"TODAY IS THE DAY!" bulalas ni Mandy. "Today is camping day!" Yumakap ito sa abuelo nang ubod higpit at pinanggigilan ito. "Happy birthday, Lolo!" bati niya rito.
"Thank you, apo!" tugon ni Theodore. "Excited ka na ba sa ating camping?"
"Super, Lolo! I can't wait! Is Daddy ready?"
"He must be. Let me check on him." Hinagkan ni Theodore ang apo at saka pinuntahan ang anak sa kwarto nito.
Kinatok niya ang pintuan ng kwarto ni Richard. Nakailang katok siya bago iyon nagbukas. Buntong hininga kaagad ng anak ang bumungad sa kanya.
"Excited na ang anak mo, Richard. Bakit hindi ka pa bihis? Dapat maaga tayong umalis para makauwi tayo agad."
"Papá, let me get this straight," wika ni Richard. "Pagkatapos ng araw na ito, sasabihin ko na kay Mandy ang balak ko. Umayon man siya o hindi, ipapadala ko siya sa France."
Si Theodore naman ang nagbuntong hininga. "You're decided. At katulad ng sinabi mo, ikaw ang ama ni Mandy kaya ikaw ang magdedesisyon para sa kanya. Pero nakikiusap ako sa iyo, sana ngayong araw ay pasayahin mo ang apo ko. Bawiin mo lahat ng pagkukulang mo sa kanya sa araw na ito. Alam ko naman na kapag nasa France na siya ay tuluyan ka nang mawawalan ng pakialam sa kanya. Hindi na ako aasa na dadalawin mo pa siya at tatawagan kapag naroon na siya."
Hindi umimik si Richard.
"Sige na, magbihis ka na. Huwag mong pag-antayin nang matagal si Mandy. Kawawa naman ang bata. Ilang oras na siyang nakagayak. Mukhang hindi nga nakatulog nang maayos kagabi sa labis na kasabikan para sa araw na ito."
"Opo, Papá," tugon ni Richard.
Isinara niya ang pinto at muling nagpakawala ng buntong hininga. Ito na ang huling araw na pagtitiisan niyang makasama si Mandy. Pagkatapos ng araw na iyon ay tuluyan na siyang makakalaya.
"Papá!" maluwag ang ngiting bulalas ni Leo. Pagbaba ni Theodore ay naroon na ito sa salas at kausap si Mandy.
"Leo, anak," ani Theodore. "What brought you here?"
"Papá naman. It's your birthday at nasa Pinas ako. Bakit naman ako hindi pupunta rito?"
Bahagyang natawa si Theodore. "I'm sorry. Hindi lang ako sanay na nandidito ka sa kaarawan ko." Nilapitan niya ang anak, niyakap ito at tinapik ang balikat.
"Iyan ba ang dahilan kung bakit hindi ninyo ako isasama sa camping?" nangingiting wika ni Leo.
"Of course, not!" tugon ni Theodore. Inakbayan niya ang anak at naglakad sila palayo kay Mandy. "Hindi ko pa nasasabi sa iyo, but your brother is sending Mandy to France."
"What?" nagsalubong ang mga kilay ni Leo. "Why?"
"Doon na magpapatuloy sa pag-aaral si Mandy." Nilingon nila ang bata. "Wala pang alam si Mandy. Sasabihin pa lamang ni Richard pagkatapos ng camping. Plinano ko ang camping na ito para magkalapit ang loob ng mag-ama. Ito na ang huling baraha ko. Sana magbago pa ang isip ni Richard pagkatapos ng araw na ito."
"Well, in that case, goodluck Papá," tugon ni Leo. "Bilib din ako kay Kuya, napakatigas ng puso, samantalang napaka-sweet na bata ni Mandy. Every father would want to have her as a daughter."
"Eh, bakit hindi ka mag-asawa nang magkaroon ka ng sarili mong anak?' biro ni Theodore sa bunso.
"Papá, hindi ko nakikita ang sarili ko bilang isang asawa at haligi ng tahanan. You know how much I hate commitments. Mabilis akong magsawa sa mga bagay bagay, kasama na riyan ang mga babae."
"Magkaibang magkaiba nga kayo ni Richard," wika ni Theodore.
Biglang natahimik si Leo. "Pero pareho kaming interesado sa negosyo," aniya.
Napangiti si Theodore. "Kaya nga patunayan mo ang sarili mo ngayong araw kay Richard. Naniniwala ako sa kakayahan mong i-manage ang kompanya. Baka sobrang stressed lang ng kapatid mo kaya siya ganyan. Kailangan niyang huminga."
"Naisip ko rin iyan, Papá. Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo ipapahiya kay Kuya."
"I know," nakangiting tugon ni Theodore.
Tumikhim si Leo. "Papá, aakyatin ko lang si Kuya. May sasabihin lang ako sa kanya."
Tumango si Theodore at saka pumanhik na si Leo.
Palabas na ng kwarto niya si Richard nang makasalubong ang bunsong kapatid. "What brought you here?"
Natawa si Leo. "Parehong pareho kayo ng reaksyon at tanong ni Papá pagkakita sa akin," aniya. "Birthday nga ni Papá. Am I not supposed to be here?"
Si Richard naman ang natawa. "I'm sorry. Of course, you're supposed to be here. Do you want to go camping with us?"
"No, thanks, Kuya. May iba akong importantanteng gagawin." Ngumiti siya habang derektang nakatingin sa mga mata ng kapatid. Hindi kasi nito alam na tinawagan siya ng kanilang ama na pansamantalang siya na muna ang tumingin sa kompanya sa araw na iyon. Surpresa sana iyon kay Richard.
"Okay. Just join us for dinner tonight. I suppose nakauwi na kami no'n," wika ni Richard.
"You know what, Kuya, I'm really happy for Mandy. She used to tell me about her dreams of going to camping with you. Napakasimple ng pangarap no'ng bata. You just don't know how much you are going to make her happy today."
Ngumiti lamang si Richard.
"I'm proud of you, Kuya. Kahit dahan dahan, unti-unti mong ginagampanan ang pagiging ama mo sa pamangkin ko. Masaya ako. Mandy deserves your love and attention. She has always been hardworking para makuha ang pagmamahal at atensyon mo. Alam kong nakikita mo naman iyon. At ngayon nga, nagbubunga na iyon. That girl is a fighter, at hindi siya basta basta sumusuko. One day, she's going to break down your walls for good. I can feel it."
Pasadyang umubo si Richard. Their conversation is becoming uncomfortable for him. "Bumaba na tayo, Leo. Excited na si Mandy, 'di ba? Kailangan na naming umalis."
Ngumiti si Leo at tinapik ang balikat ng nakatatandang kapatid.
Sabay silang bumaba at lumabas ng bahay.
"But, how are we gonna get there, Lolo?" nagtatakang tanong ni Mandy. "And, oh! Because I am super excited, I forgot. May dala na po ba tayong tent? Flashlight... Kasi baka po umulan, tapos mamamatay ang apoy ba gagawin ninyo, Daddy, Lolo."
"Mandy, hindi tayo magpapagabi," wika ni Richard.
Umarko ang labi ni Mandy. "But I wanna hear the crickets' sound at night," anito.
"It's okay, Mandy," alo ni Theodore sa apo. "We will make the most of the day."
Napatingin si Mandy sa labas. May pumaradang malaking sasakyan.
"Surprise!" bulalas ni Theodore. "Iyan ang magdadala sa atin sa camping site."
"Where did you get that recreational vehicle, Papá?" nagtatakang tanong ni Richard.
"Isang taon kong pinagplanuhan ang araw na ito, Richard. Huwag ka nang magtaka," tugon ni Theodore sa anak.
Lumabas sila upang tingnan ang sasakyan.
"It's too big, Lolo!" namamanghang wika ni Mandy.
"Yes. Nasa loob na lahat ng kailangan natin. It's like a house, Mandy. We've got everything in there."
"Including bathroom, Lolo?"
"Oo, apo."
Lalong na-excite si Mandy.
"Who's gonna drive for us?" tanong ni Richard. "Magdadala ba tayo ng driver?"
"Hindi, Richard. You will drive for us," tugon ni Theodore. "Hindi masusulit ang araw kung hindi namin mararanasan ni Mandy na ipagmaneho ko kami." Nagkatinginan ang mag-lolo. Kinindatan pa ni Theodore ang apo na tuwang-tuwa.
"Let's hop in!" wika pa ni Theodore at saka inalalayan ang apo na sumakay sa sasakyan.
"Papá, I'm heading home," singit ni Leo. "Mag-enjoy kayo roon."
"We will," tugon ni Theodore.
Umalis na si Leo habang si Richard naman ay dismayadong pumasok na rin sa sasakyan. Kakasimula pa lang ng araw, hindi na siya natutuwa.