Napapabuntong hiningang uminom ako ng energy drink para magising and diwa ko.
It's midnight, I think. Mabilis ang byahe dahil wala ng traffic sa Edsa pagdating ko ng manila. Mabilis kung hinanap ang location nila Dad or nila Kuya Lenuel and I find them nearby. Buti na lang at binigay agad ni Mom ang account nya which I can have a lead where they are.
Huminga ako ng malalim ng nagpark ako sa kung saan ang Huling bar na hinintuan nila. They are exploring. Pababa na ko ng mag flash ang pangalan ni Mom sa screen. Pagod na sumandal ako at pagod na pumikit habang sinagot ang tawag.
"Mom..."
"How was it? Nahanap mo ba? Umuwi ka na kaya? Or book a hotel near where you are Jullienna… I'm worried." taranta nyang sabi.
Lumunok ako.
"I've found them. Go to bed Mom... We'll talk tomorrow." sabi ko at mabilis na in end ang call. Inubos ko ang energy drink ko bago binulsa sa jacket ang susi ng sasakyan. Bumaba ako at di pinansin ang nag ba-vibrate kung cellphone.
Nag unat ako dahil manhid na ang katawan ko ngunit utak ko ay punong puno ng energy. Huminga ako ng malalim at seryosong naglakad papasok ng Club. Sumunod sa akin ang tingin ng mga nasa labas pati ang bouncer ng club. Nilagpasan ko sila at determinadong pumasok sa loob. Nag iinit ang kamay ko at gustong gustong manapak ng kapamilya. Pati tatay ko wanted na sa utak ko.
Bumungad agad sa akin ang mahaharot at maingay na tugtog habang nagkalat ang mga pasosyal na mga tao sa lipunan. May mga dala dalang inumin. Naamoy ko rin ang iba't ibang amoy ng sigarilyo.
Gusto kung magtakip ng ilong pero mukhang mali ata yun rito. Nakita ko ang bar counter. Mga lounge private area. May mga mini tables at ang DJ na nasa taas na bahagi ng lugar kung saan tuwang tuwa sa mga gumigiling sa gitna. Nakipagsiksikan ako sa mga tao at marahang hinanap ang gustong makita ng mga mata ko. Nakita ko ang tingin ng mga nasa gitna sa akin na parang taga ibang lugar ako. Halatang ngayon lang sila nakakita ng mas maganda pa kay Aphrodite.
Nakalampas ako sa dance floor at naghanap ulit ng familiar na mukha hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa pinaka malaking lounge area sa club. 9 men and 10 women who's may be making out or flirting.
Nagkakasiyahan silang lahat at halatang may kanya kanyang bisyo sa club na to. Except the Man in his late 50's staring at his glass while spacing out beside Kuya Lenuel who's busy chatting with his flavor of the month and Jullienne who also busy flirting.
Napapangising binagtas ko ang daan palapit sa lounge na yun.
Ganito ang ginagawa nila huh? Nakita ko ang pagtingin ng katabi ni Jullienne na kausap nya at napapakunot noong tumitig sa akin ng husto.
Tinitigan ko rin sya and I give him a mocking smile before turning to my twin who's holding his arm. Nice place to complete this family huh.
"Dad... Let's go home." agaran kung sabi ng huminto ako sa tapat ng table nila.
Natuon sa akin ang lahat ng atensyon na parang isa akung live show.
Taas noo ko lang silang pinasadahan ng tingin habang supladang tumitig ako kila Dad.
Nabibiglang mabilis tumayo si Kuya Lenuel habang laglag ang panga sa akin. Nakita ko ang pag awang ng bibig ni Jullienne ng makilala ako. Yes twin. It's me. Your forgotten half.
"Damn. Jullieanna! What are you doing here?" agaran nyang tanong at mukhang natataranta sa pagkakita sa akin.
"Fetching Dad... Did you forget that his married Mom Kuya Lenuel? " sarcastic kung sabi sa mariing boses at nag yeyelo syang tinitigan.
Natatawang tumango sya, looking awkward.
"I'm sorry Joey… He wants to have fun. Gusto nya daw maranasang__"
"Mom's here in manila with Jullie Kuya kung hindi mo alam. I was driving fully speed for more than 4 hours to come here and find you having called " fun ". Sana man lang kahit nasa party kayo icheck nyo man lang yung phone nyo and not just minding your own happiness. Pinapatay nyo ko sa pag aalala. " putol ko sa sasabihin nya.
"Look. I said I'm sorry Joey. Where's Mom by the way?" agarang sabi ni Kuya.
Di ko sya pinansin at mabilis na sumiksik ng walang pasabi sa kanila at tinayo si Dad. His so drunk. Tinapik ko ang pisngi nya.
"Dad… Wake up! Come on let's go! You need to rest. Mom's waiting for you. Come on." marahan kung sab isa huli.
Agaran syang nagising at malikot ang mata sa buong paligid.
"Where? Where's your Mom Jullieanna? Where are we?" agaran nyang tanong. Aware naman sya kapag na lalasing kaya maayos pa sya ngayon.
Nakita kung pinapanood kami ng lahat at parang litong lito at curious na curious sa akin.
"Club... Get up. Were living Dad. How many are this?" pinakita ko sa kanya ang daliri ko. Sinipat nya yun.
"3 Sweety… Oh my sweet Jullieanna, why are you here?" ngisi nya sa akin.
"Good... Let's go." agaran kung sabi at tumayo.
Hinila ko sya patayo habang tumulong si Kuya Lenuel.
"Ihahatid ko na kayo..." saad nya habang pinapatayo ng maayos si Dad.
Umiling ako.
"No need Kuya. Your tipsy and I can drive. We'll see each other tomorrow." pinal kung sabi habang inaagaw si Dad sa kanya.
"It's dangerous Joey."
"I've always done dangerous but I'm still alive. So, it's better for you to stay here enjoying your life rather than baby set us because clearly I can manage to do this alone." walang buhay kung sabi ng hindi nakatingin sa kanya.
Hinila ko si Dad paalis ng table at inalalayan sa bagyakap sa bewang nya.
"Jullieanna your being complicated again..." mariing pahayag ni Kuya lenuel habang napapasunod sa amin.
Di ko sya pinansin at inalalayan si Dad habang papalabas kami ng Club. Nangingiti lang sya sa akin at palagi akung tinatawag sa pangalan ko hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Mabilis kung kinuha ang susi ng sasakyan ko at pinatunog ito.
"Sweety… Where's your mom?"
Di ko sya pinansin at isang kamay ang ginamit ko para pagbuksan sya ng pinto sa passenger seat.
"Get in Dad..." saad ko habang inaalalayan syang pumasok. He sighs heavily.
"I'm sorry Sweety... Sorry." bulong nya habang pikit na nakasandal sa back rest.
Bumuntong hininga ako habang inabala ang sarili sa pag aayos ng seatbelt nya.
"Jullieanna..."
Napairap na lang akung tumuwid ng tayo at nilingon si Kuya na palapit sa akin.
Kasunod nya si Jullienne at tatlong lalaki na ka edad nya.
"Hey man... What's going on?" tanong ng isang lalaki at napapatingin sa akin.
Di sya pinansin ni Kuya.
Inayos ko ang jacket ko at nakapamaywang na humarap sa kanya ng maayos.
"What?" masungit kung tanong.
"Don't show that attitude to me! Mas matanda ako sa yo..." galit nyang sabi at mukhang nagsisimula syang makipag away sa akin.
Tinaasan ko lang sya ng kilay. Ako pa ngayon ang masama. Great.
"But you are acting younger than me Kuya... Immature." mariin kung sabi sa huli.
"You! How could you call me like that?! Sumusobra ka na Jullienna... Hindi na ko natutuwa!" sigaw nya.
"Mas lalo naman ako! How could you bring him to all the places you've partied?! He Is Our Father, Mom's Need Him!" burst out kung sigaw at riin na riin ang huling sinabi. Rinig na rinig sa buong parking lot.
Wala akung pakiaalam kung pagusapan kami sa public. Mag tatanda sya sa ginawa nyang to. Habol ko ang hininga ko sa sobrang galit nanararamdaman ko at bigat ng dibdib ko.
"Wala akung pakialam Kuya kung magdamag kayo rito but if our mom is crying, I won't tolerate every single detail of your happiness! So, stop mentioning your older than me because it's very clear that you have your own life in this city. You and Jullienne! wag nyong idamay si Dad sa buhay na pinili nyo, because he has me, Mom and Jullie waiting for him to come home!"
Nakatingin lang sa akin si Kuya. Taas noo ko syang tinitigan ngunit sa loob loob ko alam ko ang sakit sakit makita syang ganito. Ang masakit pa. Dalawa silang nawala sa amin and I can't find myself understand their life. Their decisions. How can they easily turn back their life at us? End the chord and not letting know what's going on in their life.
"Jullieanna... Nandito sila Mom sa Manila?" tawag ng kakambal ko ngunit di ko man lang sya tiningnan.
Umihip ang hangin ng malakas at tinangay ang buhok ko na nakalugay sa likod.
He sighs heavily and close his eyes tight.
"Nasa condo ang gamit ni Dad..." he defeatedly said.
Basag nya sa katahimikan.
"Kukunin ko yun Bukas…" sagot ko at tatalikod na sana ng magsalita ulit sya.
"Sa condo na lang kayo magpahinga…"
Umiling ako at binaliwala ang sinabi nya. Hindi ako makakapayag sa gusto nyang mangyari.
"Take care. Umuwi na kayo." sabi ko na lang at gumilid papuntang driver seat.
Hindi ko na sila sinulyapan man lang at pumasok na sa sasakyan. Pinaandar ko ang makina at agad na umalis doon.
Nagbook ako ng isang kwarto with two-bedroom para sa amin ni Dad sa isang Five-star Hotel.
Tulog na tulog sya habang ako ay pinagmamasdan lang sya sa pagtulog sa kabilang kama. Iniisip ko ang magiging reaksyon nya bukas and that's all I think over night.
Nagising ako sa sigaw ni Dad. Pupungas pungas pa akung bumangon. Nakatalikod sya sa akin habang hawak ang phone ko. Magulo ang buhok nya at pati polo nya ay gusot na gusot na.
"Hon! Please... Stop shouting. I know I'm sorry... Fine! It's not like that... Nakakainis ka rin... Fine. Come on. Don't say that... Juliette!" sigaw nyang tawag kay Mom.
Here's goes the war. Sunod nyan bantaan na ng divorce. Ang palaging nag-be-bring out ay si Mom. Palagi naman. Bumangon na lang ako at kinuha ang backpack ko at pumasok sa banyo. Nakita kung sumulyap sa akin si Dad. Ngumisi lang ako sa kanya. Bahala sila.
Humihikab na pumasok ako sa loob at nilock ang pinto. Naligo ako at nagpatuyo ng buhok. May dala naman akung hygiene kit ko sa bag kaya ready ako sa lahat ng pagkakataon.
Lumabas ako ng banyo at nakita ko si Dad na nakahawak sa ulo nya na parang ang laki ng problema. Napaangat lang ng makita akung lumabas sa banyo.
May kastigo sa mata nya.
"That's a careless action Joey…" agad nyang sabi habang napapatayong humarap sa akin.
"Mom's been crying, what do you want me to do? Understand you Dad? Jullienne? Kuya Lenuel? Everyone?" Malamig kung saad at naglakad sa kama ko.
Sinuot ko ang boots ko. Yung feeling na ikaw na nga ang nagmamalasakit parang ikaw pa yung may mali sa nangyayari.
"Anak... You know the reputation of your Kuya and Jullienne. They need to maintain they careers in this society."
"Then you shouldn't decide to go to the bars Dad... Alam nyo naman pala na ang reputasyon nila ang mahalaga bakit kailangan nyo pang magtalo ni Mom sa isang bagay na sobrang babaw? Tell me... Yan lang ba ang problema or may iba?"
Seryoso kung tanong habang napapaharap sa kanya.
Wala syang ginawa kundi ang tumitig sa akin ngunit may lungkot sa mga mata nya.
"Jullieanna…"
I sigh. Always been silent huh.
"Because hindi kayo aabot sa ganito kung wala.. May sakit ba kayo? Si Mom?" Tanong ko.
"No... Not that sweetie." agaran nyang sabi.
Para akung sinapak ng makita kung namumula na ang mata nya at parang paiyak na. Bagsak ang balikat nya at parang wala syang ibang magawa sa ano mang bagay.
"Dad... Ano ba talagang nangyayari?" lito kung sabi at nahihirapang tumayo.
Umalon ang dibdib nya at umigting ang mga bagang sa akin.
"Your Mom has been in love with her best friend... Sweetie." nag c***k ang boses nya sa huli at nanginginig ang kamay na hinilamos nya ang mukha.
Napaawang ang labi ko at parang huminto ang mundo ko sa sinabi nya.
Ngumiti sya sa akin ng malungkot.
"And she didn't know that I knew it already... More than a year."
tumulo ang luha nya at nanghihinang umupo sa kama. Para akung pinutulan ng hininga at napaupo na lang ako habang nakatitig kay Dad. Who's crying loudly.