"Pasok kayo. Pasok," aya ni Tatay sa dalawa. Sumunod na din kaming tatlo habang nagsisikuan kami ni Kamielle. "What the f**k is this?" bulong niya. "Tamang-tama ang dating niyo, kumakain kami." Nagkamay sina Kuya at Pablo. Bumeso naman si Kamielle sa nanay at hipag ko. "Long time no see po." "Kaya nga. Gumanda ka lalo, Kamielle, ah." Tumawa naman si Kamielle. "Pablo, hijo. Kumusta ka na?" "Mabuti naman po ako, Tito. Pasensya na po kung hindi wala kaming abiso sa pagpunta dito." "Ano ba kayo? Ayos lang iyon. Kain na muna kayo." Aligaga sina Nanay at Tatay sa pagkuha ng pagkain sa kusina. Nag-serve din sila ng mga prutas na napitas nila sa bakuran. "Nga pala, si Auntie Odessa," pakilala ko sa aking tiyahin, bago pa makapagsalita ng hindi kanais-nais si Kamielle. "Oh..." s

