Nakakatakot..
Napa-pikit ng mariin si cloud ng buksan niya ang kaniyang mga mata. Sinag ng araw ang sumalubong sa kaniyang paningin. Napapikit muli siya ng mariin ng kumirot ang kaniyang ulo.
She opened her eyes again. Sinalat niya ang kaniyang noo gamit ang likod ng kaniyang kamay. Naalala niyang nag katrangkaso siya kahapon.
Her eyes widened as she remember gray! Damn! Ito nga pala ang nag alaga sa kaniya. Biglang napabangon siya at agad na tumingin sa paligid ng kaniyang silid. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi naabutan hanggang umaga ang binata.
Napapikit ng mariin at napasapo siya sa kaniyang noo. She just realize she requested to gray to stay with her. Anong oras kaya ito umuwi? Damn, hindi na niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap dito dahil sa hiya! Hindi na niya na control ang sarili dahil parang wala siya sa sarili dahil narin sa sakit maging sa takot na muli niyang mapapanaginipan iyon.
Biglang bumukas ang pinto ng kaniyang silid, niluwa non ang kaniyang lola demerin.
Lola demerin smiling at her, "Magandang umaga apo.. maganda naba ang pakiramdam mo?"
Agad siyang tumango. Lumapit ang matanda sa kaniya at agad na sinura ang kaniyang temperatura gamit ang likod ng palad nito.
"May sinat kapa apo.. h'wag ka muna kaya pumasok-"
Umiling siya. "Marami pa ho kasing gagawin.. baka matambakan na ho ako ng gawain lola.." aniya.
Agad na lumungkot ang aura nito. "Baka himatayin ka sa labas iha.. walang gray na sasalo sa'yo dahil hindi kayo parehas ng kurso"
Umiling siya muli at pilit na ngumiti, "May clinic naman po dun lola.. basta mabawasan ko lang po gawain ko, kailangan na kailangan ho kasi"
Lola demerin sighed, "Siguraduhin mo lang apo ha.. wala kami ng lolo mo sa tabi mo. Mabuti nga 'y nandito si gray kahapon at naalagaan ka, wala ang lolo mo dahil may inasikaso sa sakahan" ani nito.
Lola demerin caress her hair, "Pasalamatan mo iyong binata na iyon.. inalagaan ka ha? Oh siya siya, mag hahanda na 'ko ng pam paligo mo kahit maligamgam lamang. Halika na kumain kana sa hapag" ani nito.
She nodded, "Mamaya po lola kakausapin ko ho si gray. Halika napo lola"
Inalalayan siya ng matanda. "'La, kaya ko na po promise lola." Natawa ang matanda at tumango nalang.
"Hindi daw makakapunta si Gray dito ng maaga dahil may tinatapos. Nakatulog din ang batang iyon kagabi mag ma-madaling-araw na rin iyon nakauwi"
Nilapag nito ang agahan sa harap niya. Nanlaki ang mata ni cloud dahil sa sinabi nito. Ibigsabihin ilang oras din silang nag katabi?! Naalala niyang hindi halos siya nakaligo rin non at wala siyang suot n-na, omyghad! Wala siyang suot na bra!
Napasinghap siya at napailing. Bigla siyang napasubo sa kutsara ng madiin dahil sa kahihiyan!
"G-ganon.. ho ba.." saad niya nalang at nag patuloy na muling kumain. Paminsan minsan kumikirot ang kaniyang ulo pero iinom narin naman siya ng gamot mamaya, pag katapos niya kumain.
"Ako na ho la-"
"Ako na bahala dito sa pag huhugas sige na maligo kana" pigil ni lola demerin sa kaniya.
Napabuntong hininga nalang siya at pinunasan ang kaniyang kamay. Umalis siya sa kitchen at agad na kumuha ng twalya at nag pasyahan na maligo. Maganda sa pakiramdam ang maligamgam na tubig na may dahon ng bayabas. Ngunit talagang may amoy kaya agad siyang lumabas at nag painit ng simpleng mainit na tubig na pan-ligo.
Makalabas na nakabihis na, inayos niya ang kaniyang gamit. She's wearing their uniform. A skirt and blouse one. Nag suklah muli siya ng buhok. Maka tigil siya sa harap ng salamin sinipat niya ang kaniyang itsura.
Hindi malaman kung bakit ganito ang kaniyang buhok. Ang bagal humaba, sobrang itim pa nito na mas lalong tumingkad ang kulay ng kaniyang balat. Maging ang mapupulang labi at pisngi. Matangos na maliit na ilong at kilay na may kanipisan na katulad sa mga koreana.
She sighed and pat her cheeks mas lalo itong namula. Mabuti nalang may kulay pa ang kaniyang labi dahil panigurado kahapon ay sobrang putla niya.
Napailing nalang siya at umalis sa tapat ng salamin. Wala naman siyang balak mag ayos kundi simpleng suklay lang. Hindi naman siya nag lalagay ng kulerete sa mukha dahil hindi naman na niya kailangan. Gusto niya simpleng lamang at wala inaamin niyang wala rin naman siyang pambili ng mga ganuong bagay
"Alis na ho ako 'la" paalam niya. Agad na dumating ang lola niya mula sa labahan.
"Sige na apo, mag ingat ka. Alagaan mo sarili mo, pag kailangan mo umuwi tawagan mo lang ang numero ng iyong lolo wala naman akong selpon selpon na yan dahil matand na'ko wala akong alam jaan. Ang lolo mo lang ang mayroon kaya agad na susunduin ka nu'n ha"
Tumango siya at binigyan ng ngiti ang kaniyang lola. "Opo lola.. alis na po ako" saad niya.
Makalabas ng pintuan nag suot siya ng kaniyang sapatos.
"Magandang umaga ulap!" Agad na kumunot at tinignan niya ito.
Napasinghap si cloud, nakita niya ang binatang nag alaga sa kaniya. Kumakaway pa ito ng may ngiti sa labi. Iniwas niya ang tingin at nag simula ng mag lakad.
"Ano nga pala-"
She gasped.
Naramdaman niya ang pag lapat ng likod ng palad nito sa kaniyang noo sunod sa kaniyang leeg. Agad siya napalayo dito ng may naramdaman siyang kuryente na dumaloy sa buong sistema niya.
Kumunot ang noo ni gray, "okay kana ba? Naka inom kana ba ng gamot?. Kaya mo ba ulap? Baka himatayin ka ha. Pahingi nga ako ng number-"
"Salamat"
He stopped. "H-ha?" Nauutal na sambit ni gray.
"Thank you." She smiply said.
Mukhang hindi nag sink in sa binata dahil napatigil pa ito ng ilang segundo.
A smile formed on his lips. "Walang anuman, miss ulap" he said and chukled.
Cloud bit her lower lip. Pinigilan ang pag ngiti dahil parang prinsipe pa itong yumukod sa kaniya.
She cleared her throat, na nag patigil sa binata. Nagulat siyang biglang nilapat niyo ang palad sa kaniyang likuran at hinagod ang kaniyang likod. Amoy na amoy ni cloud ang mabango nitong amoy kaya napaiwas nalang siya.
"May ubo ka naman ulap! Naka inom kana ba ng gamot? Gusto mo balik tayo sa loob ng bahay niyo? Gusto mo bili muna ako ng gamot-"
Hindi na napigilan ni cloud ang mahinang pag tawa dahil nakita niya ang pag kataranta sa boses maging sa ekspresyon ni gray.
Tila natuod naman si gray. He staring at her how she laughing at him, tila may humaplos sa kaniyang puso ha ang tinitignan ang tawa ng dalaga. Maging ang ngiti nito.
Damn, ito ang totoong ngiti!
Shit! Eto ang kauna-unahan nakita ko siyang tumawa na mukhang totoo at hindi pilit! Parang gusto kong kunin ang phone ko at picturan siya at sabihing 'isa pa'!
Cloud stopped from laughing. Tila nahiya siya dahil sa pag tigil ng binata. Iniwas niya ang kaniyang tingin at umubo muli.
"Ulap?"
"Ano?"
"Isa pa nga"
She look at him, frowned.
"Ano?"
"Tumawa ka nga uli. Ngumiti ka nga uli. Ang ganda mo"
Napatigil si cloud dahil sa sinabi nito. Iniwas niya muli ang kaniyang tingin at bumuga ng hininga bago tinignan muli ang binata.
"Ayoko, tara na" simpleng sabi niya at nag simula na mag lakad.
Narinig niya ang pag sunod nito sa kaniya. "Ulap unang beses lang kita nakitang tumawa ng ganon. Pangako mauulit uli yon, and that was because of me" he said.
Cloud but her lower lip. She can't stop her self from smiling. Ang lalaking ito ang kauna unahang nag pangiti sa kaniyang bukod sa kaniyang lolo. Grabe na, parang iba na.
Wait- what?! Anong iba? You laughed and smile because of him! Yes- no I mean yes! Urgh! Ang gulo!
"Ulap ulap" winagayway ni gray ang kaniyang kamay sa mata nito.
Napakurap naman ang dalaga dahil sa kaniyang ginawa.
"Okay ka lang ba talaga? Pwede ka naman umuwi habang hindi pa tayo nakakasakay eh"
Umiling si cloud sa kaniya. Napabuntong hininga siya at napatango nalang.
Nag antay sila ng masasakyan kaya hindi na muli sila nag usap. Iilang minuto pa may dumating ng jeep na tumigil sa harap nila.
"Usad usad. Kasya pa yan kaliwa kanan, usad mga madam pasakayin ang mg estujante" saad ng jeepney driver.
Nakasakay naman sila ngunit mag katapat at mag ka hiwalay sila ng upuan.
Napatingin naman si gray habang nakayakao sa kaniyang bag. She's holding her hair and it formed a bun. Hindi niya maipaliwanag ang ibang epekto sa kaniya pag ito ay naka ipit ang buhok lalong lalo na pag naka salamin pa ito. Siguro kitang kita ang mukha nito, nakakaraang araw hindi niya malaman mas lalong gumaganda ang dalaga para sa kaniya. Ang amo ng mukha ngunit parang tigre kung magakit o kaya mainis.
He bit his lower lip and look away. Talagang pag si cloud na ang usapan hindi niya maiwasan ang pag ngiti, parang tanga lang pero hayaan mona.
"Ulap?"
"Ahmm?"
"Baka 'di uli ako makapunta mamaya eh, pahinga naman ng number mo."
Kumunot ang noong tumingin ito sa kaniya. "Anong connect ng number ko?"
"Baka kasi may mangyari sa'yo. Para ma message moko, o kaya ma messgae kita?" Alangan na boses niya.
Napairap si cloud at napailing, "May number ako ng lolo ko incase na may nangyari sa'kin. Salamat nga pala kagabi" simpleng sabi nito.
Napalabi si gray.
"Ulap"
"Ano?"
"Samahan mo nalang ako mamaya? Kung kaya mo lang naman.. okay lang din kung ako nalang-
"Sa'n ba yan?" Agad na tanong ni cloud sa kaniya.
Napangisi naman si Gray, "Mag sw-switch nga ako shift.. dapat kahapon oa eh pero okay lang, saka ipapag paalam kita na hindi ka makakapasok ngayon"
Umiling ito, "Ako na mag sasabi"
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Gray, "Sasamahan mo ako?"
Cloud nodded, "Oo, alis na'ko" bigla itong nag lakad papalayo sa kaniya.
Agad naman sinundan ni gray ito, nakapamulsa siya habang sinusundan ang dalaga.
"Cloud?" Bulong niya sa tainga ng dalaga.
Agad naman nanlaki ang matang bumaling ng tingin sa kaniya ang dalaga.
He smirk, "Higpit mo pala yumakap kagabi cloud. Halos hindi na'ko makahinga pero alam mo?"
He get closer at her.
"A-ano?"
"Sana maulit" he simply said and get away from her. Agad na kumaway ito at nag lakad papalayo sa kay cloud.
Napasinghap si cloud habang nakatingin sa papalayong likod ng binata, may dalawang lalaking, maliit at matangkad na umakbay dito.
Ramdam niya ang pag bilis at lakas ng pag t***k ng puso niya. Tila nabibingi siya sa bilis nito.
Napailing siya at winaksi sa isip ang binata. Gusto nitong maulit uli ang pag yayakapan nila! No way! Never again! Hindi na siya papayag muli at hindi na mangyayari muli iyon!
She walked a long in the hallway of the building of their course. Ilang beses na siya nabubuntong hininga at na papahawak sa kaniyang batok, talagang sumasama na muli ang kaniyang pakiramdam maging ang kaunting pag kirot ng kaniyang ulo.
Napadilat siya ng mata ng biglang naramdaman na presensya sa kaniyang harapan.
"Gray hindi ba-"
Napatigil siya sa pag sasalita. Napasinghap si cloud nang may lalaking nasa harapan niyang hindi niya kilala.
He's wearing the same uniform of their course for men. Hindi niya lang masabi kung anong year na ito, but he's look like the same year as her.
Walang sinabi at iniwas ni cloud ang tingin at agad na nag ayos ng gamit at nilagay niya sa kaniyang bag.
"Cloud right?" The man asked her.
She look at him, emotionless and coldly.
"Who are you?" Walang buhay na boses niya.
The man widely smile at her, she can't deny this freaking man in front of her was freaking handsome, sobrang linis tignan sa pag suot at pag porma ng uniporme, may isang earpod na naka pasak sa tainga nito.
Rich kid na f-ck boy.
Iniwas ni cloud ang tingin. Mukhang masisilaw siya sa kay puti nitong ngipin.
"I am Saint Wyatt dema Felix. Ms ortiz" napatigil si cloud sa pag aayos.
She look at him, "Not interested." She smiply said.
"Finally, you notice me. Remember the last i'd talked to you? Your handkerchief?"
She stopped again. She didn't look at him.
Shoot. Naalala ko na.
"Hindi ko maalala." She smiply said and start walking away from him.
"Cloud lyndsey Ortiz, Dating nakatira sa CDO now you're here in Bulacan what happened?"
What the..
"Anong sinasabi mo ja'n? You're crazy" coldly on her voice.
"Denial ahm.. I like you" hinarap niya ang lalaking sumusunod sa kaniya na patuloy sa pag sasalita ng impormasyon niya na kaniyang kinalimutan na at binaon sa lupa!
"Crazy bastard, A f-ck boy. I can see you're freaking rich pero wala kang karapatan na sabihin sa'kin ang mga napulot mong kasinungalingan na impormasyon."
Tinalikuran niya ito. She almost want to slap her self dahil hindi niya na talaga napigilan ang kaniyang pag sasalita! Because of what she'd said! Nakakuha sila ng atensyon ng iilan dahil sa kaniyang sinabi!
This is really really bad! Hindi niya mapigilan ang sarili pag ang nakaraan niya na ang pinag uusapan! Damn this man! Baka ang tahimik na buhay niya 'y tuluyan ng mag laho!
She frustrated sighed. Sana lang ay talagang hindi niya na muli makita ang lalaking iyon. Napaka hangin sa sarili. Pa'no nalamn nito ang impormasyon sa kaniya?!
F-ck..
"S-sorry late-"
"Tara na" gray simply said at nag simula ng mag lakad.
Napatigil naman si cloud ha ang nakatingin sa binata.
What.. happened on him?..
Anlamig ng boses niya.. likes he didn't care at all..
She sighed, sinundan niya na ang binatang nag hihimotok ang butsi. Mukhang hindi maganda ang araw nito o kaya nag ka problema kaya wala sa mood. Himala, hindi man lang siya kinausap kaya pa sinpleng tinitignan ni cloud ito. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin hanggang sa makarating ng restau.
"Good morning- uy gray, cloud! Bakit 'di ka nakapasok kahapon?" Agad na usisa ng kanilang kasamahan.
"Nag kasakit ako eh.." simpleng sabi ni cloud. Pa simpleng tinignan niya ang binatang ngayo'y nakikipag usap sa kanilang manager.
"An'yari? Bad mood ata si Gray ah, hindi man lang ngumiti sa'ming lahat?" They asked cloud.
Paulit ulit na nag kibit balikat si cloud. Maka lipas ng ilang minuto mukhang na settle na ito. Tumayo na si gray kaya agad siya na ang tinawag.
Napatingin sa malayo si cloud habang kausap ang manager nila. Iniwan na siya ni gray. Mukhang may nangyari talaga dito o kaya may emergency kaya hindi na nakapag paalam sa kaniya si gray.
Oo nga pala, bakit naman ito mag papaalam sa kaniya. Kung mas importante naman ang pupuntahan nito, mag kaibigan lang naman sila- hindi nga pala sila 'confirm' na mag kaibigan.
She sighed, "Iniwan ka ni gray gusto mo hatid kita hanggang sa maka sakay ka lang?" Alok sa kaniyang ni owen.
Cloud shook her head. "Hindi na.. kaya ko na salamat.."
Owen nodded at pinag buksan siya ng glass door. Agad na sumalubong sa kaniya ang mag didilim at may kainitan na panahon.
Marahas na nag pakawala siya ng hininga. Naka lagay ang kaniyang kamay sa loob ng bulsa ng kaniyang jacket habang nakayukong nag lalakad.
Napa daing siya ng tumawawa ang kaniyang ulo sa matigas na braso. Agad siyang nag angat ng tingin.
Napasinghap si cloud ng sumalubong ang mukha ni gray sa kaniyang, iilang pulgada nalang ang lapit ng mukha nila. Seryoso parin ito kung makatingin sa kaniya.
"Tara na" muling sabi nito, may humintong jeep sa tapat nila na agad silang sumakay.
Tahimik silang nag lalakad papauwi sa kanilang bahay, nasa kalye na sila kung san papaunta ang kanilang mga bahay. Wala sino mang nag salita.
Cloud hummed while looking down, "M-may nangyari ba?" She asked.
She heard gray sighed heavily and loudly.
"Wala naman.." he smiply said.
Silence fill again on them.
Tanging ang iilang ibong huni maging ang kayap ng kanilang sapatos ang naging ingay.
Nang makarating sa tapat ng gate ng bahay nila cloud, agad na pumasok si cloud sa loob ng gate na hindi na muli nag paalam sa binata at hindi na nilingon.
Agad na may humawak sa kaniyang pulsuhan at hinila siya nito.
"Gr-gray.. sa'n moko daldalhin-"
Nang makarating sila sa madilim na parte ng iisang bahay na walang tao, napasinghap siya na agad siyang niyakap ng binata.
Tila natuod siya ng maramdaman niya ang pag haplos nito sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang likuran ng paulit-ulit.
"Gr-gray.." her voice was weak as she almost whispered on him.
Mas lalong hinigpitan niyo ang yakap sa kaniya..
"Cloud.. sino kausap mo kanina.. I see you talking with him.. 'diba ako lang ang kaibigan mo.. 'diba ako lang?" He whispered.
She stopped. "H-hindi ko y-yun kilala.. m-may ano, may tinanong lang naman.."
Her eyes widened as she felt his lips on the top of her head.
"Madamot ako cloud.. gusto ko akin lang yung akin.. gusto ko ako lang.. 'wag ka na uli makikipag usap sa iba.."
This time he look at her, lumayo si Gray ng kaunti upang tignan ang kaniyang mga mata.
"Madamot ako cloud, sobrang damot" he said before he kiss her in her forehead once again.
Muling napasinghap si cloud.. madaming katanungan.. sobrang sobrang dami.. but she stilk choose to let him hug her, she choose to let him embrace her..
Nakakatakot.. nakakatakot gray.. sobra..