CHAPTER 14

1316 Words
"RICHARD!" tawag ni Theodore sa anak bago ito tuluyang makalayo. "What, Papá?" naiinis na tugon ni Richard. "Dalhan mo ng tuwalya ang anak mo. Hanapin mo sa malaking bag sa loob ng tent. Dalian mo. Baka lamigin ang apo ko." "Sure, Papá," sarkastikong tugon ni Richard. Saka siya nagpatuloy sa paglalakad. "Lolo!" nakangiting wika ni Mandy. Umahon ito sa ilog. "Are you done?" tanong ni Theodore sa apo. "Opo, Lolo. Ang lamig na po, eh." "Halika. Ikinukuha ka na ng daddy mo ng tuwalya." Inakbayan ni Theodore ang apo at naglakad na rin sila pabalik. Nang biglang napahinto sa paglalakad si Mandy, at umaray ito. "Ano'ng nangyari, apo?" nag-aalalang usisa ni Theodore. "I got something on my foot, Lolo," tugon ni Mandy. "Let me see," ani Theodore at saka sinipat ang paa ng apo. Mayroong tila maliit na kapiraso ng dulo ng walis tingting ang nakausli sa talampakan ni Mandy. "What is it, Lolo?" "Splinter, apo. But you will be fine. Kailangan lang nating alisin iyan." Sa puntong iyon ay nakabalik na si Richard. "Ano'ng nangyari?" usisa nito kaagad nang makita ang discomfort sa mukha ng anak. "It's just a splinter, Richard. Matatanggal iyan ng tiyane," tugon ni Theodore. "Just a splinter, Papá? Look at her face." Napangiti si Theodore. "I really like it when I see that you're worried about your daughter. It's weird, but it's good." He chuckled. Napailing si Richard. Nilapitan niya ang anak at kaagad na binuhat ito upang dalhin sa pabalik sa camping site. Lumapad lalo ang ngiti ni Theodore. Hindi maitatanggi ni Richard na mayroon itong concern sa anak kahit na ilang beses pa nitong sabihin na wala itong pakialam. Iba ang ikinikilos nito sa sinasabi. Halos takbuhin ni Richard ang daan pabalik sa camping site. Hinanap naman kaagad ni Theodore ang tiyane na dala. Palagi siyang may dalang ganoon dahil alam niyang pwedeng mangyari ang ganitong mga insidente kahit saan at kahit kailan. "Ako na, Papá," wika ni Richard sabay kuha sa tiyane sa ama. Nahihirapan siyang tingnan si Theodore na nanliliit ang mata habang sinusubukang alisin ang splinter sa paa ng anak. "Mabuti pa nga dahil medyo mahina na ang paningin ko," wika ni Theodore. Mabilis naman iyong naalis ni Richard. "Thank you, Daddy!" wika ni Mandy. Yayakap sana ito sa ama ngunit umiwas si Richard. "Sa susunod, mag-iingat ka. Sinabi ko naman sa iyong hindi magandang ideya ang camping." Napasimangot si Mandy at napayuko. "Sige na, apo, magbihis ka na. Nariyan ang mga damit mo sa bag na itim. Mag-uusap lang kami ng daddy mo," wika naman ni Theodore. "Ano na naman ang pag-uusapan natin, Papá?" wika ni Richard nang bahagya na silang makalayo sa sasakyan. "Aminin mo na, anak, nag-alala ka para sa apo ko." Hindi umimik si Richard. Nagbuntong hininga si Theodore. "Hindi ko maisip kung gaano kabigat ang dinadala mo riyan sa loob mo sa pagtatago ng tunay mong nararamdaman. Mahal mo ang iyong anak. Iyan ang totoo." Napatingin si Richard sa ama. "Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo, anak?" wika pa ni Theodore. "Pinapaniwala mo lang ang sarili mo na galit ka kay Mandy. Iyon ang pilit na isinisiksik mo sa isip mo. Dinadaig ka ng iyong pride. Saan ka dadalhin niyan?" "Hindi ko alam, Papá. Basta ang gusto ko, maipadala si Mandy sa France sa lalong madaling panahon," sa wakas ay tugon ni Richard. Napailing na lamang si Theodore. Hinding hindi niya talaga mapapaamin ang anak. Bumaba na si Mandy sa sasakyan. Bihis na ito at nakangiti nang muli. "Papá, anong oras pa lang? Ano pa ba ang gagawin natin dito? Baka pwedeng umuwi na tayo. Marami na tayong sinasayang na oras dito," ani Richard. "Naaalala mo ba ang sinabi ko sa iyo kanina? Ang sabi ko ipaparanas ko sa aking apo ang bonfire. Kaya bukas pa tayo uuwi." "Ang akala ko ba may isang salita kayo, Papá," naiinis na wika ni Richard. "Pagdating kay Mandy ay lagi akong may exception," nakangiting tugon ni Theodore pagkatapos ay nagbaling ito sa apo. "Isuot mo ang iyong jacket, apo. Mamamasyal tayo at mangunguha ng mga tuyong dahon para sa bonfire mamaya." Bumalik ang excitement sa mga mata ni Mandy. Kaagad nitong sinunod ang abuelo. Wala nang ibang magawa si Richard kundi magbuntong hininga, umikot ang mga mata, at sumunod sa ama. Inalo na lamang niya ang sarili na kaunting pagtitiis na lamang ito para sa gusto niyang mangyari. "Kaunting tiis na lang, Richard," bulong niya sa sarili. Enjoy na enjoy si Mandy sa pamamasyal sa lawak ng property na iyon ng kanyang lolo. "Ano ang balak mong gawin sa lugar na ito, apo?" tanong ni Theodore. Nag-isip si Mandy. "Siguro po magpapatayo ako ng bahay rito. Gusto ko pong tumira dito, Lolo," nangniningning ang mga matang tugon nito. "Magkakaroon ako ng maraming alagang hayop katulad ng mga kabayo." Ngumiti si Theodore. "Sana maabutan ko pa iyon, apo." "Syempre naman po, Lolo. Dito tayo titira. Aalagaan ko kayo parehas ni Daddy." Ngumiti lamang muli si Theodore. Namulot na sila ng mga tuyong sanga at dahon na rin, pagkatapos ay dinala iyon pabalik sa kanilang camping site. Sa sobrang pagkabagot ay nakatulog si Richard. At nang magising siya ay nakababa na ang araw at mayroon nang bonfire. Nang tingnan niya ang kanyang wristwatch, alas sais y medya na. "Gising na po pala kayo, Daddy. Mabuti naman," ani Mandy. "Malapit na po tayong mag-dinner. Nagluto po si Lolo ng sopas at saka grilled fish. Ako naman po ang nagluto ng hotdog at marshmallow," proud pa nitong wika. Hindi umimik si Richard. "Bumangon ka na riyan, Richard. Kakain na tayo," wika naman ni Theodore. "Ilabas mo ang mga pinggan at kubyertos." Sumunod si Richard. Tahimik nilang pinagsaluhan ang hapunan. "Lolo, can you hear that?" wika ni Mandy. "Crickets' sound." She gushed. Kinilig ang bata nitong puso. Musika sa kanya ang huni ng mga kuliglig sa gabi. "Lolo, I want to stay here." "Someday apo... Someday," tugon ni Theodore. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakaramdam na sila ng pagod at antok. Sinigurado ni Theodore na maayos ang tulugan ni Mandy sa sarili nitong tent bago niya ito iwan. Nanatiling gising si Richard. "Matulog ka na," wika ni Theodore sa anak. "Maaga pa tayo bukas." Tumango si Richard, habang si Theodore naman ay pumasok na sa tent nito. Kinabukasan... Nagising si Richard sa huni ng mga ibon. Hindi niya itatanggi na masarap iyon sa tenga. He would love to hear those birds everyday sa bawat paggising niya. Lumabas siya sa kanyang tent. Nagmamadaling inayos niya ang kanyang mga gamit. Excited na siyang makauwi. Tinawag niya ang kanyang papá upang makapaghanda na rin ito pati si Mandy, ngunit walang sumasagot. Sinilip niya ito sa tent nito ngunit wala roon ang kanyang ama. Baka namamasyal lang sa paligid, anang kanyang isip. Pinuntahan niya ang anak sa tent nito. Kababangon lang ni Mandy. "Nakita mo ba ang lolo mo?" Mabilis na umiling si Mandy. Biglang kinabahan si Richard. Kung ano ano ang pumapasok sa kanyang isip. Nasaan na ito? "Dito ka lang, Mandy," bilin niya sa anak. "Hahanapin ko lang ang lolo mo." Halos maiyak si Mandy sa kaba. Natatakot siya. Baka kung ano na ang nangyari sa kanyang lolo. "Papá!" paulit-ulit ang pagtawag ni Richard sa ama, ngunit wala siyang makuhang tugon. Nakailang libot na siya sa kalawakan ng paligid ngunit wala pa rin. Napahinuhod siya sa matinding takot. Pagkatapos ay nag-ipon siya ng lakas para bumalik sa camping site. Kailangan nilang bumalik ni Mandy sa siyudad upang makahingi ng tulong. "Wala po si Lolo?" naiiyak na wika ni Mandy. Sa pagpipigil nito ng luha ay nakagat nito ang ibabang labi. "Wala," tugon ni Richard. Patakbong nilapitan niya ang sasakyan at pinapasok doon si Mandy. Wala na siyang pakialam sa mga gamit na maiiwan. Kailangan niyang magmadali. Nang uupo na siya sa driver's seat ay nakita niya roon ang isang nakatuping papel. Sulat iyon para sa kanya galing sa kanyang ama...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD