Ang dami kung tanong. For more than 23 years of my life nakakulong ako sa isang bahay na punong puno ng pagmamahal. Even in Kuya Lenuel and Jullienne's past relationship, hindi nagbago ang pananaw ko. Na kahit ano pang sakit ng pagkawala, pagkasira ng pagmamahal mo sa isang tao alam mong matatawag mo pa rin yung pag ibig but there's somebody who's not fading their love to each other. Akala ko sila Dad na yun. My expectations are too high na kahit ok lang na wala akung makitang pagmamahal sa iba basta makita ko lang silang dalawa ok na. Minsan sinabi ko ok lang na maging matandang dalaga kasi maalagaan ko naman sila Dad at Mom pagtanda nila ng husto and my life turn bright always because of them but seeing Dad. Breaking. Wounded. I find myself shattered like a glass of water.
Para akung na lowbat. Namatay. Nawala.
Inisip ko bakit? How? When?
Hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko. Kay mom ba? Kay Dad? Sa bestfriend nya?
Then after awhile. I've realized. They are all wounded. Na kahit matanda na pala hindi pa rin kontento kahit isinusubo na lang sa kanila.
"You, ok?" tanong ni Dad.
"No... I'm not. That’s a stupid question Dad, I… We will never be okay" saad ko at nakatingin lang sa bintana. Wala akung ibang maisip. Blanko. Ni flower farm ko nga parang hindi ko alam ang gagawin.
"Do you want to talk about it?" basag nya ulit sa katahimikan.
" Do you?" balik kung tanong.
Di sya nagsalita and it remain that way hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang mansion. Tulala lang kaming dalawa sa harap. Nag init ang gilid ng mata ko bago binuksan ang pinto.
"Stay here Dad... Please." samo ko sa paos na boses.
Natawa sya but not in a happy way.
"As you wish sweetie..." sagot nya sa malamig na boses.
Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pinto at agad na bumaba ng sasakyan. Sa gate palang ay naka abang na sila Mom, Jullie and her bestfriend Tito Henry. Ngumiti agad sa akin si Tito ngunit hindi ko yun sinuklian. Mabilis kung inangat si Jullie habang tumingin naman ako kay Mom na bakas ang pag aalala sa mukha.
"Let's go Mom. Thank you, Tito. Dad can't greet you. He doesn’t want to see you. Not even heard your voice." malamig kung sabi habang malamig ang tingin sa kanilang dalawa. Napaawang ang labi ni Mom at parang nabibigla sa inaasta ko.
"Jullienna... Don't talk that way to your uncle." awat ni Mom, frowning at me.
Inayos ko si Jullie sa bisig ko at mukhang antok na antok pa.
"Get in Mom o iiwan ka namin dito. I swear..." banta ko at kinuha ang bag sa gilid nya bago mabilis na umalis sa harap nilang dalawa.
Binuksan ko ang back seat at tinapon ang bag sa loob bago marahang pumasok kasama si Jullie. Inayos ko ang paghiga nya sa lap ko. Sumulyap ako kay Dad na mahigpit na nakahawak sa steering wheel. Inabot ko ang balikat nya. Hinawakan nya agad ang kamay ko at huminahon ng kaunti.
"I love you Dad... Everyday." saad ko na nagpalingon sa kanya at nagpangiti.
"I love you too. Sweety..." sagot nya.
Pumasok si Mom sa passenger seat and kiss dad's cheek. Umiwas ako ng tingin at hinaplos ang buhok ni Jullie. May tensyon sa buong oras na magkasama kaming lahat sa loob ng sasakyan.
Ng makauwi ay dumiritso agad ako sa paakyat habang hawak ko si Jullie sa bisig ko. Puyat na puyat sya at parang hindi nakatulog ng maayos.
Lumabas ako ng kwarto nya at naglakad papuntang kwarto ko ng mapahinto ako sa narinig na sigawan sa master’s bedroom.
Nanghihinang sumandal ako sa pader sa gilid ng double door na pinto.
"Why did you do that Lemuel?! Hindi mo ba naisip na mag aalala kami sayo?!"
"I want to have fun Juliette... I want to forget for awhile... Pagod na pagod na ko!"
"Pagod?! Saan ka napapagod Lemuel!? "
"Sayo Juliette! Dito! Pagod na kung maging tanga, martyr sa pagmamahal ko sayo! At ang sakit makitang nasasaktan ang mga anak ko dahil sa ginagawa mo! Stop putting lies in their heads! I always giving you a chance, but you always take it away! Mahal na mahal kita pero nakakapagod na. Sobra. "
Tumitig ako sa boots ko at nababasa ito ng paisa isang tulo ng luha ko. Huminga ako ng malalim at walang buhay na naglakad ako papunta sa kwarto ko.
Ang bilis magbago ng lahat sa isang iglap. Wala ka pang ginagawa tadhana na ang kumikilos para masira ka ng husto. Hindi naman sa negosyo pero sa mga taong akala mo totoo sa yo. Kung pagbabasihan ko ang buhay ko at ng kakambal ko. Mas may kwenta ang kanya. Mas may kabuluhan. She explores everything. Friends, things. Places. Boyfriends. She experiences everything kahit na nasa showbiz pa sya ngayon o nag aaral pa lang kaming dalawa.
As for me, I can find myself going somewhere far. Far from my comfort zone. I'm in denial for all these years because I'm fine. I'm happy. I'm contented but things got crumbled and I ask myself. Is it worth it? Is this worth it? Worth it to be in this land? Be with them always? Watching them broken? Then, it strikes the feelings of being scared to do something. It always asks to bring what if? What if I failed? What if I got stocked? What if my life remains blue? What if I died being invisible?
Bumuntong hininga ako ng malakas.
"That's heavy..."
Napakurap ako at tumingin sa laptop ko. Ngumiti sa akin si Jemaine.
Natatawang binalingan ko ang pag a-arrange ng flowers. Nasa likod ako ng bahay sa flower farm kung saan may maliit na duyan at table sa gitna. Tanaw dito ang mga tulips na iba't iba ang kulay.
"Himala at nakadress ka ngayon... Party?" tanong nya.
I wore a sleeveless light pink dress. Gumagawa ako ng bouquet para sa ikakasal mamaya. Isa ako sa magiging bridesmaid.
"A wedding Jem... Not party. Ikakasal ang isa sa costumer ng flower farm ko sa bayan so I need to come."
"Hindi ka nilalamig?" tanong nya. Ngumiti ako at umiling.
"Kailan ka uuwi? I missed you." pag iiba ko ng usapan.
"Ahhh ang sweet mo talaga. Kaya miss na miss na kita Joey and I think... 3 months from now ay uuwi na ko." pakanta nyang sabi sa huli.
Napangiti ako ng maluwang.
“Finally... After 3 years babalik ka na rin." natutuwa kung sabi.
"Yup and I'm going to see you in my party, ok? "
Natitigilang umangat ang tingin ko sa pag gagawa ng bulaklak patungo sa kanya.
Ngumiti lang sya ngunit seryoso ang mga mata nya. May iba dun na hindi ko mapagtanto.
"You serious?" tanong ko.
Tumango sya.
"Besides, your Kuya and I are over. 3 years ago. Were moved on." saad nya at nangingiting tumingin sa akin.
Tinitigan ko sya at tinimbang ko ang pinapakita nyang reaksyon.
Mas ngumiti sya para hindi makita ang lungkot sa mga mata nya.
"Right. You moved on. I'm in." pag sang ayon ko ilang sandali ang nakalipas.
"Great... Great. I expect you there ok. In manila." ngiti nya.
Tumango ako at iniba na lang ang usapan namin. Hanggang sa matapos at makapunta sa kasal ay yun lang ang iniisip ko.
Kuya and my childhood best friend have affair way back in our college years. Naging sila ng anim na buwan but every relationship have always a problem and they gathered everything. Sa school, sa bawat pamilya, sa mga kaibigan, sa kanilang dalawa. Their trust issues. Their careers and times are always between them. Specially Hailey's father and they lead to break their relationship. Umalis si Hailey and her family. Kuya Lenuel is not the same anymore. He played girls like toys. He finds comfort in the city life rather than here where he born.
Namalayan ko na lang na tapos na ang ceremony at picture taking na. Ngumiti na lang ako sa bawat kuha ng larawan at kinakausap ang lahat na parang ok lang.
Pag uwi ko sa bahay ay syang salubong sa akin ni Mom na mapula ang mga mata at ilong.
Huminga ako ng malalim because I find myself pitying her. Their relationship is getting worst at nahahalata na yun ni Jullie. Isang buwan na rin ng makapunta kami sa manila and I always see Dad getting out in a guestroom every morning while mom is in the master’s bedroom.
Lalagpasan ko sana sya ng tinawag nya ko.
"Joey…"
Napatigil ako at napalingon sa kanya. Nangingilid ang luha sa mga mata nya habang nakatitig sa akin.
"What mom? I'm tired." sagot ko.
"T-Totoo ba? You all knew?" nanginginig nyang sabi. Napatitig ako sa kanya at inalam kung ano ang tinatanong nya. Mukha syang pagod na pagod.
"Get rest Mom... You need it." sabi ko at tatalikuran na sana sya ng bigla syang sumigaw.
"Answer me Jullienna! Totoo ba? Did you know that I have an affair__"
"Mom! Can you just please go to bed and rest. " pigil ko sa sasabihin nya at napapaiwas na lang ng tingin. Para syang binagsakan ng mabigat na bagay. Natahimik kaming dalawa.
She begins to cry and that's make me worried. I want to say No but I can't find myself telling lies with her. Ano pang silbi?
"We'll talk tomorrow_"
"H-How? Why didn't you tell me Jullienna? Na alam nyo na?! Pinagmukha nyo kung tanga..." sigaw nya.
"Mom!" pigil ko sa sasabihin nya pa. Uminit ang gilid ng mata ko sa pagsalubong sa tingin nya.
"You are the one who tells us why? Ikaw yun Mom! At ako dapat ang magsabi na pinagmukha nyo kaming tanga... Not you! So don't cry na parang ikaw ang mas nasasaktan dito because you choose it" balik kung sigaw sa kanya.
Napahagulgol sya sa iyak.
"But why didn't you tell me? You should tell me…" giit nya.
"Ikaw ang nagsinungaling. You had fallen in love with Tito Henry a long time ago, but you married Dad! Ikaw ang nakakasakit Mom, noon pa at hindi na ko magtataka kung iiwan ka ni Dad one of this day. Hindi ko sya pipigilan sa ano mang gusto nya. If you want to be happy with Tito Henry... Go. I won't let you stop pero hindi mo isasama si Jullie... Not now, not ever." mariin kung sabi sa huli habang mariin syang tinititigan. Napapatakip ng bibig na lalapit sana sya sa akin ng tinalikuran ko sya at umakyat pataas ng hagdan.
Rinig ko ang hagulgol nya sa ibaba ngunit di ko yun pinansin at nagmartsa papuntang kwarto. Nanghihinang napaupo ako sa likod ng pinto at napapapikit na sinandal ko ang ulo ko. Napapahagulgol na tinakpan ko ang bibig ko at tinago ang iyak.
Mom deserve it but my heart hurting so much.