Chapter 7

2186 Words
Hindi sumabay si Scarlett at Ellie sa akin papuntang simbahan. I was so disappointed. Ang akala ko ay mapapalambot ko na ang puso niya sa mga sinabi ko kagabi, ngunit nagkamali ata ako. Mas lalo lang lumala ang tampo niya sa akin. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin para suyuin siya. "You may now kiss the bride," anunsyo ng Pari. Siniil agad ni Gabriel ng halik si Soleil. Pumalakpak ang mga tao dito sa simbahan. Tiningnan ko si Scarlett, masaya siyang nakatitig sa bagong kasal. Kinakarga niya ang aming anak na pumapakalpak din. "Ano, nalambing mo na ba ang asawa mo?" tanong ni Wayne na nasa tabi ko. "Palagi ko naman nilalambing." Umakbay siya sa akin. "Lambingin mo pa. Bibigay rin 'yan." Natawa ako ng mapakla. Tiningnan ko ulit si Scarlett, nakita ko siyang nakatingin rin sa akin. Agad niyang ibinaba ang kanyang tingin kay Ellie nang magtapo ang aming mga mata. Damn… Paglabas sa simbahan ay hinabol ko kaagad ang mag-ina ko. Hinawakan ko ang braso ni Scarlett at tila napaso naman siya nang maramdaman ang aking hawak. "Bakit?" kumunot ang noo niya. "Sasabay kayo sa akin papunta sa reception." "Sinabi ko na kay Jude na sa kanila kami sasabay," binawi niya ang kanyang kamay. Kahit na nasasaktan ako sa pagiging malamig niya, nanatili pa rin akong matatag. "No," mariin kong sabi. Kinuha ko si Ellie sa kanya. "May sasakyan naman tayo. Bakit kailangan mo pang sumabay sa iba?" Umalis na ang bridal car. Ang ibang bisita ay pumupunta na rin sa kanilang mga sasakyan para tumungo sa reception. Dumiretso na ako sa sarili naming sasakyan kasama si Ellie. "Timothy…" hinawakan ni Scarlett ang aking balikat. Tumigil ako sa paglalakad at muli siyang tiningnan. "Bakit?" "Ayokong sumabay sa 'yo," lumiit ang boses niya. Napabuntong hininga ako. Bakit ba kahit na anong gawin ko ay parang wala siyang pakealam sa akin? Bakit tila ayos lang sa kanya na may tampuhan kami? Bakit… "Ano pa bang dapat kong sabihin o gawin para maging maayos na tayo?" lumamig ang boses ko. Nasasaktan na talaga ako sa mga nangyayari. "Gusto mo bang maging ganito na lang tayo? Gusto mong… nakikita ng mga kaibigan natin na hindi pa rin tayo ayos? Ginagawa ko naman ang lahat, di ba? Sinusuyo naman kita. Alam ko naman na gusto mo 'ring magka ayos tayo. Pero bakit… bakit mas pinipili mo pa rin ang ganito?" Nanatili lamang siyang walang reaksyon sa mga sinabi ko. Para akong nawalan ng hangin sa katawan. Nanghina ako ng husto dahil sa nakuha kong reaksyon mula sa kanya. Kahit na anong sabihin ko, hindi kayang tunawin ang galit o tampo niya sa akin. "Sige," binalik ko si Ellie sa kanya. "Puntahan mo na kung sino ang gusto mong makasabay. Pagod na ako. Babalik na lang muna ako sa resort." Hindi na ako nakatanggap ng kahit na anong sagot mula sa kanya. Tinalikuran ko na sila at pumunta na ako sa sasakyan. Hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang aking sarili. Hindi pwedeng ako lang ang gumalaw palagi. Mag-asawa kami. Dapat ay inaayos naming dalawa ang mga problema. Pero sa mga pinapakita ni Scarlett, mukhang wala naman siyang pakealam kung maaayos pa ba namin ito o hindi. Tinanggal ko ang aking barong pagbalik ko sa casita. Mananatili na lang ako dito. Kaysa naman sa pumunta pa ako sa reception at magpanggap na ayos lang ang lahat kahit na hindi naman. Humiga ako sa aming kama at ipinikit ang aking mga mata. Hinilot ko ang gilid ng aking ulo. Siguro, mas mabuti pang umuwi na lang kami kaysa manatili dito. Hindi rin naman kami mag e-enjoy kung hindi kami maayos na mag asawa. Nahihiya na ako sa mga kaibigan namin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos ni Scarlett. Ayokong pati sila ay mamroblema rin sa amin. Mas mabuti pang ayusin na lang namin itong dalawa sa bahay. Natigilan ako sa pag-iisip nang may mainit na haplos akong naramdaman sa kamay kong hinihilot ang aking ulo. Unti-unti kong imunulat ang aking mga mata. Mukha agad ni Scarlett ang nakita ko. Napaupo ako dahil sa gulat. Kinusot ko ang aking mga mata. Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Damn, nananaginip ba ako? Hindi pa naman ako nakakatulog, eh! "Ba't nandito ka? Nasaan si Ellie?" tanong ko nang makitang hindi niya kasama ang anak namin. "Kasama si Jude at Aina," ngumiti siya ng tipid. Batid ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Nagpahatid lang ako sa kanila. Dumiretso na sila sa reception." Tumango ako. "Pagod ka na?" hindi ko alam kung may iba pang kahulugan ang tanong niya, pero ramdam ko ang sakit sa boses niya. "Medyo…" hinawakan ko ang aking batok. "Sa akin?" kumislap kaagad ang mga mata niya dahil sa tanong na iyon. Umiling ako. "Hindi… hindi sa 'yo." Umiling rin siya kasabay ng pagbuhos ng kanyang mga luha. "I'm sorry… I'm sorry…" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I'm sorry, T-timothy." Hinila ko pa siya palapit sa akin. Hinagod ko ang kanyang likuran para tumigil siya sa pag iyak. "Huwag ka ng umiyak," hinalikan ko ang kanyang buhok. "Sorry…" mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Tahan na, asawa ko…" inangat ko ang tingin niya sa akin. Pinunasan ko ang kanyang mga luha sa pisngi. "Masisira ang make-up mo pag umiyak ka pa," hinalikan ko ang kanyang noo. "Sorry, Timothy…" iyak pa rin niya. Ngumiti ako at pinunasan ulit ang kanyang mga luha. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking pisngi at agad akong siniil ng mainit na halik. Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya ay hindi ko agad nasagot ang kanyang halik. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Niyakap niya ang aking leeg at tinulak ako pahiga. Pumaibabaw siya sa akin habang ako ay gulat na gulat pa rin sa mga nangyayari. "Scarlett," hinawakan ko siya sa braso. Nag angat siya ng tingin sa akin. "I love you, Timothy…" she softly said. Those words triggered something in me. Sa isang iglap, pinagpalit ko ang aming posisyon. Ako na ngayon ang nasa kanyang ibabaw. "Say it again," malambing na utos ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nasa kanyang mukha. "Please…" "I love you," ulit niya. "I love you so much, Timothy… and I'm sorry." Sa sinabi niyang iyon ay nawala ang lahat ng inhibisyon sa aking katawan. Binigyan ko siya ng isang mainit na halik. Niyakap niya ang kanyang binti sa aking baywang at alam kong naramdaman na niya ang pagka sabik ko sa kanya. "Anong oras tayo pupunta sa reception?" tanong ni Scarlett pagkatapos ng mga nangyari. Naka unan siya sa aking braso. Nilalaro ko naman ang kanyang mga daliri na nakapatong sa aking tiyan. Ang aming hubad na katawan ay nakatakip sa ilalim ng puting kumot. "Ngayon na?" tumingin ako sa kanya. I looked at her swollen lips. Damn, I missed her so much. I want to stay here and make love to her again. But then… we can't. Iniisip ko si Ellie. Baka mamaya'y hinahanap na niya kami. "Hmm… sige," matamis siyang ngumiti sa akin. Hilakan ko ulit ang kanyang labi bago kami magbihis. Pagdating namin sa reception ay hinanap agad ni Scarlett ang aming anak. Kaunti na lang ang nga tao. Maging ang bagong kasal ay hindi mahagip ng aking mga mata. Ang ibang pagkain ay nililigpit na rin. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng lugar. Nakita ko si Aina at Jude, kasama nila si Ellie. Hinapit ko ang baywang ng aking asawa habang papalapit kami sa kanila. "Mama!" turo ni Ellie sa ina nang makita niya kami. Nilapitan agad siya ni Scarlett at kinuha kay Aina. Nagkatinginan naman kami ni Jude. Ngumisi agad ako sa kanya. "Ayos na kayo, ah?" he tapped my shoulder. "Oo," tango ko. "Ayos na ayos na kami." Lumapit ako sa aking mag ina. Hinalikan ko ang pisngi ni Ellie. Humagikgik siya nang maramdaman ang aking halik. "Kumain kana," sabi ko kay Scarlett. "I'm not hungry," tiningnan niya ng mabilis ang aking labi bago tingnan ang aking mga mata. "Busog pa ako." I bit my lower lip to suppress my playful smile. Binalik ko ang hawak sa kanyang baywang. Marahan ang haplos na ginagawa ko. Tumikhim si Aina at Jude sa harap naming mag asawa. Napatingin kami sa kanila. Ang mga mata ni Jude ay nakadirekta sa akin. Mukhang pinipigilan niya ang kanyang pagtawa. "Medyo natagalan kayo, ah…" puna ni Aina. "Uhh… nag usap pa kasi kami ng asawa ko," sagot ko. "Nag usap, huh?" tukso ni Jude. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Tiningnan ko ang aking asawa. "Tara kain muna tayo," aya ko sa kanya para maiwasan namin ang pang aasar ng dalawa. "Akala ko tapos na kayong kumain," makahulugang sabi ni Jude. Tumawa naman si Aina sa kanyang sinabi. "Tss…" hinila ko na ang mag ina ko palayo sa kanila. Nakita ko si Macy at Wayne, kasama ang kanilang anak. Nakisama kami sa mesa nila. "Oh! Kumain na kayo," ani Wayne. "Oo, sige…" tango ko. "Nasaan sina Carlos?" "Ewan," nagkibit balikat siya. "Si Wendy naman magpapahinga na 'raw. Alam mo naman malaki na ang tiyan." Tumango kami. "Iwan muna namin sa inyo si Ellie," sambit ni Scarlett. "Kukuha lang kami ng pagkain ng asawa ko." "Aba… mukhang ayos na kayo, ah?" nakangiting tanong ni Macy. "Oo," sagot ng asawa ko. Inabot niya kay Macy ang aming anak. Agad naman nilapitan ng kanilang anak si Ellie. Hinawakan niya ang kamay nito. Kami na lang ang kumukuha ng pagkain ni Scarlett. Busy na ang iba sa kanilang mga mesa. Kanina pa natapos ang programme. Hanggang ngayon rin ay hindi ko pa rin mahanap ang bagong kasal. "Akala ko ba busog ka?" bulong ko sa asawa ko nang makita kong puno ng pagkain ang kanyang plato. Nakasimangot siya nang tumingin sa akin. "Napagod kaya ako." Tumawa ako. "Alam ko. Nagbibiro lang ako," marahan kong pinisil ang kanyang ilong. "Sorry kung pinagod kita." Umirap siya at bumalik na sa mesa kasama sila Macy. Nakakunot na naman ang noo niya nang umupo ako sa kanyang tabi. Mukhang napansin iyon ni Macy. "Oh, napano na naman kayo?" "Wala," umiling si Scarlett. Sinamaan niya ako ng tingin bigla. "Kainis…" bulong niya. "Sorry," hindi ko muna ginalaw ang aking pagkain. Si Scarlett naman ay nag umpisa nang kumain. Nakatingin lang sa amin si Macy at Wayne. "Ba't ka nagso-sorry?" lumamig ang tingin niya sa akin. "Baka napikon kita. Sorry… nagbibiro lang ako." Hindi niya ako pinansin. Nilingon niya si Macy na mukhang nagtataka sa panibagong tampuhan naming mag asawa. "Bakit ganito naman ang pagkain na napili nila Gabriel. Hindi masarap…" Naiinis na sabi sa kanya ng asawa ko. Nagkatinginan kami ni Wayne. Ngumisi siya sa akin ngunit hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating. Nagkatinginan sila ni Macy at makahulugan na tumawa. "Napano kayo?" iritadong tanong ni Scarlett sa kanila. Hinarap siya ni Macy. Nagpipigil siya ng tawa. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi bago magsalita. "Scarlett, pwede mo ba akong samahan sa CR sandali?" "Huh?" nagtatakang tanong niya. "Kumakain ako." "Mabilis lang tayo." "Uhm…" mas lalo siyang nagtaka. Maging ako ay nagtataka na rin. Anong meron? "Tara," ani Macy. Magsasalita pa sana ako para tanungin kung anong iniisip ni Macy, ngunit marahan na niyang hinila palayo ang asawa ko. "Anong nangyari dun?" tanong ko kay Wayne. Tumawa siya. Binaling niya ang atensyon niya sa mga anak naming naglalaro. "Wala ka bang napapansin? O kaya naman… hindi ka ba nagtataka kung bakit mabilis mairita si Scarlett sayo?" "Huh?" hmiling ako. "Hindi kita maintindihan." "Hay naku! Ewan ko sa inyong mag asawa," tawa niya. "Hindi ba’t Nurse ka? Dapat alam mo…" Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Hindi ko siya maintindihan. Inabangan ko na lang ang pagbalik ni Scarlett at Macy. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakita ko na ulit silang papalapit sa amin. Inayos ko ang aking upo. Nagkatinginan kami ni Scarlett. Malambot na ang ekspresyon niya ngayon. Hindi na katulad ng kanina na mukhang naiinis. "Let's celebrate!" masayang sabi ni Macy habang umuupo sa tabi ng asawa. "Ha? Ano?" palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at kay Scarlett. "Anong sinasabi mo?" "Timothy…" Sambit ng asawa ko. "Nasabi ko na ba sayo na halos dalawang buwan na akong hindi nagpi-pills?" "Hindi," iling ko. "Wala kang sinasabi sa akin." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. "Dalawang linggo na rin akong delayed…" Bumilis ang t***k ng dibdib ko. Mukhang may ideya na ako sa nais niyang sabihin. "You mean…" napalunok ako. Hinahanap ang tamang salita na sasabihin. "You're… pregnant?" Ngumiti siya. Bumaba ang tingin niya sa anak namin. "Magiging ate na si Ellie." Pinakita niya sa akin ang dala niyang pregnancy kit result. Malinaw na malinang ang dalawang linya mula rito. "Buntis ulit ako, Timothy," ang lambing sa kanyang boses ay tila mainit na yakap sa aking pagkatao. Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang mainit na luha mula sa aking mga mata. May mga sinasabi pa si Macy at Wayne ngunit hindi ko na maintindihan pa ang mga iyon. Ang tanging alam ko lang ay buntis si Scarlett. Buntis ulit ang asawa ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD