko si Gavin, kulang na lang ay mag-isang linya ang mga kilay niya. Madilim na naman ang mukha nito habang nakatingin sa ‘kin, para bang may nagawa na naman akong hindi maganda.
“Thanks, but you can eat all of that," Ramdam ko ang sarkastikong pagkakasabi nito.
"Mukhang para sa ’yo naman lahat ng ‘yan, eh. Special na iniluto para sa 'yo," Hindi ko maintindihan ang ibig niyang pakasabihin.
"At . . . hindi ako kumakain ng galing sa kung sino-sino lang," dugtong pa nito sa sinasabi at may diin sa mga salita niya
Kung sino-sino lang? Kahit hindi niya sabihin alam kong ako ang tinutukoy niyang 'sino-sino lang'. Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan sa mga simpleng salita niya?
Naramdaman ko naman ang paghagod ni Lara sa likuran ko, napatingin ako sa kanya, mukhang alam rin nito kung ano ang tinutukoy ni Gavin. Si Landon naman ay halata sa kanya na wala siyang alam. Sarap na sarap lang ‘to habang kumakain. Sabagay, ngayon palang naman kami nagkakilala.
“Thank you so much. Enjoy the night!” masayang wika ni tita Emerald. Kakatapos lang niyang mag-speech about sa restaurant nila, pasasalamat gano’n. Ang mga bisita naman ay pumunta na sa kanya-kanya nilang table pagkatapos, at sinerve na ng mga tagapagsilbi ang mga pagkain nila.
“Ano na? Ok na ba kayo? Nagkabalikan na ba?” sunod-sunod na tanong ni ate Alexa sa'kin. Katabi ko siya ngayon habang kumakain.
“Ate, wala,” malungkot na sagot ko.
“Anong wala?” naguguluhang tanong niya.
“Wala, hindi ko pa rin siya nakakausap nang matino. Ni ang lumapit nga ako sa kanya ay ayaw niya,” dagdag ko pa.
“Gusto mo bang kausapin ko siya? Ako nang kakausap doon. Nang mabatukan ko na rin para magising siya sa katotohanan,"
“Huwag na ate," agad kong pigil sa binabalak niya.
"Baka lalo lang siyang magalit sa ‘kin kapag pinilit mo siya na kausapin ako. Lalo akong mahihirapan non, ako nang bahalang dumiskarte. At baka isipin pa niyang kinakampihan mo 'ko, kaya huwag na, kaya ko na 'to," Mabigat itong napabuntong hininga sa sinabi ko.
“Huwag mo siyang susukuan, ha? Gusto ko pa rin na ikaw ang magiging sister-in-law ko, ayaw ko ng iba, ikaw lang dapat," mahina akong natawa sa sinabi niya, botong-boto talaga siya sa akin, noon pa man.
“Hindi. Hinding-hindi ko siya susukuan. Pangako,'"
“Mauna na kami Pia,” paalam ni Lara bago pumasok sa kotse. Nag-wave pa 'to sa 'kin bago sila tumulak ng kapatid niya. Gabi na at unti-unti na ring nagsisi-alisan ang mga tao.
“Mauna na kami, hija," si tita Emerald naman ang nagpa-paalam. Tumango ako sa kanya at sinabing mag-iingat sila.
"Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na,"
“Susunduin po ako ni ate Sindy. Medyo natagalan lang po siya dahil na-flat daw po ang gulong ng kotse niya, pero parating na rin po 'yon," Tumango-tango ito sa sinabi ko.
“Just take care, ok? Mauna na kami,” paalam niya ulit bago pumasok sa kotse kasama si ate Alexa. I just nodded while watching their car disappeared in my eyes.
Habang naghihintay ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko 'yong kinuha sa bag ko.
“Hello, ate?”
“Hello, Pia? Pasensya ka na, mukhang hindi na kita masusundo. Bukod sa natagalan ako nang ipagawa ang gulong ng sasakyan ko ay may nakisabay pa, may nagka-banggaan na sasakyan dito sa dinadaan ko kaya nagkaroon ng traffic. Hindi kami makausad," ani ate Sindy sa kabilang linya. Ramdam ko ang frustration sa boses niya.
“Ok lang ate. Mag-ta-taxi na lang ako,”
“Sige. Mag-iingat ka na lang, pasensya na ulit," Hindi ko maiistorbo sina Mama at Papa, pati na rin ang driver namin dahil kasama nila. Nasa business trip sila ngayon kaya magt-taxi na lang talaga ako.
“It’s ok. Take care too. Bye." Nang binaba ko ang telepono ay siya namang paglabas ni Gavin sa pintuan ng resto. Nakita nitong nakatingin ako sa kanya kaya nakipagtitigan ito, umiwas naman ako agad. What with that stares?
“It’s already late. Ano pa’ng ginagawa mo rito?” he asked in his cold voice. Nagulat ako dahil tinanong niya 'ko.
“A-ahmm, n-naghihintay ako ng taxi,” simpleng sagot ko.
“Nasaan ang driver mo? Bakit mag-t-taxi ka?” Ramdam ko ang iritasyon sa boses nito. Kung hindi ko lang alam na galit ito sa ‘kin, iisipin kong nag-aalala siya. Parang bigla ay may nagbubunyi sa puso ko. Is this a sign? Is he concern about me? Or I'm just imagining something again?
“Wala kasi ‘yung driver ko. Dapat rin ay susunduin ako ni ate Sindy dito, kaya lang naipit siya sa traffic kaya n-naghihintay ako ng masasakyan ko pau--"
“Sumakay ka na sa kotse ko,” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin nang sabihin niya ‘yon. Para naman akong nabingi sa sinabi niya kaya hindi ako nakahuma agad. Tama ba ang narinig ko o nag-i-imagine na naman ako? Gusto niya ay sumakay ako sa kotse niya, ok na ba kami? Gusto kong matuwa!
“Huwag mong isipin na nag-aalala ako sa ’yo. Ginagawa ko lang ‘to dahil baka may masamang mangyari sa ’yo at madawit pa ang pangalan ng business ng pamilya ko sa kapabayaan mo,” nawala bigla ang saya na naramdaman ko nang sabihin niya ‘yon. So, ‘yon pala, akala ko pa naman ay ok na kami. Sa business niya lang pala siya concern, hindi sa ‘kin.
Sumakay na ‘to sa kotse niya at napaigtad pa ‘ko nang bumusina ito na siyang ikinagulat ko.
“Sasakay ka ba o hindi?” pasigaw na tanong niya. Nagmadali akong pumasok sa kotse niya. Hindi na 'ko nagdalawang isip pa. Baka maiwan pa 'ko, sayang! Lalo pa't ang hirap ng taxi basta't gabi na. Dumiretso ako sa likod.
“Driver mo ba ‘ko? Dito ka sa tabi ko," inis na sabi niya. Napanganga ako, hindi na naman nakapagsalita. Nagmadali muli ako at lumipat sa tabi niya. Nang tuluyan na ‘kong nakalipat ay para bang ang hirap huminga. ‘Yung puso ko sobrang lakas ng t***k, para akong mabibingi!
Akala ko ay aalis na kami nang makalipat ako pero narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga. May problema na naman ba? Nasagot lang ang tanong ko nang dumukwang ito at ikinabit ang seat belt ko. Gulat ko lang siyang tinignan. Ang lapit ng mukha namin sa isat-isa. Agad din akong nag-iwas. Bumalik siya sa upuan niya na parang walang nangyari. Pagkatapos non ay pinaandar na niya ang sasakyan. Bakit ba kasi nakalimutan kong ilagay? Pero bakit hindi na lang niya sinabi sa ‘kin, 'di ba?
Pero, arghh! Mabuti na lang at madilim dahil baka makita niyang namula ang pisngi ko dahil doon. Oo na, kinikilig ako! Kahit ganito ang sitwasyon namin kinikilig pa rin ako sa tuwing nakikita ko siya. Mariin akong napapapikit habang ang tingin ay nasa labas ng bintana. Kinagat ko rin ang labi ko dahil baka hindi ko mapigilan at mapasigaw ako rito sa sayang nararamdaman. Ok, self? Please be calm!
Nang naging maayos na ang t***k ng puso napaisip ako bigla . . . Ano bang gagawin ko ngayong nasa harapan ko na siya? Pagkakataon kong muli ‘to para makausap siya pero . . . makikinig kaya siya?
Tahimik ang naging byahe namin ni Gavin. Hindi kami nagkikibuan o kung ano man. Parang wala rin naman talaga siyang balak na kausapin ako. Pero, sayang naman ang pagkakataon na 'to kaya naman . . .
“Ahmm, Gavin? May gusto sana akong sabihin sa ’yo," marahan na sabi ko. Tumingin ako sa kanya. Nanatiling pirmi naman ang mga mata niya sa kalsada, ni hindi man lang sumulyap o kumibo sa akin. Pero bumilis bigla ang pagmamanaheno niya, parang bigla ay alam ko na kung bakit, para bang sinasabi non na gusto na nitong makarating kami agad sa paparoonan namin para walang maganap na kung ano sa amin. Napahawak na lang ako nang mahigpit sa seatbelt.
“Kung tungkol na naman ‘yan sa noon, wala akong balak na makinig. Magsasayang ka lang ng laway mo. So stop talking about that thing," mabilis at walang ganang sagot nito. Napabuntong hininga ako. Lagi naman, eh. Ayaw niya man lang akong pagbigyan. Paano ba kami niyan magkaka-ayos kung ang taas-taas ng pride niya. Ginagawa ko naman ang lahat para mapatawad niya 'ko pero hindi pa ba sapat 'yon? Kailan niya ba 'ko matututunan na patawarin? Kailan, Gavin?
“Gavin, mag-usap naman tayo nang matino. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon para ipaliwanag sa ’yo ang lahat. Huwag mo naman akong laging iwasan. Huwag mo naman akong laging takbuhan," nagsusumamo ang boses ko. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga. Kita ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa manubela. Matalim ang tingin niya sa kalsada animong may ginawa ‘yon sa kanya.
“Hanggang ngayon, ‘yan pa rin ang bukang-bibig mo?! Wala ka naman dapat ipaliwanag, eh! Tapos na tayo at hindi mo na kailangan pang ungkatin ang nakaraan dahil hanggang doon na lang ‘yon! Why you don't understand that?! Bakit ba ang kulit mo?!" mariin at may iritasyon na sambit niya. Matalim ako nitong tinignan pagkatapos. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ‘ko patay sa matalim na pinupukol niya sa akin.
“Ano ba’ng gusto mong gawin ko? Lumuhod ako sa harapan mo para mapatawad mo ‘ko? Sabihin mo sa ‘kin gagawin ko. Please, Gavin," desperadong sabi ko. Lahat gagawin ko. Sabihin mo lang Gavin, handa kong gawin ang lahat bumalik lang tayo sa rati.
“How desperate,” bulong nito. Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Oo, sige, ako na nga ang desperada, ako na ang naghahabol, pero mahal ko si Gavin, eh, kaya kahit na masakit marinig sa kanya ang mga salitang ayaw kong marinig ay titiisin ko. Kaya kong tiisin bumalik lang siya.
“Siguro nga nagmumukha na ‘kong desperada sa 'yo dahil para akong aso na habol nang habol, pero, Gavin, ang desperada na ‘to ay ginagawa ang lahat para lang bumalik sa akin ang lalaking mahal ko dahil ayoko siyang mawala, I don't want to lose you. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin tungkol sa akin, sige, hahayaan kita, pero kahit paulit-ulit mo ‘kong palayuin sa 'yo hinding-hindi ko gagawin. Dito lang ako hanggang sa mapatawad mo 'ko. Mahal na mahal kita kung kaya't hindi pa rin kita mabitawan," mariing saad ko rito. Muntik pa ‘kong pumiyok. Nanlalabo ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
Hindi ko siya susukuhan. Kung susuko ako masasayang ang lahat ng ginugol ko para lang mapansin at mapatawad niya 'ko. Kung ano man ang sabihin niya ay pikit mata ko na lang ‘yong tatanggapin kahit sobrang sakit.
“Ganyan lang ba kadali sa ’yo na sabihin ang mga ‘yan?!” Bigla ay hininto nito ang sasakyan. Muntik pa ‘kong mauntog sa dashboard. Hinihingal ako nitong tinignan. Napalunok ako sa tinging pinupukol niya pero tinatagan ko ang loob ko para sagutin siya.
“At gano’n na ba katigas ang puso mo para hindi mo ‘ko pakinggan?" sagot ko. Pinahid ko rin ang mga luha ko. Lagi na lang ba 'kong iiyak? Iyak na lang ba lagi? Wala man lang ba'ng magandang mangyayari sa pagitan namin? Ang sakit ng ganito! Ayaw niya ‘kong pakinggan na samantalang dati gusto niya agad kaming nagkaka-ayos sa tuwing nagkakaroon kami ng away o tampuhan. Pero oo nga pala, Pia, dati na pala 'yon. Iniba na nga si Gavin ng masakit na kahapon.
Hindi ko siya masisi kung galit siya, kasalanan ko naman talaga. Sa akin lahat nagsimula. Pero naiintindihan ko siya, sarado lang ang isip niya ngayon at pinangungunahan siya ng galit. Ngunit kung nasasaktan siya mas nasasaktan ako, kaya sana maging bukas ang isipan niya at mabigyan niya 'ko ng isa pang pagkakataon. Sana kahit ngayon man lang, sana, kasi natatakot ako, natatakot na baka sa bawat araw na dumaan na wala manlang nangyayari, ay dumating na sa punto na oras ko na, na kailangan ko na talagang umalis nang hindi man lang kami nagkaka-ayos. Kung pwede ko lang talagang sabihin sa kanya ng isahang salita ang rason ko ay ginawa ko na, pero ni kahit ang isang salita na 'yon ay sigurado akong ayaw niyang pakinggan.
“Gavin, please? Huwag naman ganito. Nagmamakaawa ako. Tama na. Ang sakit-sakit na, eh,"
“Noong umalis ka ba, inisip mo ba kung ano ang mararamdaman ko?!” may diing saad niya. Nawalan ako ng sasabihin, tama siya. Nasaktan siya, alam ko, pero ginawa ko 'yon para hindi na mahirap sa akin. Dahil kapag ginawa kong hindi umalis ay alam kong magdudusa siya sa piling ko. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at napatakip sa bibig ko para pigilan ang mga hikbi.
“Ganyan rin ako noon, naalala mo ba? Nagmakaawa rin ako sa ’yo pero wala! Hindi mo pinakinggan ang pakiusap ko! Basta ka na lang umalis! Iniwan mo 'ko! Nagdesisyon ka! Hindi mo 'ko inisip! Makasarili ka, Pia!" Mariin akong napapikit sa mga masasakit na salitang binitawan niya. And I lost the capability to talk.
"A-alam mo ba kung gaano kasakit 'yon, ha? 'Yong tipong gusto kitang pigilan pero tangina! Wala! Wala akong magawa kasi hindi ko alam kung nasaang lugar ka!” Umiiyak na rin siya na para bang masakit pa rin sa kanya hanggang ngayon ang nangyari noon. Nag-ipon muna ‘ko ng lakas para magsalita muli, baka hindi ko na talaga kayanin ang nangyayari sa amin. Kung pwede ko lang siyang yakapin para maibsan ang nararamdaman niya pero hindi pwede dahil baka itulak niya lang muli ako palayo.
“K-kaya ka gumaganti ngayon? K-kaya mo g-ginagawa sa ‘kin ‘to? Gavin, you’re acting like a child! Y-you need to understand me. Kung ano man ang ginawa ko noon para sa 'yo ‘yon!” umiiyak na paliwanag ko. Pagak itong tumawa.
“P-para sa akin? Nasaan ang para sa akin doon? 'Yung bang sinasabi mong 'para sa akin' ay 'yong umalis ka pero ang resulta ay 'yong nasaktan ako? Ano 'yon ba ang para sa akin doon? Ang saktan ako?" sarkastikong sagot nito. Mariin akong napapikit at napakuyom ng kamao. Wala, wala na namang patutunguhan 'to. Hanggang dito na lang talaga 'to. Wala na namang mangyayari.
""Hindi gano'n 'yon--"
"Gano'n 'yon!" He immediately replied. "Tangina! H-hinintay kita, eh, pero naghintay lang ako sa wala! Alam mo ‘yong mas masakit? ‘Yung wala akong magawa dahil wala ka na! Hindi ko alam kung nasaan ka, kung saan ka ba dapat puntahan para ibalik ka sa akin. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak habang iniisip na bakit mo ‘ko iniwan!” Tinignan ko siya. Nakita ko ang masaganang luha niya na walang tigil sa pag-agos. Napayuko ako. Seeing him crying makes my heart hurt. Kung pwede ko lang na kunin ang sakit na nararamdaman niya ay gagawin ko huwag lang siyang masaktan. I don't want to hurt him, anymore.
"Gavin, I'm sorry. I know, I was wrong from hurting you, because you don't deserve to be hurt--"
"But you did! You did, Pia! Alam mo kung gaano kita kamahal pero ano'ng ginawa mo?! Iniwan mo pa rin ako! Sinaktan mo pa rin ako! You still hurt me!" hindi na naman ako nakasalita agad. Bawat salitang binibitawan niya ay parang patalim na sumasaksak nang paulit-ulit sa aking puso dahil lahat 'yon ay may katotohanan.
“Alam mo? Sana hindi na lang kita nakilala para hindi ako nasasaktan ng ganito!” Mas lalong dumoble ‘yong sakit dito sa puso ko nang sabihin niya ‘yon. Pinupunit ‘yong puso ko. Bakas sa kanya na para bang pinagsisisihan niya ngang nakikilala niya ‘ko. No, Gavin!
Wala na ba talaga ‘kong halaga sa kanya? Hindi na ba niya ‘ko mahal? Ang sakit-sakit lang na marinig ang mga ‘yon mula sa kanya, mula sa lalaking mahal na mahal ko. God, please, wake me up in this bad dream! Ito na yata ang pinaka-masalimuot na pangyayari ng buhay ko.
“Forgive me, Gavin,” ‘yon lang ang nanulas sa bibig ko habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi naman siya sumagot nang mga ilang segundo pero . . .
“Bumaba ka na!" Bigla akong napaangat ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Deretso lang ang tingin nito sa harapan habang ako naguguluhan na nakatitig sa kanya.
“A-ano?” naguguluhang tanong ko, hindi makapaniwala. Tama ba talaga ang narinig ko mula sa kanya?
“Bingi ka na ba talaga? I said get out of my car!” sigaw niya. Napaigtad ako. Parang lalo akong maiiyak sa isa na namang makakapanakit sa puso ko. Naririnig ba niya ang sinasabi niya? Pinapaalis niya ba talaga ako? He wants me to get out of his car?
“P-pero, G-Gavin--"
“Baba!” Tinulak pa ‘ko nito gamit ang isang kamay niya. Nasaktan ako sa ginawa niyang pagtulak pero hindi ko ‘yon ininda. Nanlalabo ang mga mata ko. Bakit ba ginagawa niya sa akin ‘to? Sobra na ba 'to? Pero kahit alam konb sobra na 'to, gusto ko pa rin na habulin siya nang habulin para makuha siyang muli.
“H-huwag mo namang gawin sa akin ‘to, Gavin!" pagmamakaawa ko. Pero parang wala lang itong pakielam. Kapagkuwan ay tinanggal nito ang seatbelt niya at lumabas ng sasakyan. Umikot ito papunta sa pinto sa tabi ko at binuksan nito ‘yon. At marahas nga ako nitong hinawakan sa palapulsuhan at hinigit ako pababa ng sasakyan habang nakalagay pa rin ang seatbelt ko.
“G-Gavin, ano ba? N-nasasaktan ako!” Parang wala itong narinig. Patuloy pa rin ito sa paghila sa akin habang iyak lang ako nang iyak. Ramdam ko naman ang hapdi mula sa palapulsuhan ko at sa paraan ng paghila niya sa akin kaya mas lalo akong napahagulgol.
Bigla ay marahas nitong tinanggal ang seatbelt ko at tuluyan na nga niya ‘kong nailabas ng kotse niya pagkatapos.
Babalik sana ako sa sasakyan habang hawak pa rin niya dahil ayaw kong iwan niya 'ko sa madalim na lugar na 'to nang bigla ay tinulak ako nito kaya napaupo ako sa kalsada, wala na 'kong nagawa pa. Hindi ako makahinga! Hinahabol ko ang paghinga habang humihikbi.
Hindi ko naman alam kung namamalikmata lang ako pero nang magtama ang mga mata namin parang bigla ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya nang ginawa niya ‘yon.
Ilang segundo rin kaming nagkatinginan at siya na rin ang naunang nag-iwas. Saka ito nagmadaling sumakay at inumpisahang paandarin ang sasakyan. Mabilis naman akong tumayo para mahabol siya at bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan pero naka-lock na ‘yon. Why he's doing this to me?
“G-Gavin, o-open the door, please!" naiiyak na pakiusap ko. Parang dumaan lang sa tenga niya ang sinabi ko dahil pinaharurot niya nang mabilis ang sasakyan niya. Muntik pa nito akong mabunggo kung hindi lang ako mabilis na lumayo.
“G-Gavin!” nanghihinang sambit ko nang tuluyang hindi ko na makita ang sasakyan niya dahil sa bilis ng pagmamaneho niya roon.
Nanlalambot ang mga tuhod ko kaya natagpuan ko na lang ang sarili na nakahulod sa kalsada habang humahagulgol sa iyak. Ang sakit-sakit! Hindi ko naisip na magagawa niya 'to sa akin. Never in my entire life! I didn't expected this!
Kailan ba matatapos lahat ng 'to? Pareho kaming naiipit, parehong nasasaktan. Hindi ko alam saan kami tutungo, kung saan ‘to patungo o kung . . . may patutunguhan pa ba.
“H-hindi pa nga siguro ‘to ‘yong oras para malaman mo ang rason kung bakit kita iniwan noon, Gavin..."
Sana, dumating 'yong araw na gumising siya isang araw na matututunan na niya 'kong patawarin. He's too hard.
“Damnit! Damnit! Damnit!” Tumigil ako sa pagd-drive. Naisuntok ko na lamang ang mga kamay ko sa manubela. f**k! Ramdam kong muli ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko! Why I'm crying? Damnit!
“Tangina! Damnit! Bullshit!” Naihilamos ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko. Nanlalabo ang mga mata ko habang nakatingin sa kalsada.
Bakit ba nangyayari lahat ng 'to?! Ang gusto ko lang ay lumugar na sa tahimik at kumalimot dahil sawang-sawa na 'ko! Masyado na 'kong nasaktan para masaktan pang muli!
Akala ko tuluyan nang nawala ‘yong sakit pero tangina! Sa araw-araw na lumilipas para akong pinapatay sa tuwing makikita siya dahil magpa-hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ‘yong sakit na dinulot niya sa ‘kin!
Makita ko lang ang inosente niyang mukha, ‘yong abo niyang mga mata, para akong ice cream na natutunaw. Pero sa tuwing maaalala ko kung gaano niya ‘ko nasaktan parang tinutusok ng libo-libong punyal ang puso ko at ang bigat-bigat sa pakiramdam non na siyang nagpapa-usbong lalo ng galit ko para sa kanya.
Hindi ko na talaga maintindihan! Ang nararamdaman ko ay hindi ko na maulahan! Ano ba talagang gusto ko? Gusto ko ba talaga lahat ng 'to? No! Kung kailangan ko siyang pagtabuyan nang paulit-ulit kapag lalapit siya sa akin ay gagawin ko, huwag lang siyang makapasok muli sa buhay ko, sa mundo ko!
“Arghh! Ginulo mo na naman ang buhay ko! Damnit! Nananahimik na 'ko, eh, kasi sawang-sawa na ‘kong masaktan! A-ayoko nang masaktan pang muli! P-pero bakit ka pa bumalik?!"
Basang-basa ng luha ang mukha ko nang unti-unti akong napayuko at naisandal ang ulo sa manubela. Ilang segundo kong inilabas ang sakit ng nararamdaman ko. Nang hindi ko na maramdaman ang mga luha galing sa mga mata ko ay nag-angat na ako ng tingin, at hindi ko alam kung bakit 'yon nagawi sa pwesto ni Pia kanina. At sa pagharap ko nga doon ay nakita ko ang maliit na bag niya na dala-dala niya kanina.
Bigla ay nilukuban ako ng kaba nang maalala na iniwan ko siya sa gitna ng daan. Gabi na at baka kung mapano siya. Naiwan niya pa ang gamit niya sa kotse ko na kung saan nandodoon ang cellphone niya. Kung hihingi man ‘yon ng tulong paniguradong wala siyang magagamit na kahit ano o kahit ang cellphone niya dahil nasa loob ‘yon ng sasakyan ko.