NAKAKUNOT ANG NOO ni Danny. Pamilyar sa kaniya ang lalaking nakikita niyang naglalakad at nagpapalinga-linga. Maganda ang kasuotan nito. Halatang mayaman. Nakita na niya ito noon. Hindi niya lang matiyak kung saan. Upang masagot ang katanungan sa kaniyang isip kung sino ito ay nilapitan niya ito, yaman din lamang at mukhang kailangan ng lalaki ng mapagtatanungan. "Sir," aniya. "Ngayon lang po yata kita nakita rito," wika niya sa lalaki. "May hinahanap po ba kayo?" "Yes," tugon ng lalaki. "Can we talk in private?" anito pa. Nagsalubong ang mga kilay ni Danny. Total stranger sila sa isa't isa, tapos hinihiling nito na mag-usap sila nang pribado. Weird. "Just somewhere na walang makakarinig ng usapan natin. Hindi kailangan na saradong lugar. It's just that hindi ako komportable na pinagt

