Nandito ako sa aking silid maghapon. Nag-w-work at pinapakiramdaman ang mga tao sa baba. Nasa baba pa din si Auntie Odessa. Mula kanina ay hindi pa siya umuuwi. Hindi na nga ako kumain ng tanghalian para hindi ko lang siya makita. Umalis na si Benj pero maging kay Auntie ay naaasiwa ako. Hinilot ko ang aking ulo. Unti-unting bumabalik sa aking isipan ang alaala ng nakaraan, na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Bakit kami ni Benj ang unang nagkakilala at hindi na lang sina Auntie at Benj? Isa si Auntie sa dahilan o siya talaga ang pinakadahilan kung bakit ako kumapit sa patalim, tapos ang ending, siya pa ngayon ang may happy ending. Successful na ako ngayon sa buhay. I should be happy. Siguro kalaunan matatanggap ko din ang lahat. After ten, twenty years o kapag wala na sila

