I didn't think Luke was that kind kahit napag sabihan ko siya ng masama noong isang araw. Pumunta kami ni Ashley sa condo niya kanina dahil sinabi niya kay Ashley na masama ang pakiramdam niya kaya sumama ako para humingi ng tawad sa mga nasabi kung hindi maganda sa kanya.
"Buti nalang sinamahan mo ako, hindi kasi ako marunong mag-alaga ng may sakit." She said.
"Hindi rin naman ako marunong before, natutunan ko lang yun kay tito nong nagkalagnat din si dad kasi that time galit sa akin si dad kaya ayaw niya na ako mag-alaga sakanya pero hanggang ngayon ay galit pa rin naman siya sa akin." Malungkot kung sabi hindi ko alam kung kailan o paano ako patatawarin ni dad.
"Alam mo mas mabuti siguro na mamasyal tayo, masaya yun diba?" Pag-iba ni Ashley sa usapan, alam kung nahalata na naman niya na iiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ang bilis kung maiyak.
"Ang hilig mo talagang mamasyal." I said and tried to smile at her.
Maraming binili si Ashley dahil matagal daw siyang hindi nakabili ng mga bagong gamit niya. Ako naman, yung mga importante lang ang binili ko, kailangan ko magtipid lalo na ngayon dahil hindi kami nag-uusap ni dad at walang ibang naglalagay ng pera sa ATM ko maliban kay mommy at daddy.
"You can buy whatever you want and I'll pay for it. "Ashley insisted on me but I still didn't want to, nahihiya na ako sakanya.
"Wag na ito lang naman kailangan ko wala ng iba." I said with a smile so that she wouldn't worry about me.
"Are you sure?" I just nodded bilang sagot ko.
"As long as you need something, don't be shy to tell me okay." She said, when I got home loneliness envelops me every time I go home.
Tatlong buwan ang nakalipas, kain, tulog at minsan gumagala kami ni Ashley that's still the course of my life, nothing has changed dad is still angry with me. I was surprised when I came down the stairs, our helpers were so busy hindi ko maiwasang magtanong.
"Excuse me, nasaan si manang Helda?" Tanong ko sa isa naming katulong.
"Nasa itaas po siya ma'am Bella, nililinis niya ang kabilang kwarto." Sagot nito.
"Kabilang kwarto? May darating ba na bisita?" Nagtataka kung tanong pero wala namang nagtatagal sa amin na bisita so why does it need to be cleaned.
"Hindi niyo po ba alam ma'am Bella na dar---" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng may biglang nagsalita mula sa likod ko.
"Long time no see my sister." Agad akung napalingon sa may likuran ko.
"Loren!" Hindi makapaniwalang sambit sa pangalan niya. Matagal na kaming hindi nagkita ni Loren simula nang engaged day namin ni Xandro at ngayon muli kaming nagkita.
"Bakit ba parang gulat na gulat ka ata na surprise ka ba sa pagdating ko dito?" She said annoyingly, Loren and I didn't get along when we were young, daddy let her live here and mommy agreed even though she was daddy's daughter to another woman.
"Obvious ba? Dapat kasi nagpaalam ka muna sa may-ari ng bahay na dito titira." I said seriously but she just laughed annoyingly.
"Saan ako magpapaalam sa mommy mo? Kaso patay na dahil sa kagagawan ng sarili niyang ana--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita ay agad ko siyang sinampal ng malakas.
"Walang hiya ka! Hindi mo alam ang buong nangyari." Galit kung sabi.
"Why did you slap me! ” She shouted angrily at me.
"Kulang pa yan." Galit kung sabi.
"Totoo naman kaya namatay ang mommy mo dahil sa kalandian mo kung hindi ka sana pumunta sa fiance mo hindi sana walang nangyaring masama sa mommy mo." Nanginginig ako sa galit nang sabihin niya yun sa akin. I was about to slap her again when suddenly someone spoke behind me.
"Bella anong ginagawa mo!" Sigaw ni daddy na kararating lang at agad tumakbo si Loren sakanya.
"Dad she slapped me. It's good that you came because she will slap me again." Naiiyak na sabi ni Loren, kahit kailan talaga napaka dramatic.
"Why did you do that Bella?" Dad asked me angrily when he got close to me but I didn't speak.
"Bella sumagot ka!" Sigaw niya ulit sa akin.
"Wala siyang karapatang isumbat sa akin ang nangyari kay mommy, hindi niya alam ang buong nangyari." Naiiyak kung sabi.
"Dad hindi totoo yun, sinabi pa niya sa akin na hindi ako bagay dito kaya subrang nasaktan ako dahil parang hindi niya ako kapatid para pagsabihan ako ng ganun." Loren said pretending to be crying, mas lalo akung nainis.
"Bella, your mom and I didn't raise you like that. I don't know if I can forgive you for what you did, you lost your mom because of you!" Galit na sabi ni dad, hanggang ngayon ako pa rin ang sinisisi sa lahat.
"You know you're not the Bella we raised, you're not Bella." He said.
"Bakit hanggang ngayon ay sa akin mo pa rin sinisisi ang nangyari." Naiiyak kung sabi.
"Sino pa ba ang dapat kung sisihin?" He said.
"Ikaw! Alam mo kung bakit? Kung hindi ka sana nambabae our company won't go bankrupt and there's no marriage agreement, hindi ba dahil sayo kaya ko naging fiance si Xandro." Galit ko ring sabi habang nanginginig ang mga kamay ko dahil sa galit.
"Sumasagot-sagot kana huh!" Sigaw niya sa akin at sinampal ako sa kabilang pisngi at agad na tumulo ang luha ko dahil sa malakas niyang pagsampal sa akin.
"Sige isa pa! Para kahit papaano ay mabawasan ang galit mo sa akin." Sabi ko habang umiiyak pero imbes na magsalita ay tinalikuran niya lang ako.
"Hmmm kawawang bata." Pang aasar sa akin ni Loren pero sumunod naman agad ito kay dad.
"Ma'am Bella okay ka lang?" Manang Helda asked me worriedly when she got close to me.
"Yes I'm okay, wag mo akung alalahanin." Sagot ko habang umiiyak parin ako, pumunta agad ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay agad kung ni-lock ang pinto ko at umiyak ng malakas.
"Mommy sana ako nalang yung nawala, I wish you were still alive so that dad wouldn't be like this." Mahina kung sabi yung ako lang ang nakakarinig.
Habang umiiyak ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Ma'am Bella! Ma'am Bella!" Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan ko. I knew it was manang Helda. I immediately got up and opened the door.
"Mag-almusal kana hindi ka pa kumakain kagabi." Nag-aalalang sabi ni Manang Helda at iniabot saakin ang tray na may lamang pagkain.
"Salamat manang Helda." Nakangiti kung sabi.
"Walang anuman, sige na kainin muna yan may gagawin pa ako sa baba." Sabi niya at nagmadaling bumaba ng hagdan. Pagkatapos kung kumain ay nag impake agad ako ng mga gamit ko, kahapon ko pa binabalak na umalis dito, hindi ko kasi kayang makita si daddy habang nilalambing si Loren gaya ng ginagawa niya sa akin noong nabubuhay pa si mommy.
Bago ako bumaba sa hagdan ay tinignan ko muna kung walang tao sa baba at nang masigurado ko na walang tao ay nagmadali akung umalis. Naghanap ako ng matutuluyan dahil hindi pwede na sa condo ako tutuloy, mahahanap agad nila ako.
"3,000 po ang renta dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa may-ari, ang mahal naman saan ako kukuha ng pang bayad ko every month.
"Oo iha kung ayaw mo maghanap ka nalang ng ibang mauupahan mo." Seryuso nitong sabi.
"2,500 nalang po please." pakiusap ko sa may-ari.
"Hay naku sige na nga." Sagot niya at agad ko siyang niyakap.
"Salamat po." Nakangiti kung sabi.
"Oh sige-sige dyan ka lang muna kukunin ko lang yung susi ng kwartong yan." Sabi niya at tumango lang ako. Pagkatapos niyang ibigay sa akin ang susi ay agad akung pumasok sa loob.
Lunes ng umaga ay maaga akung nagising dahil ngayon ay maghahanap ako ng trabaho. Pagkatapos kung maligo ay nag-almusal agad ako.
"Sorry miss, we haven't been hired here yet." Sagot ng isang staff na pinagtanungan ko.
"Ah okay salamat." Nakangiti kung sagot, Pagod na ako hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng trabaho. Muli akung naglakadhindi ako uuwi hangga't hindi ako nakakahanap ng trabaho. Nagpahinga muna ako sa gilid ng isang building.
"Excuse me miss, bawal po dito mag standby." Sabi ng isang guard na lumapit sa akin pero dahil madali akung kausap ay agad akung tumayo para makaalis doon.
"S-sorry po." Sabi ko at nang papaalis na ako bigla niya akung pinigilan.
"Miss teka lang." Sabi niya at tiningnan ang mga dokumentong hawak ko.
"Ano po yan?" Diretsong tanong niya.
"Naghahanap po ba kayo ng trabaho?" Tanong niya ulit sa akin.
"Oo kaninang umaga lang ako naghahanap ng trabaho." Sagot ko.
"May alam ako, kaso nga lang janitor pa ang kailangan." Sabi niya.
"Talaga po?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Oo halika e guide kita sa loob, dito din ako nagtatrabaho." Sabi niya.
"Maraming salamat po." Masaya kong sabi, pagkapasok namin sa loob ay tinuro niya sa akin kung ano ang gagawin ko para mag-apply. Pagpasok ko sa interview room, may nakita akong magandang babae na mahaba ang buhok na nakaupo habang ako ay nakakulot ang buhok at nilagyan ko pa ng malaking nunal ang kabilang pisngi ko, may suot pa akong malaking salamin para walang makakilala sa akin.
"Take your seat." Sabi niya sa akin.
"Thank you po." Nakangiti kong sabi.
"Okay what's your name?" Deretso niyang tanong sa akin.
"Betrix Fernando po." Sagot ko, yan ang ginamit kong pangalan para mas lalong walang makaka kilala sa akin.
"Do you like cleaning?" Tanong niya.
"Yes of course." Sagot ko, buti na lang nasagot ko lahat ng interview niya sa akin.
"You will start your work tomorrow." Sabi niya, sobrang saya ko ngayon kasi natanggap kaagad ako. Hinanap ko agad yung guard, gusto kong magpasalamat dahil tinulungan niya ako kanina.
"Guard!" Tawag ko sa kanya ng makita ko siya agad siyang lumingon sa akin.
"Maraming salamat." Nakangiti kong sabi.
"Walang anuman." Nakangiti din niyang sabi.
Pagkauwi ko, kinuha ko ang cellphone ko. Ang dami kong text na natanggap mula kay Ashley.
"Nasaan kana?"
"Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko."
"Pinuntahan kita sa inyo pero wala kana doon."
Tatlong messages ang natanggap ko galing kay Ashley, alam kong nag-aalala na naman iyon sa akin. Tinawagan ko siya at sinagot naman niya agad.
"Nasaan ka? Bakit ngayon ka lang, saan ka nagpunta? ” Diretsong tanong sa akin ni Ashley sa kabilang linya at halata sa boses niya na nag-aalala siya.
"I'm sorry ngayon lang ako." Sagot ko.
"Pero nasaan ka? " nag-aalalang tanong niya pero wala akong balak sabihin sa kanya kung nasaan ako ngayon.
"Sorry pero hindi ko muna sasabihin sayo Ashley, ayokong nadadamay ka sa mga ginagawa ko." Sabi ko, nang matapos kaming mag-usap, binaba ko na ang telepono, ayokong madamay siya sa mga problema ko.