Luke POV
Matagal ko nang hindi nakikita si Bella. Puntahan ko kaya si Ashley baka magkasama na naman silang dalawa. Nagbihis ako at nagmadali akung umalis nang bahay. Pagdating ko sa bahay nila Ashley nakita ko agad si Tita Iren.
"Magandang araw po tita Iren." Bati ko sa kanya at agad naman itong lumingon sa akin.
"Oh iho kanina ka lang ba diyan?" Gulat na tanong niya.
"Hindi naman po, kakarating ko lang dito." Nakangiti kung sabi.
"Ganun ba halika pumasok ka." Sabi niya sabay bukas sa gate. Niyakap ko naman siya nang makapasok.
"Tita nandiyan ba si Ashley?" Diretso kung tanong sa kanya.
"Oo naman nasa loob siya, halika pasok tayo sa loob." Sabi niya
"Ashley! Ashley!" Tawag ni tita Iren kay Ashley pagpasok namin sa loob. Umupo ako sa mahabang sofa nila dito sa sala.
"Mom bakit mo ako tinatawag?" Sagot ni Ashley habang bumababa sa hagdan.
"Si Luke ay nandito." Sabi ni tita Iren.
"Luke bakit nandito ka?" Tanong ni Ashley habang naka kunot ang kanyang noo.
"Maiwan ko muna kayong dalawa may lakad pa ako, Ashley ikaw na bahala kay Luke okay." Sabi ni tita Iren kay Ashley.
"Hi insan." Bati ko sa kanya pag-alis ni tita at naupo na rin siya sa kabilang sofa.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ulit niya sa akin.
"Anong bang klaseng tanong yan? Parang ayaw mo na nandito ako." Natatawa kung sabi pero inirapan lang niya ako.
"Diretsuhin na kita ano ba kasing kailangan mo sa akin?" Mataray niyang tanong.
"Gusto ko lang naman na bisitahin kayo ni tita at ik--"
"Hindi ko nagustuhan ang sagot mo, wag ka ng paligoy ligoy pa sabihin muna kung anong kailangan mo." Pagputol niya sa sasabihin ko, grabe naman itong pinsan ko palagi na lang wala sa mood.
"Okay fine, matagal ko nang hindi nakikita ang kaibigan mo" Sabi ko.
"Ako nga hindi ko na rin siya nakikita ikaw pa kaya." Seryuso niyang sabi, ano bang ibig niyang sabihin hindi rin sila nagkikita? Nag-away kaya silang dalawa?
"Sigurado ka ba? Nag-away ba kayo?" Di ko maiwasang itanong sa kanya.
"Hindi naman pero matagal na siyang lumayas sa kanila, hindi niya sa akin sinasabi kung nasaan siya ngayon pero na kokontak ko naman siya." Mahaba niyang paliwanag, hindi ako makapaniwala na magagawa yon ni Bella siguro may problema siya.
"Lumayas? Hindi kaya may problema siya." Nag-alala kung tanong nagbuntong hininga si Ashley bago nagsalita.
"Ang hirap ng situation niya simula nang pumanaw ang kanyang Ina." Malungkot na sabi ni Ahsley.
"Pumanaw na pala ang kanyang Ina?" Di makapaniwala kung tanong.
"Oo at sa kanya lahat sinisisi ang nangyari sa kanyang Ina." Sabi niya.
Ilang oras kaming nag-uusap ni Ashley at kinuwento niya lahat sa akin ang nangyari sa pamilya ni Bella. Siguro kahit sa akin mangyari ang nangyari kay Bella ay baka hindi ko rin makaya, si Bella ay matapang. Yung iba nga nag susuicide kapag hindi na makaya ang problema pero si Bella ay hindi.
Ilang buwan ang lumipas lihim ko pa rin hinahanap si Bella. Pagdating ko sa Tyson's company ay binabati ako ng mga staff dito maliban na lang sa isang janitor na nakalutang habang nagmamapa.
"Excuse me pwede dumaan." Sabi ko, hindi ako makadaan kasi hindi siya umaalis sa pwesto niya habang nagmamap.
"Excuse me sabi ko pwede makadaan." Sabi ko ulit buti na lang ay natauhan na lumingon ito sa akin, parang gulat na gulat siya nang makita niya ako. Imposibleng kilala niya ako e ngayon ko lang nakita ang babaeng ito.
"Dadaan lang ako." Sabi ko at agad naman itong gumilid habang naka tungo.
"Thanks." Sabi ko at nagpatuloy ako sa paglalakad, pagpasok ko sa opisina ni Blaine ay naabutan ko siyang may kausap sa cellphone, umupo ako sa maliit niyang sofa dito habang hinihintay na matapaos.
"Sino yun?" Diretso kung tanong nang matapos siyang makipag-usap.
"Si Erick binugbog daw siya kahapon ng mga tauhan ni Griffin." Seryusong sabi ni Blaine.
"Talaga? Akala ko ba ayaw na nilang makipag banggaan sa atin ulit ang mga yun." Seryuso ko ring sabi, college pa lang kami ay sila na yong matindi naming kalaban pero nang makapag tapos kami ay na busy ang bawat isa dahil sa trabaho. Matagal na walang nagaganap na labanan pero ngayon lang ulit sila nagparamdam.
"Akala ko ba mananahimik na ang mga ugok na yun dahil namatay na ang leader nila." Sabi ni Blaine.
"Hayaan na natin sila kung gusto nila ulit makipag laban sa atin" Nakangisi kung sabi, namatay ang leader nila hindi dahil sa grupo namin namatay yun dahil sa isang babae pero hanggang ngayon hindi parin namin kilala ang babaeng nakapatay sa leader nila.
"Bukas tawagan mo lahat ng mga kasamahan natin, kailangan nilang malaman na gumagalaw ulit ngayon ang Demonical gang." Seryusong sabi ni Blaine, mainit ang ulo ni Blaine kapag may nasasaktan sa mga tauhan niya, siya ang ginawa naming boss mula nang buuin namin ang Enormous gang.
"Wow! Ngayon ko ulit nakita ang dating boss na nakilala ko." Nakangiti kung sabi, proud ako na siya ang ginawa naming boss dahil nagagampanan niya ang pagiging boss niya.
"Good morning sir, maglilinis lang po." Sabi ng babae pagpasok niya pero hindi ko ito tiningnan.
"Kamusta na ang buhay mo?" Pag-iba ni Blaine sa usapan, naintindihan ko naman siya dahil ayaw niyang may makarinig na iba sa usapan namin pagdating sa mga gang gang na yan.
"Mabuti naman ikaw?" Sinabayan ko naman siya.
"Me too, by the way gusto mo ba ng kape Luke?" Tanong niya saakin biglang may nahulog at tuluyang nabasag, ito ang nakaagaw sa attention naming dalawa ni Blaine. Agad kaming napatayo at tiningnan ang nahulog.
"S-sorry po." Paghingi ng sorry ng isang janitor at agad niyang pinulot ang mga nabasag na botelya sa sahig.
"Ikaw yung nakita ko kanina right? Ikaw yung nakalutang habang nagmamapa?" Bigla kung tanong ng maalala ko na siya pala yung nakita ko kanina.
"O-opo sir s-sorry po k-kanina." Nakayuko nitong sagot.
"Hindi dapat pinupulot ang mga nabasag, kailangan gamitan yan ng dustpan." Sambit ni Blaine sabay kinuha ang dustpan at siya mismo naglinis nito. Wow gentleman ka ngayon Blaine huh.
"Sa susunod kapag may nababasag wag mo ito pulutin agad." Sabi ni Blaine doon sa babae na nakayuko parin, kilala ba ako ng babaeng ito?
"Akin na po yan sir, ako na maglalagay niyan sa basu--" Naputol ang sasabihin niya nang biglang hawakan ni Blaine ang kamay niya.
"Tingnan mo nasugatan ka." Galit niyang sabi, totoo nga na nasugatan ang babaeng ito, hinila niya ito sa kamay at pinaupo siya ni Blaine sa sofa.
"Luke paki kuha yung medicine kit." Utos niya sa akin.
"Ito na boss." Nakangisi kung sabi nang makuha ko ang medicine kit pero tiningnan lang niya ako ng nakakamatay na tingin. Natatawa ako kasi bumabalik na ang pagka demonyo niya.
"Sir nakakahiya naman po sa inyo, sa bahay ko nalang ito gagam----"
"Shut up! Dapat ngayon na baka magka infection ka." Seryusong sabi ni Blaine habang ginagamot ang sugat ng babae.
"Ayan tapos na sa susunod kapag may nababasag wag mo ito pulutin para hindi magkakasugat okay."
"Yes doc." Sambit ko habang natatawa.
"Tumahimik ka nga diyan." Seryuso niyang sabi.
"Salamat sa pag gamot sa kamay ko." Sabi ng babae tumayo ito at kinuha ulit ang balde at yung mapa.
"Hindi ka muna magtatrabaho ngayon." Sabi ni Blaine ng makita niya yung babae na itutuloy yung paglilinis niya dito sa loob.
"Pero sir hindi ko pa ito natapos." Sabi nung babbae.
"Ipapagawa ko na lang yan sa iba." Sabi ni Blaine, nagtataka ako bakit ang bait niya ngayon dati naman ay demonyo ang taong to.
"Umamin ka nga sa akin dude." Mahina kung sabi para hindi marinig nung babae.
"Na ano?" Sabi ni Blaine habang naka kunot ang noo, lumapit pa ako sa kanya para siguradong hindi maririnig nung babae yung sasabihin ko.
"May pagtingin ka ba diyan sa janitor na yan?" Mahina kung sabi.
"Ulol kung ano-ano na lang nasa utak mo." Sabi niya at tumawa ako ng malakas pero tiningnan niya ako ng nakakatakot kaya nanahimik ako baka sipain pa niya ako palabas kung patuloy ko pa rin siyang aasarin.
Blaine POV
Siguro nababaguhan sa akin si Luke dahil sa ginawa ko kanina kaya hindi niya naiwasan na itanong sa akin kung may pagtingin ako kay ms. Janitor. Malaki ang utang na loob ko kay ms. Janitor.
FLASHBACK
Paguwi ko galing sa opisina ay hinihintay ako ni mom sa sala at kasama si Marga.
"Salamat at dumating ka na anak." Sabi ni mom nang makita niya ako.
"Maupo ka dito." Dagdag niya.
"Mom pagod ako magpapahinga muna ako." Sabi ko at nagpatuloy ako maglakad.
"May pag-uusapan pa tayo importante na malaman mo ito agad anak." Masaya niyang sabi ano naman yun, lumingon ulit ako sa kanya.
"Ano yun mom sabihin muna nagmamadali ako gusto ko nang magpahinga" Sabi ko.
"Tatlong araw na lang ay darating ang daddy mo ibig sabihin ay engage day niyo ng dalawa ni Marga anak." Excited na sabi ni mom, hindi ako makapaniwala kailangan kung gumawa ng paraan para matakasan ang araw na yun.
"Bakit wala kang nasabi? Na excite ka na rin ba?" Masayang sabi ni mom.
"Babe masaya ka ba?" Tanong ni Marga tumayo siya at lumapit saakin.
"Sorry pagod ako kailangan ko na magpahinga." Sabi ko at nagmadali akung pumunta sa kwarto ko. Hindi ako makakapayag na siya ang papakasalan kung babae. Nagbihis ako at nagmadaling umalis sa bahay. Pumunta ako sa paborito naming bar kaya panay ang bati sa akin ng mga staff dito, kilalang kilala nila ako dito dahil ito ang palagi naming pinupuntahan ng mga kaibigan ko.
"Hi mr. Tyson."
"Good evening mr. Tyson."
"Hello mr. Tyson."
"Enjoy the night mr. Tyson." Bati sa akin ng mga staff dito agad akung kumuha ng iinumin.
"Hi pogi." Napatingin ako sa babae, napaka sexy ng suot pero hindi ko ito pinansin, lasing na ako at medyo nanlalabo na ang mga mata ko.
"Hey you want me?" Dagdag pa niya sabay umupo sa tabi ko habang hinihimas ang mga braso ko.
"T-tigil-lan m-mo a-ako." Sabi ko lasing na lasing na talaga ako.
"Sino ang lalaking ito." Tanong ng isang lalaki doon sa babae pero nanghina na ako kaya hindi ko na nagawang tingnan kung sino yung dumating basta ang alam ko lalaki siya.
"Hoy sino ka!" Galit niyang sabi sabay tapik sa balikat ko, tumayo ako para harapin ang lalaking ito pero hindi pa ako nakatayo ng maayos ay sinuntok niya agad ako. Natumba agad ako at sinubukan ko ulit tumayo para lumaban pero nanghihina na talaga ako, hinawakan niya ako sa magkabila kung balikat pagkatapos ay sinuntok na naman niya ako sa tiyan.
"Tama na yan Xander!" Sigaw nung babae.
"Tumigil ka ito ba ang lalaki mo?" Tanong nung lalaki doon sa babae at sa oras na ito ay nakuha nung babae ang attention ni Xander, yan ang narinig kung tawag sa kanya nung babae Xander daw. Pagkakataon ko na para bumawi sa kanya agad ko siyang sinugod buti na lang natamaan ko na rin siya sa mukha. Ilang minuto ay inawat kami ng mga tao dito.
Buti na lang nakaya ko pang magmaneho pero subrang sakit ng mga katawan ko lalo na ang ulo ko.
"Sir! Sir! Anong nangyari sa inyo?" Sigaw ng isang babae minulat ko ang aking mga mata at nakita ko na si ms. Janitor pala.
"Sir anung nangyari sa mukha mo?" Nag-aalalang tanong niya pero hindi ako nakagpagsalita. Tumayo siya at parang may hinahanap siya pagbalik niya ay dala niya yung medicine kit ko.
"Ano ba kasing nangyari sayo?" Tanong niya ulit habang ginagamot ang mga sugat ko sa mukha.
"Nagpunta ako kagabi sa bar pero hindi ko inaasahan na ito pala ang mangyayari sa akin.
"Sino ba ang bumugbog sayo?" Tanong niya pero hindi ko maalala ang mukha nung lalaki pangalan lang niya ang naaalala ko.
"Hindi ko maalala ang mukha niya dahil lasing na lasing ako non." Walang lakas kung sabi.
"Hayst bakit ka kasi nagpunta pa doon ede sana hindi ka nagka ganito." Nag-aalala niyang sabi.
"A-aray! Hinay hinay lang." Sigaw ko nang idiin niya sa may sugat yung cotton.
"Masakit ba sorry." Paghingi niya ng sorry pagkatapos ay tinanggal niya yung sapatos ko pati yung medyas hindi ko man nakayang hubarin yung sapatos at medyas ko kagabi.
"Bakit hindi ka dumiretso umuwi sa inyo bakit dito ka pa nagpunta sa opisina mo." Sabi niya pero hindi ako nakapag salita.
"May problema po ba kayo sir?" Biglang tanong niya napatitig ako sandali sa mga mata niya. Matutulungan niya kaya ako kung sabihin ko sa kanya ang problema ko?
"Oo" Diretso kung sagot.
"Matutulungan mo ba ako?" Dagdag ko.
"Ano ba ang problema mo? Baka may magawa ako." Sabi niya tinitigan ko muna siya bago ko sabihin sa kanya. Pagkatapos kung sabihin sa kanya ang nangyari ay bakas sa mukha niya ang pagkalungkot.
"Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo." Malungkot niya na sabi.
"Kung sa tingin mo ay hindi mo gusto mas mabuti na lang na wag mong pilitin ang sarili mo. Diretsuhin mo mga magulang mo sabihin mo sa kanila na ayaw mo." Dagdag pa niya.
"O-okay ka lang?" Bigla kung tanong nang mapansin ko na parang naiiyak.
"Okay lang ako." Sabi niya habang pinipilit niyang ngumiti sabay punas sa gilid ng mata niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tumingin ako sa mga mata niya.
"Magkwento ka makikinig din ako sayo." Sabi ko, alam kung may problema din siya gusto ko rin makatulong.
END OF FLASHBACK