"SIR LEO," wika ni Richard. Bilang panganay na kapatid ay hindi pa rin siya nasasanay sa kung paano siya tratuhin ni Leo. Iniisip niya na lang na hind naman nito alam na siya si Richard. At kaya ito mahigpit ay dahil pinoprotektahan nito si Mandy. Dapat pa nga ay matuwa siya. "And you finally succeeded in penetrating our home," malamig na wika ni Leo. "Hindi ko alam kung ano ang nakikita sa iyo ng Papa para i-hire ka niya. I'm highly suspicious about your intentions. And it pisses me off na wala akong magawa sa mga desisyon ni Papa." "Ipalagay ho ninyo ang inyong loob, Sir, wala ho akong masamang gagawin. Mapagkakatiwalaan ninyo ako. Papatunayan ko iyan sa inyo," wika ni Richard. "Hindi ako interesado," tugon ni Leo. Tatalikod na sana ito at aakyat sa kwarto nito nang dumating si Theod

