SINALUBONG ni Gary si Mandy nang matapos ang klase nito. Nagkataon na nang araw na iyon ay day off niya. "Hello po, Mang Gary!" bati ni Mandy sa kaniya. "Uuwi ka na ba, Mandy?" tanong ni Gary. Tumango si Mandy. "Dadating na po ang sundo ko." "Mandy, gusto kang makausap ng Tatay Arthur mo." Nanlaki ang mga mata ni Mandy. "Alam po ninyo kung nasaan siya?" "Oo," tugon ni Gary. "Sumama ka sa akin, Mandy." "Pero, parating na ho sina Yaya, eh. Mag-aalala po sila kapag hindi nila ako naabutan dito." "Alam ko," tugon ni Gary. "Pero wala namang masamang mangyayari sa iyo. Alam mo, nanganganib ang buhay ng tatay Arthur mo. At hindi natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Baka hindi mo na siya makita pagkatapos ng araw na ito." Napuno ng pag-aalala ang mga mata ni Mandy. "Bakit n

