Chapter 14

3157 Words
Anong... Agad na napasinghap at nanlaki ang nata ni Gray habang nakatingin sa dalaga na nasa kaniyang harapan, napatigil siya sa pag kanta nang makitang may butil ng luha ang nahulog mula sa mga mata nito. "Ulap okay ka lang ba?!" Nag alalang boses ni gray, tumayo siya at agad na nag lakad papalapit sa dalaga. Agad na pinunasan ni cloud ang kaniyang pisnge gamit ang kaniyang daliri, nanlaki ang mata nito nang makitang luha nga iyon. Bumalik muli ang tingin ni cloud kay grat na naka tingin mismo sa kaniyang mukha, sobrang lapit nito maging nakaluhod pa, sinusuri siya ng mabuti. Agad na nilayo ni cloud ang mukha niya, kitang kita sa mga mata nito na pag aalala sa kaniya. "H-ha?.. oo okay lang ako!" Natataranta na sabi niya, agad siyang tumayo at dinistansya ang sarili sa binata. "A-ahh ano sige, umuwi kana ha. May gagawin pa kasi a-ako b-bye" tinalikuran niya ito at agad na nag lakad papasok sa bahay nitong muli. Agad na may humawak sa kaniyang braso at pinaharap siya nito. Nanlalaki ang mata ni cloud. "Okay ka lang ba ulap?" Nag aalalang boses ni gray. Walang sagot o salitang nag mula sa kaniyang labi, nakatingin lamang siya sa binata na mukhang nag aalala dahil sa kaniyang pag luha. "O-oo.. matutulog na'ko sige na makakauwi kana" tinaggal ni cloud ang pag kakawak nito sa kaniyang braso. "Paki sara nalang yung gate ha, yung gitara mo baka maiwan mo, maiwan na kita" Agad siyang tinalikuran nito, napakurap naman si gray habang nakatingin sa papalayong likod ng dalaga. Napahawak siya sa kaniyang batok at sinundan parin ang tingin ang dalaga, sinarado na nito ang pinto. Gray let out a heavy sighed. Agad siyang nag lakad kung nasa'n ang kaniyang gitara at agad na kinuha iyon, sinukblit niya sa kaniyang balikat nang malagay na sa case nito. Muli siyang napalingon kung nasa'n ang bintana ng silid ni cloud, nag pakawala siya ng hininga bago sinarado ang gate at nag lakad papalayo sa bahay na iyon. It's currently 1am in the morning, gising pa rin si gray habang ginagawa ang kaniyang school works, bawat tingin niya sa orasan bigla niya naalala ang dalaga. Agad na napatingin siya sa labas ng bintana ng marinig ang pag buhos ng ulan, napasapo si gray sa kaniyang baba ha ang nakatingin sa labas. Ang ulan na pumapatak ang naging dahilan na naman upang maalala niya muli ang dalaga, ang butil ng iisang luha na nanggaling mula sa kanang mata nito. Damn, ano kaya ang nangyari? Why she cried? May kasalanan ba siya dito? O pangit ang boses niya? O baka naman nakakaiyak ang boses niya dahil sa ganda. He smiled and chuckled and shook his head, maaring hindi. Walang emosyon pinakita ng dalaga sa kaniya kaya hindi niya mabasa kung malungkot ba ito masaya, hindi naman kasi lahat ng umiiyak malungkot, ang iba 'y masaya. He drums his fingers on the wood table, muli siyang napatingin sa labas, umuulan parin ngunit hindi na ganun kalakasan. Hindi nag si-sink in sa kaniya na makitang umiyak ito, not that she's not cried that hard, talagang hindi lang siya makapaniwala. Damn, mababaliw na ata siya buong gabi hanggang umaga kakaisip dito. Napailing nalang si gray at pilit na inaalis ang dalaga mula sa kaniyang isipan. May lalong na cu-curious siya sa dalaga. Mabait ito sa kaniya kapatid tapos sa kaniya ang sungit, ngunit ganon parin ang mga mata nito kung makipag usap sa iba. Yung ngiti naman na nag mula sa labi nito 'y mukhang hindi naman totoo. Makikita at masisilayan din niya iyon. . . Yung totoo.. yung toong totoo. . "Magandang umaga ulap" gamit ang masayang boses niya, as he greet cloud. "Morning" simpleng sagot nito. "Bakit hindi ka pumasok kanina?" Agad siyang napatingin sa dalaga. "H-ha?" She sighed, "Wala ang bingi mo no'" sabi ni cloud. Gray chuckled, "Syempre wala lolo at lola mo mamaya kung ano isipin ng kapitbahay mo" hindi natago ni gray ang kaniyang ngisi. Ngumiwi naman si cloud dahil sa sinabi nito at iniwas ang tingin. May tama naman ito, baka maiissue pa sila ng kapit bahay, saka tinatanong niya lang naman hindi naman niya hinihilinh na pumasok ito. "I'm just asking" she simply said and start walking, narinig niya ang pag sara ng gate at muli niyang naramdaman ang presensya sa kaniyang likod. "Ulap, sa'n mo balak mag turo?" Gray suddenly asked. "What do you mean na saan?" She frowned. "Anong grade level, have you ever think where you should teach somewhere far away from this province?" Gray asked. Kunot noo niyang tinignan ito, "Bakit ang fluent mo mag english no'?" Tumawa naman ito. "Grabe.. minamaliit mo ba ako, Miss ortiz?" Tumawang ito muli. "Pa'no mo nalaman ang apelyido ko?" Seryosong tanong niya. Tumigil ito sa pag tawa ngunit may ngisi parin sa labi. "Ka-kaibiganin ba kita kung hindi ko alam pangalan mo even your surname?" Nag british accent pa ito. Napairap naman si cloud at napailing, mukhang tanga. Ang lalim ng tagalog ta's biglang mag eenglish british accent pa. "Eto naman miss ulap, hindi mabiro umagang kaylamig ang sungit mo no'" sabi nito sa kaniya at sinimulan na siya sabayan sa pag lalakad. Nakahoodie si cloud ngayon dahil sa lamig, pwe-pwede naman ito pag ganito ang panahon sa kanilang university. Kaso may tendency na papagtanggalin sila ng jacket o para I check lang kung naka uniform sila. Parang tanga lang e, para bang highschool. Pero siguro for safety narin, nakaraang buwan kasi may bomb threat ang nalalaman, may pumapasok daw na hindi student tapos dun mag kakalat ng balita. Psh, mga tao nga naman. "Ano nga pala ulap" tawag ni gray, sa kaniya. Kasalukuyan gabi na, wala naman nangyari sa kanila na bago kaninang umaga sa university nila. Tinaasan ni cloud ito ng kilay, "Ano?" He pressed his lips together and sighed, "Magiging busy na kasi ako.." "Tapos?"she said. No sarcasm oh her voice. "Baka kasi hindi na kita mapuntahan pag free cut o lunch.. busy na kasi talaga kami. Baka rin mag shift nalang ako ng sched ko sa restau. Baka umaga na'ko eh.." Agad na iniwas ni cloud ang tingin niya, mahina siyang napamura sa isip niya. Hindi niya alam kung anong dapat ang maramdaman, may halong lungkot at dismaya- Wait what- the hell cloud! She whispered. "Ano yun ulap may sinasabi ka?" Gray asked her. Agad siyang umiling at tinignan itong muli. "Anong gagawin ko?" Napalabi si Gray, "Sus mamaya magalit ka eh" "Hindi naman ako nagalit" she tsked. "Wuh ulap, sabihin mo lang namimiss moko" asar nito sa kaniya gamit pa ang boses na makakapag asar talaga sa kaniya. "Bakit naman kita mamimiss ka ano-ano ba kita" Napalabi muli si Gray. "Hindi mo paba 'ko kaibigan lagi na nga tayo mag kasama eh" may lungkot sa boses nito. She shook her head, "Hindi" "Crush moko no', kaya ayaw mo na 'ko maging kaibigan" tumawa pa ito. "Asa" Mahinang sabi ni cloud at iniwas ang tingin. Nag init ang kaniyang pisngi kaya napa pikit siya ng mariin. Tumigil na sa pag tawa si Gray. "Sabihin mo lang kung gusto mo na'ko ha, cr-crush back agad kita. Kawawa ka naman eh" asar ni gray. She glared at him. "Nakakadiri ka" Gray smirked, "Sorry miss, hindi uso sa'kin 'yang pag ibig, pag ibig na yan eh" pinag cross nito ang kaniyang braso sa tapat ng dibdib nito habang nakatingin kay cloud ng may ngisi sa labi. Iniwas muli ni clour ang tingin. Kung siya rin naman ang tatanungin hindi rin naman niya gusto umibig, nakakatakot. Nakakatakot kung mangyayari man. Gray laughed. "Joke lang ulap. May sasabihin nga pala ko" Kunot noo niyang tinignan ito. "Ano na naman?" "Samahan mo ako bukas ha, pa-papalit ako time sa restau." saad nito. Cloud nodded. "Okay" she smiply said. Muli namang napangiti si Gray at tumango. Nanahimik silang dalawa at wala sino mang nag salita sa kanila. Napangiti si Gray at napakagat ng ibabang labi, sinuri niya ang tingin ng suot ng dalaga. Nakaupo silang dalwa sa d**o. She's wearing a shorts and her hoodie, ang cute lang dahil ang maikling buhok nito ay nakatali and she's wearing her glasses. Nakatingala ito sa kalangitan. Cute. Cute friend. Right? Friends. Gray stood up, pinagpag niya ang kaniyang pang upo at tumingin muli kay cloud. "Gabi na, matulog kana. Maaga pa tayo bukas" Cloud look at him and nodded. Tumayo ito at mag kapantay sila ng tingin. They look each other eyes, they stared a couple of minutes. Halos nakalimutan na ata ni gray huminga ng napatingin siya sa labi nito. Fvck.. He whisper, agad siyang nag angat sa mga mata ng dalaga and he smiled. Hindi na napigilan ni gray, he patted cloud's head. May ngiti sa kaniyang labi. Habang ang dalaga 'y halatang nagulat sa kaniyang ginawa. "Good night miss ulap.." he whispered, softly on his voice. Agad na napahawak si cloud sa kaniyang dibdib kung nasa'n ang kaniyang dibdib. Matapos kumaway sa kaniya ng binata habang nakangiti halos kapusin siya ng hangin sa pag pipigil, maging ang pag bilis ng kaniyang puso. Hirap man, she forced her self to walked inside on her room. Nakasapo sa kaniyang dibdib at habang nakatikom ang labi. She can feel almost her heart was beating so fast. She closed her eyes and took a deep breath. No.. no.. No cloud.. This is bad.. Really really bad.. Cloud woke up in the morning she found her self, she can't take the pain anymore. She had a dream again. She's crying and sobing, mahihinang hikbi ang pinakawalan maging ang pag kapos ng hangin.. Fvck.. She closed her eyes. "Nako iho, hindi pa bumabangon" sabi sa kaniya ni lola demerin. Umagang umaga siya pumunta sa bahay nila cloud. Mabuti nalang ay nandito ang lola at lolo ng dalaga, para makapasok siya at hindi na mag hintay ng matagal sa labas ng bahay nito. "Bakit ho kaya 'di pa gising?" Kaniyang tanong. "Ewan ko nga iho, nakasara ang pintuan- may susi pala. Ngayon ko lang naalala halika ikaw na ang pumasok, para bilisan ang pag kilos" nanlaki ang mata ni gray. Baka mamaya hindi ito na suot ng bra! Naku po! Napangisi siya ng makikita ang mukha nito, bagong gising na cloud.. "Eto iho oh" inabot ni lola demerin sa kaniya ang susi. Agad niyang tinanggap ito. "Ayan iho, jan ka pumasok" tinuro nito ang pintuan na kulay kahoy. Gray smiled, "Salamat po" saad niya. Ngumiti at tumango ang lola. Nag pasyahan ni Gray na katukin mun ito. "Cloud" muling siyang kumatok. "Si gray 'to.. papasok ako ha.." he siad before he insert the key. Agad na sumalubong kay gray ang malinis nitong kwarto at may kalakihan. May iilang libro at may table. Nagawi ang tingin niya sa kama, nakatalikod ang dalaga at naka-talukbong. "Ano nga ba yun" he bit his lower lip and still distance at her. "Uy cloud gising!" Sigaw niya. Silence. "Cloud gising uy.." he keep distance. "Cloud naman eh, bahala ka pag may nakita ako ha." Muling banta niya. "Uy cloud kasi gising na.." Silence. He sighed. Bahala na nga.. Gray walked towards at her, nakatalikod parin ito. Tumigil siya ng tuluyan na siyang makalapit dito. He gasped, unti unti niyang tinanggal ang kumot nito mula sa ulunan nito. Agad na nanlaki ang mata niya. "Lola demerin!" He shouted. Agad na sinalat niya ang noo nito. Halos mapaso siya sa init nito. "Ulap.." nag aalala ang boses nito. Shit.. naulanan ba 'to kahapon?! "Anong nangyari- apo! Bakit ang putla!? Gegoryo ang apo mo!" Natataranta ang boses ni lola demerin. Agad na inayos ni gray ang pag kakahiga ni cloud. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito. "Nilalagnat po ata, ako na ho bahala." Saad niya. Gray look at lola demerin. "Lola.. pwede po ba pakielaman kusina niyo ho?" He asked. Agad na tumingin sa kaniya ang lola. "Ipagluluto ko lang po ng sopas, baka mamaya po magising. Kayo na ho bahala mag punas sa kaniya, maulan po kahapon baka trinangkaso ho.." Agad na tumango ang matanda. "Sige iho.. salamat ha, naalala ko nga pala wala ang asawa ko.. maraming salamat, ikaw na ang bahala sa kaniya pag natapos kana" saad nito. Gray smiled and nodded. "Salamat po lola.. maiwan ko na po kayo." Lola demerin nodded. Muling napalingon si gray kay cloud bago niya ito iwan. Pumunta siya sa kusina at agad na nag hanap ng mga ingredients sa kaniyang lukutuin, agad na nag tagumpay siya, mabuti nalang. "Salamat iho.." agad na napalingon si gray sa kaniyang likuran. He smiled. "Wala po yun.. basta si cloud ho.." Lola demerin smiled. Bumalik na siya muli sa pag luluto, hinipan muna at tinikman nang makuntento tinakpan niya ito. "Iho.." "Bakit po?" "Sigurado ka bang.. kaibigan paba ang nais mo sa'ming apo?" Lola demerin asked. Agad na napatigil at hindi makasagot si Gray. Hindi niya alam at naguguluhan siya. Halos dalawang buwan na ang nakakalipas na mag kasama silang dalawa ni cloud. Alam niyang may nag babago, pero pilit na iniiwasan niya ang ganuong mga tanong sa kaniyang isip. Lola demerin gave him a assured smiled. "Kung ano man ang nararamdaman mo.. 'wag mong pilitin.. ipadama mo sa kaniya, ang pag ibig na nararamdaman hindi dapat iniignora yan. Kasi alam mo gray?" Gray gulped really hard as he listen to lola demerin. "Mga bagay na lumilipas na ating pinag sisisihan.. ikaw rin.. baka mag sisi ka.." lola demerin smiled at him. Agad na nag taasan ang kaniyang balahibo sa batok dahil sa narinig. "H'wag kang matakot mag mahal. Hindi lahat ng pag ibig na nakatatak sayo 'y katulad ng pag ibig na madadama mo.." Lola demerin leave him. Halos kapusin siya ng hininga. Lola demerin literally triggered of what he's scared of. Being inlove. Damn. Mahinang napabuntong hininga si Gray at tinignan muli ang kaniyang niluluto. Tinikman niya muli ito ng kaunti. Nang matapos nag sandok na siya sa iisang mangkok. Tahimik at walang ingay ang kaniyang ginawa ng pumasok siya muki sa silid nito. Nakahiga ang dalaga at may bimpo sa noo, nakabalot ng kumot. She's pale.. He sighed. Agad na nanlaki ang mata niya ng bumukas ang mata nito. "Ulap.." mahinang sambit niya, agad siya kumuha ng upuan at umupo sa harap nito. Nanatiling tahimik ang dalaga habang nakatingin sa kaniya. "Tubig cloud?" He asked. Cloud nodded. He obliged. Agad niyang kinuha at papainumin ito. "A-ako n-na.." mahina at garalral na boses nito. Agad siyang tumango at pinag masdan ang dalaga na humilig sa headboard ng kama at ininom ang tubig. "M-may pasok ka.. bakit ka nandito?" Mahinang tanong ni cloud sa kaniya. Agad na kinuha ni gray ang baso at nilagay ito sa side table. He look at her and smiled, "maaga pa ulap.. mamaya na'ko papasok" he softly said. Nanatiling nakatingin sa kaniyang ang dalaga. "Ahmm.. gusto mo ba kumain?" He asked. Agad na napatingin si cloud sa mangkok, "Hindi ako kumakain ng lugaw.." He smiled and shook his head, "Sopas yan.. ako nalang mag susubo sa'yo.." he said. Tumango ito sa kaniya. He smiled, agad niyang hinipan ang nasa kutsara bago nilapit sa labi ng dalaga. "C'mon.. hindi na mainit yan" he said. Agad na sinubo ito ng dalaga. He smiled, paulit ulit niya itong ginawa. "Ayoko na.. tubig.." sabi nito. Agad niya inabot ang baso. "Sus ulap, lima palang na kutsara yun. Bili na, para gumaling ka kaagad at makainom ka na ng tubig. Nang makatulog ka narin, hindi ako aalis hangga't hindi ka nakakatulog sige ka" Agad na napanguso ang dalaga. Shit! Bakit ang cute?! "Blina-black mail moko.. mamaya sa'kin mo pa isisi pag 'di ka nakapasok.." saad nito, agad naman natawa si gray. "Oo sige isisi ko sa'yo.. kaya bili na nang makapasok na'ko" he playfully smiled. Cloud shook her head. "Ang sama mo.." Gray chukled. Muling tinapat niya ang kutsara sa bibig nito. "Kaya bili na miss ulap, kain na" he said. Agad na kumain ito nang nag pangiti sa kaniya. Matapos kumain nag paalam siyang lalagay niya sa lababo muna at kukuha ng gamot. Nang makakuha ng gamot agad siya muli pumanhik sa loob ng silid nito. Naka pikit na ito ngunit nakasandal parin sa head board ng kama. "Ulap.. uminom ka muna" he softly said. Agad na dumilat ito at tumingin sa kaniya. Inabutan niya muli ito ng tubig matapos bigyan ng capsule. "Kaya ko- "Let me.." he said. Agad niyang dahan dahan na hiniga ang dalaga. Maingat at kinumutan pa niya ito. "Babalik kapa mamaya?" "Gusto mo ba?.." Tumigil ito sa pag sasalita. Gray laughed. "Of course.. now, sleep ahmm? Babalik ako pangako." He assured her and give her a smile. Agad na pumanhik si Gray sa university. Kahit mag isa, nakaramdam siya ng lungkot. Hindi niya kasama ang dalaga. Pero it's alright, she needs to rest. Matapos ng klase agad agad na umuwi si gray kina cloud. Nag message nalang siya sa manager na hindi sila makakapasok ni cloud. Mabuti hindi niyo inalam ang dahilan, kundi baka mapag usapan silang dalawa, ayaw niya ding mapag usapan si cloud. "Magandang gabi ho.." bati niya sa dalawang matanda. "Nanjan ka na pala.. iho, kumain ka muna." Anyaya nito sa kaniya. Agad siyang umiling. "Hindi na ho, salamat po. Baka po kais nag aantay sa'kin si cloud.. medyo na late po ako mahirap po makasakay" saad niya. Agad na tumango ang matanda. "Sige iho" nag paalam siyang muling. "Ulap.." he knock on the door first before he entered to her room. Agad na sumalubong ang naka hilatang dalaga at may bimpo sa noo. Ang silbing ilaw ang ay mula sa bintana. He sighed before he walked towards at her. Tinignan niya ang dalaga, sinalat niya ang noo nito. Medyo hindi mainit ito ngunit mainit parin ang dalaga. "Gray.."garalral ang boses nito. "I'm here.." he whispered. Nagulat man siya'y nang hawakan ng dalaga ang kaniyang pulsuhan at hinila siya nito. "Don't leave.. sleep here..sleep besides me.." "H-ha?" "Please?.. b-baka.. mapanaginipan ko muli iyon.. I'm s-scared g-gray.. please?" She almost beg. Gray gasped. Nang may mangilid na luha sa mga mata nito. "Okay.." he whispered soflty. Agad na may lumitaw na ngiti mula sa dalaga. At umusad ito upang bigyan siya ng space. He gasped. Agad siya nitong niyakap. He closed his eyes tightly when she embrace him so tight. It was his first time! He hummed a song while lightly caressing her back. Naramdaman niya ang pag bigat ng pag hinga nito. Pasimple niyang tinignan ang dalaga, her eyes was closed. Mahina siyang napabuntong hininga. Maraming katanungan ang lumulukob sa kaniya. He closed his eyes. "Mukhang lahat ng sinabi ko.. kakainin ko na ulap.. gulong gulo na'ko.. anong ginawa mo sa'kin?" He whispered. He opened his eyes before his eyes landed to cloud' s lips. He shook his head. Instead. He kissed her forehead, softly. Cloud.. Anong.. ginawa.. mo sa'kin?...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD