2 months later. Ito na, ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ito na ang araw, araw na magiging isa na kami ni Gavin. Ito na ang araw dahil pakakasalan ko na ang lalaking mahal na mahal ko. Akala ko hindi na 'to mangyayari, akala ko malaba na 'tong mangyari. Akala ko wala nang kami sa huli. Akala ko, lahat ng pangarap ko tuluyan nang maglalaho dahil sa malaking problemang nangyari sa amin. Pero ito na! This is it! Hindi ko inaasahan lahat ng 'to, hindi pa rin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon. Nang lumabas ako sa hospital, mukhang pinagbigyan naman niya 'ko dahil naging maayos naman ang pakiramdam ko at wala akong naramdaman na kahit ano. Pero hindi pa rin talaga ako tumitigil sa kakadasal, naniniwala pa rin ako. I still believe. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, masaya na kina

