"MATAGAL NA BA SA GRUPO ninyo si Danny?" tanong ni Leo kay Goyo. Napatingin si Goyo kay Danny na nasa sulok at naninigarilyo habang nag-iisip nang malalim. "Matagal na," tugon naman niya. "Bakit? May problema ba?" "Parang iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang balisa siya. Hindi siya mapakali. Parang may itinatago." Napaisip si Goyo. "Magkaibigan sila ni Jopet. Siya ang nagpasok kay Jopet sa grupo," anito. "Magkaibigan pala sila? Ni minsan ba, hindi mo siya pinaghinalaan?" "Bakit ko naman siya paghihinalaan? Wala pa siyang ginawa na hindi ko nagustuhan. Isa siya sa mga pinakapinagkakatiwalaan kong tauhan. Magkaibigan sila ni Jopet, pero ang katapan niya ay nasa grupo," tugon ni Goyo. Napangiti si Leo. "Para sa isang lider ng gang, masyadong malambot ang puso mo." "Iniinsulto mo ba

