"ANG SAYA SAYA ko talaga, Richard," wika ni Theodore. Hindi naalis ang ngiti sa labi niya hanggang sa makauwi na sila ng mansiyon. "Ito na ang pinakamagandang regalo na ibinigay mo sa akin sa kaarawan ko. Kahit hindi na ako makatanggap ng regalo sa mga susunod ko pang kaarawan. Pwede na nga akong mamatay."
"Papá, huwag mo namang sabihin iyan," wika ni Richard. "Marami pang kaarawan ang darating sa iyo. At magsisimula pa lang ang mas masasayang araw para sa ating lahat lalo na para kay Mandy."
Sabay silang napatingin kay Mandy na tuwang-tuwa sa muling pagkikita nila ng alaga nitong asong si Cooper na masigla na ulit.
"Sayang Cooper, hindi ka nakasama sa amin. Pero huwag kang mag-alala, sabi nina Lolo, papasyal tayo sa park kasama pa si Daddy."
Nagbaling ng tingin si Mandy sa ama. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Richard. Napakagaan ng kaniyang pakiramdam.
"Papá, papasok lang muna ako sa trabaho," wika niya. "Sabihin n'yo na lang sa akin kung kailan tayo mamasyal sa park. I'll make myself available."
Tinapik ni Theodore ang balikat ng anak. I'm so proud of you, son. Sana ay magtuloy-tuloy na ito," aniya.
"Yes, Papá." Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay umakyat na siya upang makapagbihis.
Proud na proud niyang tinitingnan ang sarili sa salamin habang inaayos ang kurbata. Naaalala niya noong buhay pa si Aliyah, paborito nitong gawain ang ayusin iyon bago siya umalis.
Bago siya tumuloy sa trabaho ay dumaan na muna siya sa sementeryo upang dalawin ang yumaong asawa. Nagdala siya ng paboritong rosas ni Aliyah, at inilagay niya iyon sa puntod nito.
"Biglaan lang ito, mahal, kaya hindi ko naisama si Mandy," wika niya. Hindi pa kailanman nakapunta si Mandy sa sementeryo kung saan nakalagak ang katawan ng ina nito dahil mahigpit niya iyong ipinagbawal. Sadya ngang napakalupit niya noon. "Hayaan mo, sa susunod ay kasama ko na siya."
Tumingala siya sa langit. "Sana ay masaya ka na ngayon. Sana nakamtan mo na ang kapayapaan, mahal. Wala ka nang dapat na ipag-alala tungkol kay Mandy. Ako na ang bahala sa kaniya. Ipinapangako ko sa iyo na mamahalin ko na siya na kagaya ng pagmamahal mo sa kaniya. Hinding hindi ko siya pababayaan. Poprotektahan ko siya, at kung kinakailangan ay ibibigay ko ang aking buhay sa kaniya. Maraming salamat sa iniwan mong alaala sa akin, Aliyah."
Pagkatapos ng ilang minutong pagtambay roon ay umalis na rin siya at nagtungo sa kanilang kompanya.
Nagtaka siya nang pagpasok niya ng kaniyang opisina ay naroroon ang kaniyang kapatid na si Leo.
"Hey!" bulalas niya. "You're here."
Nakangiting tumayo si Leo. "Kuya, nakabalik na pala kayo. Si Mandy, kumusta?"
"Okay lang siya. Actually, maliban diyan, may good news ako sa iyo na siguradong magugustuhan mo."
"Ano iyon, Kuya? Tell me immediately dahil masyado akong excited."
"Okay na kami ni Mandy."
Nagsalubong ang kilay ni Leo. "Of course, you're okay. Just please elaborate, Kuya."
"I have decided to fix my relationship with my daughter. And from this day forward, I'll be the best father to her."
Napangiti naman kaagad si Leo. "Anong milagro ang nangyari? I mean, wow, that's good to hear! I am so happy for you, especially for Mandy. Finally, Kuya. What took it so long? Pero ang mahalaga, okay na. I'm so proud of you, Kuya." Lumapit ito sa nakatatandang kapatid at yumakap sabay tapik sa likuran.
"Thank you, Leo," tugon ni Richard. "Now, can you tell me kung ano ang ginagawa mo rito sa office ko."
Bahagyang natawa si Leo. "What's worng? Bawal ba ako rito?"
"Of course, not! Nagtataka lang ako. I'm surprised. I wasn't expecting to see you here."
"So, hindi pa pala sinasabi sa iyo ni Papá."
"Sinasabi na ano?"
"Kinausap niya ako na ako na muna ang humalili sa iyo habang nasa camping kayo. And it wasn't a bad idea. I enjoyed doing your job. Parang gusto ko ng magtrabaho sa kompanya mo, Kuya. Do you think it's not a bad idea?"
"Bakit, sawa ka na bang magliwaliw?"
"Kinda," tugon ni Leo. "Ask Papá. I did well. My performance for two days isn't bad at all. Pwede na nga kitang palitan."
Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Richard.
"Relax, Kuya. I was just kidding. Paano ba kita mapapalitan sa talino at galing mo? Gusto lang kitang tulungan. Anytime na gusto mo ng oras para makapagpahinga, o kung gusto mo ng mahabahabang bakasyon, nandito lang ako. Sabihan mo lang ako, kaagad akong darating."
"I appreciate it, Leo," tugon ni Richard. Tinapik niya ang balikat ng kapatid. "Thank you so much!"
Nagbuntong hininga si Leo. "I guess it's time for me to leave. The office is yours again." He chuckled.
"Leo, if you want to work here, I can give you a job," wika ni Richard. "Pero kailangan mong magsimula muna sa baba."
Hindi umimik si Leo.
"Let's say maganda ang naging performance mo sa dalawang araw na nawala ako, pero hindi iyon sapat. You have to have more experience. Gumawa ka ng resume at ipasa mo sa akin."
"Sure, Kuya," nakangiting tugon ni Leo. "I don't mind starting from the bottom. I am patient. And I am a hard worker. Gusto ko na talagang magtrabaho. Nahihiya na ako sa iyo. Sa edad kong ito dapat hindi na ako umaasa sa iyo."
"Huwag mong sabihin iyan, Leo. Ikaw lang ang kapatid ko, at ako ang kuya mo. Masaya ako na suportahan ka at naibibigay ko sa iyo lahat ng pangangailangan mo."
"But I want to earn my own money, Kuya. I mean, kumikita naman ako sa iba't ibang maliliit na negosyo na pinapasok ko. But I want to be a part of this company. I want to work with you. Alam mo namang Ikaw ang idol ko."
"Binobola mo na naman ako, Leo."
"Hindi, Kuya. I am being honest."
"Alright. I'll take it," ani Richard. "Pero alam mo ba kung ano ang mas ikakatuwa ko?"
"Ano, Kuya?"
"Magpakilala ka na ng babaeng papakasalan mo sa akin. Gusto ko nang magkaroon ng pamangkin. Please, Leo! Kapag may naipakilala ka na sa akin, baka i-hire na kitang vice president kaagad."
"Totoo, Kuya? Naku, huwag mo akong hinahamon," natatawang wika ni Leo. "Madali lang maghanap ng babae."
"Hindi lang basta babae ang sabi ko. Ang sabi ko babaeng papakasalan mo at bibigyan ka ng anak. Iisa lang ang anak ko at babae pa. Bigyan mo ng apong lalaki si Papá para may magtuloy sa ating apelyido."
Ngumiti si Leo. "Now, I am under pressure," anito. "Okay, Kuya. I'll try. Pero sa ngayon, i-enjoy mo muna ang pagiging daddy mo sa pamangkin ko. Sigurado akong nasa cloud 9 ngayon si Mandy. I am so happy for her. Parang gusto ko ngang dalawin iyon."
"Go ahead," ani Richard. "Bukas pa ang pasok niya. Wala siyang gagawin ngayong araw. Ipasyal mo muna."
"That's a good idea. Nakakasawa nang makipag-date. Mas mag-i-enjoy pa akong kasama si Mandy."
"Puro ka babae, Leo. Magbago ka na. Mamaya niyan makarma ka," pabirong wika ni Richard.
"Ikaw naman, Kuya, puro ka trabaho. Mambabae ka naman."
"Nice," pigil ang tawang wika ni Richard. "Sige na. Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa security," biro pa niya.
"Napakalupit mo talaga, Kuya," tumatawang tugon ni Leo. "I'll go ahead, Kuya. Dederetso na ako sa bahay mo, at susunduin ko na si Mandy."
"Okay. Have a good time. Bantayan mong maigi ang anak ko."
"Yes, Kuya." Sumaludo pa ito sa kapatid bago tuluyang lumabas ng opisina ni Richard.
Masigla namang bumalik sa pagtatrabaho si Richard.