Gusto kong magmura nang madatnan ko si Tita na nakaupo na sa dining. Hindi ako na-inform na dito pala siya mag-d-dinner ngayon. Sana hindi na lang ako sumabay. Hindi na ako makapagdahilan pa at baka mahalata na ako ng mga magulang ko. "Kain na tayo, anak," aya ni Tatay. Ayaw ko namang biguin ang ama ko kaya naupo na lang ako sa bakanteng upuan sa tabi ng aking pamangkin. "Nakabakasyon ka pero work pa din?" tanong ni Tita. I sighed. Pinilit ngumiti saka tumango. "Opo. Ayaw ko po kasing matambakan ako ng work." "So, babalik ka pa sa ibang bansa?" "Opo, tita." Ngumiti siya. "Akala ko dito ka na sa Pinas mag-work. Sasabihin ko pa naman sana na sayang ang work mo sa ibang bansa." Pinigilan ko ang sarili na magtaas ng kilay. "Hindi po. Nagbakasyon lang ako dahil gusto kong makasama

