Ang natitirang dalawang araw namin sa Boracay ay in-enjoy talaga namin nang sobra. Ibat-ibang activities and games ang mga ginawa namin, pero hindi ko naman maysadong pinagod ang sarili. Nags-swimming din kami kapag hapon na o kapag wala na masyado ang araw, ayaw daw kasing umitim at magka-sunburn ng mga kasama ko. Libot dito libot doon din ang ginawa namin. At syempre hindi mawawala ang bonding namin ni Gavin nang kaming dalawa lang. Lagi niya akong hinahalikan sa tuwing paggising ko. At laging may bulaklak na bubungad sa akin tuwing umaga. At syempre hindi mawawala ang date, lagi siyang may nakahandang date sa amin, breakfast date, miryenda date at lunch date. Lagi rin kaming naglalakad sa tabing dagat kapag hapon na habang magkahawak ang mga kamay. Sabay na pinapanood ang paglubog ng s

