Nang makapasok na ito ay nakita niya ang dalaga. Nakahiga ito sa sofa at mahimbing na natutulog. Nagawi naman ang tingin niya sa lamesa at may pagkain na roon. Sa isip ni Gavin ay hinintay niya talaga ako? Nilapitan niya ito agad at niyugyog nang bahagya ang balikat ni Pia. “Hmm,” ungol ng dalaga. Unti-unti siya nagmulat ng mga mata at bumungad sa kanya ang mala-anghel na mukha ni Gavin pero bakas sa mukha nito ang galit. “Hmm,” Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Gavin. Pero, parang mukha siyang galit? May nagawa na naman ba ako na ikinagalit niya? Umupo ako mula sa pagkakahiga. Iginala ko ang paningin ko at nakita ko ang orasan sa dingding at 8:30 na. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako sa paghihintay sa kanya. “Nandyan ka na pala. Pasensya na n

