Tanghali na ako bumaba kinaumagahan. Napuyat kasi ako. "Good morning, anak..." bati ni Nanay pagbaba ko. Nagpupunas-punas siya ng kaniyang vase na nakahiligan niya kailan lang. "Morning po, Nay. Sina Tatay at Kuya po?" "Nasa maisan sila." "Nauna na kaming kumain. Kakain ka na ba? Ipaghahanda na kita." "Kakain na po. Ako na lang po, Nay." Pero nakipag-unahan sa akin si Nanay na magpunta ng kusina. Habang hinihintay siyang iinit ang sabaw, tulala naman ako. Naiisip ko lahat ng mga magandang nangyari sa buhay namin. Kahit naman hindi maganda ang pagtatapos namin ni Benj, hindi ko pa din nalilimutan lahat ng nabigay niyang tulong sa akin at sa pamilya ko. Iyon nga lang, syempre, iba pa din iyong issue namin ngayon. Tsk! Sana lang talaga hindi ko makita ang pagmumukha n'on. "Umali

