Blaine POV
Simula nang dumating si Marga sa bahay namin ay maaga akong pumapasok sa opisina ko, naiinis ako kapag nakikita ko siya sa loob ng bahay.
"Good morning sir." Bati sa akin ng isang janitor pagpasok niya sa opisina ko.
"Ikaw ba ang bagong janitor?" Diretsong tanong ko dahil ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niya dito sa kumpanya.
"Opo sir, lilinisin ko lang po ang opisina niyo." She said.
"Okay go ahead." I said and she started cleaning here inside my office, while I was using my laptop it was like I wanted coffee.
"Excuse me." Pinigilan ko ang janitor nang lalabas na siya kaya napatigil din siya at napatingin sa akin.
"Ano po yon sir." Tanong niya sa akin.
"Ummp m-marunong ka bang tumempla ng k-kape?" Nag-aalinlangan na tanong ko
"Opo sir." Diretsong sagot niya.
"P-pwede mo ba ako ipagtimpla ng kape?" Sabi ko.
"P-pero sir ang dumi ko dahil kakatapos ko lang sa paglilinis." Nauutal niyang sabi, pero kahit ganyan siya hindi naman siya marumi tingnan.
"Okay lang, wag kang mag-alala, dagdagan ko ang sweldo mo. "Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
"S-sege po sir." Sagot niya.
"W-wait, the coffee machine is just here. "I stopped her when I saw her come out, maybe she didn't see my coffee machine, I pointed to my coffee machine here in my office.
"Hindi ko nakita." Natatawang sabi niya at agad siyang pumunta sa kinaroroonan ng coffee machine ko. Tinanggal niya yung gloves sa kamay niya at nagulat ako ng makita ko yung mga kamay niya. Bakit parang mayamang kutis ang mga magaganda niyang kamay pero hindi naman siguro siya mahirap bakit kailangan niyang mag-apply ng janitor dito.
"Sir, ito na po." She said and put down a cup of coffee.
"Thank you." I said, I immediately took the coffee and blew it before I drink but I noticed she was still standing in front of me.
"Good morn--- oh my god, anong ginagawa nitong babaeng to." Laking gulat ni Secretary Kim nang pumasok siya sa opisina ko.
"S-sorry po ma'am nagpaga--." Secretary Kim suddenly grabbed the janitor's hand to let her out.
"Bitawan mo siya." Pinigilan ko siya, hindi ko alam kung bakit laging nagseselos si secretary Kim kapag may kasama akong babae.
"Mr. Tyson Nakakadiri ang taong ito at hindi ko hahayaang lapitan ka dahil baka may dala pa siyang germs." Sabi niya.
"Mag sorry ka sakanya." Galit kong sabi, wala siyang karapatang pagsabihan itong janitor.
"What? Ako pa hihingi ng sorry sakanya?" Di makapaniwalang sabi niya.
"Aalis na ako, okay lang po kahit hindi siya mag sorry sir Tyson." Malumanay nitong sabi.
"At talagang hindi ako sayo mag sosorry." Mataray na sabi ni secretary Kim, hindi na nagpaalam yong Janitor ay umalis na.
"Lumabas ka na rin secretary Kim, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kaya lumabas kana ngayon din." Galit kong sabi sakanya, naawa ako sa janitor na yun.
"Pero mr. Tys---"
"Walang pero pero, labas!" Sigaw ko sa kanya sabay turo sa pinto, nagmamadaling lumabas si secretary Kim na parang takot na takot. Simula nung naging secretary ko siya, walang makakalapit sa akin na babae maliban kay mom, kahit hindi aminin ni secretary Kim ay matagal ko nang nahahalata na may pagtingin siya sa akin at ang buong akala din ng mga staff ko dito ay may namamagitan sa aming dalawa ni secretary Kim.
Bella/Brexi POv
Sinabihan ako ng kasama kong janitor na maglilinis muna ako ng opisina ni Sir Tyson dito, siya daw ang may-ari ng kumpanyang ito. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad ang gwapong lalaki na nakaupo habang nagla-laptop, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya dahil sa gwapo nitong itsura, matangos ang ilong, maputi at bagay na bagay sa kanya ang suot niya ngayon. Siya talaga ang CEO dito, bigla kong naalala na maglilinis lang pala ako dito sa opisina niya.
"Good morning sir." Bati ko sa kanya at agad naman siyang napatingin sa akin.
"Ikaw ba ang bagong janitor?" Diretsong tanong niya, hay naku pati boses niya ang gwapo. Marami na akong nakilalang CEO na kasing edad niya noon pero kakaiba siya bakit ang hot niya sh*t.
"Opo sir, lilinisin ko lang po itong opisina niyo." Sabi ko nang matapos ko siyang titigan.
"Okay go ahead." Sagot nito, habang naglilinis ako ay bigla siyang nagsalita.
"Excuse me." Bigla niyang sabi at agad naman akong napalingon sa kanya.
"Ano po yon sir." Diretso kong tanong.
"Ummp m-marunong ka bang tumempla ng k-kape?" Nag-aalinlangan niyang tanong.
"Opo sir." Sagot ko.
"P-pwede mo ba ako ipagtimple ng kape?" Nagulat ako, hindi ako makapaniwala na ang isang tulad niya ay magpapatimpla sa akin ng kape. Diring diri nga ako sa sarili ko dahil sa trabaho ko tapos siya na CEO ay magpapatimpla sa akin ng kape?
"P-pero sir ang d-dumi ko galing ako sa paglilinis." Nauutal kong sabi
"It's okay, don't worry, dagdagan ko pa sweldo mo." Nagulat ako sa sinabi niya, tataas daw ang sahod ko.
"S-sege po." Sagot ko.
"W-wait, the coffee machine is just here." Sabi niya nang makita niyang lalabas ako sabay turo sa akin doon sa coffee machine niya dito sa loob ng opisina niya.
"Hindi ko nakita." Natatawa kong sabi nang makita ko yong coffee machine niya. Agad kong tinanggal ang gloves na suot ko at nagsimulang magtimpla ng kape, habang ginagawa ko iyon ay parang may nakatingin sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Pagkatapos kung magtimpla ng kape ay dinala ko agad sakanya.
"Sir, ito na po." Sabi ko sabay lapag sa table niya yong dala kong isang tasa ng kape.
"Thank you." He said, he took it and blew it first before he drank it, I was still standing in front of him while waiting for his reaction.
"Good morn--- oh my god, anong ginagawa ng babaeng ito." Laking gulat ng babae nang pumasok siya sa opisina ni Sir Tyson. Siguro boyfriend niya si sir Tyson.
"S-sorry po ma'am nagpaga--." Hindi na niya ako pinatapos magsalita, agad niya akong hinila palabas.
"Bitawan mo siya." Pinigilan siya ni Sir Tyson habang papalapit sa amin.
"Mr. Tyson Nakakadiri ang taong ito at hindi ko hahayaang lapitan ka dahil baka may dala pa siyang germs." Tinawag niyang "mr. Tyson" ibig sabihin she's not Tyson's girlfriend? At ano sabi niya may dala akong germs? Siya nga itong mukhang may dalang germs eh.
"Mag sorry ka sakanya." Sir Tyson said angrily, I was just staring at him but why is he still handsome even though he is angry.
"What? Ako pa hihingi ng sorry sakanya?" Hindi makapaniwalang sabi ng babae, tumingin siya sa akin at inirapan lang ako. Hayst, kung hindi lang ako janitor ngayon, baka kanina ko pa ito pinatulan, akala mo naman girlfriend ni Tyson.
"Aalis na ako, okay lang po kahit hindi siya mag sorry sir Tyson." malumanay kong sabi pero ang totoo gusto kong sabunutan yung babaeng yun nakakainis talaga.
"At talagang hindi ako sayo mag sosorry." Mataray niyang sabi, hindi na ako nagpaalam ulit, nagmadali na akong lumabas, baka hindi ako makatiis ay masabunutan ko pa sa buhok ang babaeng iyon.
"Ang taray akala mo bagay sa kanya." mahinang sabi ko pagkalabas ko.
"Ano ang sinabi mo?" Nagulat ako sa nagsalita, napalingon ako sa babaeng pilengera.
"W-wala po." I said and I tried to smile at her.
"Next time don't go near mr. Tyson, kung hindi malalagot ka sa akin, naiintindihan mo!" Galit na sabi niya sabay tulak sa akin ng mahina.
"Ka ano-ano ba niya si Tyson? Tsaka wala naman aagaw sa Tyson niya hmp!" Sabi ko nang makalayo siya sa akin.
"Akala ko naka----"
"Ay anak ka ng butiki!" Sigaw ko paglingon ko si sir Tyson pala.
"S-sir k-kanina ka lang ba dyan." Nauutal kong sabi.
"Ano sabi mo kanina, anak ako ng butiki?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. Lagot ako sa kanya baka tanggalin na niya ako sa trabaho.
"A-ano k-kasi sir h-hindi po yon ang i-ibig kung s-sabihin." Natatakot kong paliwanag pero naka kunot pa rin yong noo niya.
"Sir aalis na ako." Sabi ko sabay takbo.
"Ms. janitor! Hoy teka lang." Naririnig kong tawag niya sa akin habang papalayo na ako pero hindi ko siya pinansin. Pagpasok ko sa banyo ay hinanap ko sa bulsa ko ang gloves ko pero bakit wala, saan ko ba ito nilagay.
"Naiwan ko pala sa office ni sir Tyson." Mahina kong sabi, paano ko makukuha yun, huli na ako para bumalik doon, buti na lang nakatakas ako kay Tyson tapos babalik pa ako.
"Pwede ba tayong magkita ngayon?" Sabi ni Ashley sa kabilang linya.
"Not for now, I'm tired from work next time, I'm really sorry Ashley." malungkot kong sabi.
"Kailan ka pwede? Gusto kitang makita." Malungkot din niyang sagot.
"Tawagan na lang kita kung kailan ako pwede basta wag lang ngayon." Sabi ko pagkatapos naming mag-usap ay pumara ako ng taxi.
Nakakapagod din maging janitor, buti na lang natuto akong maglinis dahil sa mga kasama kung janitor din.
FLASHBACK
Nakatayo lang ako habang pinapanood ang mga kasama ko habang naglilinis.
"Hoy Brexi bakit nakatayo ka lang diyan? Kunin mo muna ang balde at mapa." Sabi sa akin ni Rana.
Sinunod ko naman ang sinabi niya.
"P-paano pala ito g-gamitin." Nahihiya kung tanong sa kanya.
"Hindi ka marunong?" Gulat na tanong niya.
"A-ano kasi h-hindi ako m-marunong nito." Sabi ko habang naka kunot yong noo ko.
"Naku, bakit mo kinuha ang trabahong ito kung hindi mo alam kung paano. “Sabi niya, kinuha niya ang mapa sa akin at isinawsaw sa balde at saka niya sinimulang i-map sa sahig.
"Ganito gamitin, isawsaw mo lang itong mapa sa balde na may tubig tapos imamapa sa sahig." Paliwanag niya sa akin.
"Oh subukan mo." Sabi niya at binigay niya sa akin yung hawak niyang map. Sinubukan ko at ginawa yung ginawa niya kanina, napapangiti ako habang ginagawa ko yon, madali lang pala pero kapag tumatagal sumasakit yung braso mo.
"Oh my god!" Sigaw ng isang babae na muntik nang madulas.
"Hoy ikaw! Ikaw ba ang nagmapa dito bakit basa pa!" Sabi niya nung nakita niya ako habang hawak ko yung mapa.
"Ms. Montero! Okay ka lang ba?" Tanong ng isang babae na dumating, siguro assistant niya ito.
"Mukha ba akong okay! Muntik na akong madulas!" Sigaw niya sa assistant niya, tumingin ulit siya sa akin.
"Ikaw lumapit ka nga dito!" Sigaw niya sa akin at agad akong lumapit, baka anak siya ng may ari nitong kumpanya.
"Sa susunod ay ayusin mo ang iyong trabaho kung ayaw mong matanggal sa trabaho." Galit na sabi niya sa akin nang makalapit ako sa kanya.
"O-opo ma'am." Sagot ko kunwari natatakot ako pero yung totoo gustong gusto kung ibuhos sa kanya yung tubig na nasa balde.
"Hayysst! Nakakadiring babae, sege na lumayo ka na sa akin." Nandidiri niyang sabi agad naman akung lumayo sa kanya at nagsimula na rin ito maglakad kasama ang assistant niya.
END OF FLASHBACK
Nalulungkot ako habang iniisip ko ang mga naranasan ko sa tuwing nasa trabaho ako. Umiiyak ako habang nililinis ko ang mga banyong iyon sa kumpanya ngunit gagawin ko ang aking makakaya. Siguro kung nabubuhay pa si mommy ngayon, hindi ko na mararating ang buhay na ito. Hindi ko mapigilan na umiyak.