"BAKIT wala pa rin si Regine? Bakit hindi pa rin siya nagpapakita rito? Hindi ba't pinsan mo siya?" Napahinto si Elaine sa kanyang pagtutupi ng mga pinagbihisan ni Enzo. "Bakit sa akin mo siya hinahanap? Hindi naman ako ang tagapagtago ni Regine," naiinis na sagot niya. "I'm asking you nicely. Bakit ganyan ka sumagot?" Tumgil si Elaine sa kanyang ginagawa. Tatlong araw na magmula nang magising si Enzo. Tatlong araw na rin siyang nagpapanggap na okay lang ang lahat, na okay lang na hindi siya maalala ng asawa niya. Pero hindi okay iyong hahanapin sa kanya ang ex nito. "I'm sorry. Pero hindi ko alam kung nasaan si Regine. Girlfriend mo siya kaya dapat ikaw ang nakakaalam kung nasaan siya." Halos bumaligtad ang sikmura ni Elaine sa huli niyang sinabi. Ayaw niyang alalahanin ang nakaraa

