Hiyawan at palakpakan ang namayani sa buong simbahan nang lumabas na kami ni Gavin nang magkahawak kamay. Nakangiti lamang ako habang tinitignan ang mga tao sa paligid namin, napakasaya, sobrang saya ng pakiramdam ko, para ngang walang mapaglagyan ang kagalakan sa puso ko sa nangyayari ngayon. Kasal na kami ni Gavin. Asawa ko na siya. And I know, every day, he's always beside me, forever, kissing me on my lips, hug me on my back, and always whispering 'I love you' in my ears na siyang hinahangad ko noon pa man. And seeing my family, closest friends happy and smiling around us is a dream come true for me. I thought, it will just end it that way, 'yong mawawala na lang ako nang hindi man lang natutupad ang mga pangarap ko, pero iba nga talaga ang Panginoon, binigyan niya pa ako ng isa pang

