Calvin's POV
September 23, 2020
Time: 2:00
"So dito ka pala naninirahan dati, Mister Vaxio" ani nya habang tinitignan ang maliit kong apartment. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinatuloy ko siya sa apartment ko.
"Wag mona akong tawaging Mister Vaxio, Calvin nalang" ani ko.
"P-pero..."
"Wag kang mag pero, pangalan ko ang tinatawag mo at desisyon kong tawagin mo akong Calvin" saad ko, napalunon nalang siya at tumungo.
"Akin pong naiintindihan, Calvin" simple nyang saad at umupo sa aking kama, Lumingon ako sa likod para gawan siya ng maiinom. Paglingon ko ulit sakanya ay nagpatalbog-talbog na siya sa aking kama, I sighed.
"Hoy! Wag kang magpatalbog-talbog dyan! Masisira mo kama ko!" sigaw ko kaya agad siyang tumigil sa ginagawa niya.
"So, bakit ka andito?" tanong ko ng ibaba ko sa lamesa ang dalawang tasa na may lamang kape.
Kinuha niya ang tasa at sumipsip mula dito, "Hindi mo man ako paniniwalaan pero ang totoo'y....mula ako sa hinaharap ng mundong ginagalawan mo ngayon, isang madilim na hinaharap..." ani niya at kinuyom ang hawakan ng tasa.
"You clenched your fist...anong nangyari sa kinakaharap ng 2090?" tanong ko.
"Simula noong 2021, naging visible na ang mga kamalasan at pagkamatay sa mundo dahil sa isang infectious na virus mula sa isang bansa...Pero bago iyon ay may darating sanang 'time traveler' dito sa November 15 2020" kumunot ang aking noo sa sinasabi niya, may mangyayari sa November this year? Tsaka, isa pang time traveler?
"Ano namang kinalaman ng isa pang 'time traveler' tungkol sa mga nangyayari sa 2020?" tanong ko habang gumagawa ng kapeng iinumin ko.
"Masyadong komplikado ang mga sasabihin ko, para sa iyo....."
"Just tell me about it....Kaya kong pakinggan ang mga sasabihin mo" saad ko at sumipsip sa aking kape, since when did I act like this to someone?
"Sisimulan ko ang storya mula sa pinaka simula-" nagpokus na ako nung sinabi niya iyon. Biglang pumasok sa isip ko na kapag nalaman ko ang daloy ng hinaharap ay baka makaapekto ito sa hinaharap ng buong mundo.
Binagsak ko ang inuminan ko sa lamesa na ikinagulat ni Nicholas, "Teka lang, hindi ko ba mababago ang buong mundo kapag nalaman ko ang mangyayari sa hinaharap ng mundo?" tanong ko at napangiti lang siya.
"Sa pagkakakilala ko sa iyo Calvin ay isa syang tamad na tao na puro games at anime lamang ang inaatupag at walang pakeelam sa buong mundo" para namang tinusok ako doon ng katotohanan, at totoo naman ito.
"T-tama ka naman..."
"Pero-" napatingin ako sakanya.
"-ikaw rin yung kumupkop sakin kahit na ganyan ang nananalantay na ugali mo..." ani niya. Ako ang nagalaga sa kanya?
"Anyways, tungkol sa hinaharap-" sabi niya at nakinig na ako ng mabuti.
"Ito ay tungkol sa isa pang 'time traveler' na sinabi ko sa iyo, ayon sakanya ang mga sasabihin ko sa iyo. Sa taong 2021, magkakaroon ng isang nakakahawa at nakakamatay na virus..." at humigop ulit siya sa kape.
"At oo nga, pagkatapos ng matinding virus na iyon, maraming namatay at unti-unting bumaba ang ekonomiya ng bawat bansa pero isang bansa lang ang hindi bumagsak...After 30 years noong mangyari ang virus, na-under na ng bansang iyon ang buong mundo, as in buong mundo. At nalaman ng kaibigan mong scientist na-"
"Ha?...May naging kaibigan akong scientist? Sino naman?" tanong ko, I'm shocked na nagkaroon ako ng kaibigan in the future. Did somebody really accept me that easily?
"Oo, pangalan niya ay....On a second thought, hindi na pala" napatingin siya sa kabila niya habang napakuyom nalang ako ng kamao, this girl is really testing my anger. Pero hindi ko ito mapakita sa aking mukha.
"Back to the topic, nalaman ng scientist mong kaibigan na makakagawa kayo ng time machine sa pagsasamantala sa advance technologies, at after 25 years of researching, ikaw Calvin, ang nakahanap ng solusyon para makabalik ang sino man sa kahapon" Nagulat ako sa sinabi niya, ako? Nakacreate ng isang time machine? That's so cool but it's impossible to make!
"Pero kahit na gaano ka-advance ang mga kagamitan sa kasalukuyan, hindi ito kayang mare-rewrite ang theory of relativity ni Einstein!" wika ko sakanya habang diko namalayan na ako'y napatayo saking upuan.
"Eh paano mo maeexplain na andito ako sayong harapan ngayon? At sinasabi ko sa iyo ang mga ginawa mo? Ang theory of relativity ay isang theory pa lamang, hindi pa ito napapatunayan," at tinitigan niya ako ng diretso
"Well..." hindi ako makasagot, how is it even possible? Ganon ba naging advance ang mundo for the past 8 decades?
"Ah! Oo nga pala, alam mo ba ang ibig sabihin ng Type 1 Civilization?" napatingin ako sakanya at umiling.
"Sa kasagsagan ng panananakop ng isang bansa, na sinabi ko sa iyo kanina. May malaki pala silang plano para sa buong mundo at iyon ang kontrolin ang lahat ng enerhiya ng buong mundo para magamit nila ito sa iba't ibang....proyektong kanilang gusto!"
"Kontrolin ang lahat ng enerhiya?" pagulat kong tanong.
"Tama, hindi nalang elektrisidad, langis at coal ang nakakapagbigay ng enerhiya sa hinaharap. May enerhiya narin mula sa diyamante at tubig-alat. Ang galing diba?" napatunganga nalang ako sa sinabi niya, so that's how far humanity can go.
"At dahil dito sa pagtangkang maging Type 1 Civilization ang mundo sa maigsing oras ay nakatapos ito ng buhay sa halos kalahati ng sangkatauhan. At ikaw-" bigla niya akong itinuro.
"Ikaw ang nagaral ng ilang dekada para lamang mabalugtot ang theory ni Einstein about sa space-time. At pinagsamantalahan mo ang kakayahang kumontrol ng enerhiya ng mundo para makamit ang ginawa mong time machine..." ani niya.
"Pero anong kinalaman ng mga ito sa isa pang 'time traveler' na sinabi mo?" tanong ko, nagtatanong parin ako kahit magulo ang utak ko sa mga bagong impormasyong sinasaksak niya sa akin.
"Ang Calvin sa hinaharap at ako ay pumunta sa konklusyon na yung time traveler na iyon ang may pakana ng lahat, kaya kokomprontahin ko siya.
At yung time machine na ginawa mo na tinutukoy ko ay yung nakita mong binuklat ko kanina sa garahe," paliwanag niya, at humigop sa kapeng kanina niya pang hawak-hawak.
"T-teka, puro wires at bottons naman ang nandoon eh! Wala namang helmet, upuan at...kung ano pang...."
"Sinasaksak ko kasi ito sa katawan ko"
Napahinto naman ako dito at tumingin sakanya, "Sinaksak?...Teka ano kaba talaga?" tumayo naman siya at inalis yung lumang itsurang hoodie niya. At unti-unti na siyang naghubad sa harap ko na kinakaba ko.
"H-hoy! Teka lang bat ka biglang mag-" napatunganga ako nung nakita kong may saksakan sa gilid ng kanyang headband at inalis niya ito. Nasilayan ko rin ang bakal na kanang kamay at binti niya na may saksakan. Eto naba yung itsura ng prosthetics sa future?
"Dahil....ako'y isang half-cyborg na tinulungan mo....Calvin. At ang tawag dito sa prosthetics na ito ay ATP08 na ikaw mismo ang gumawa." mahina niyang saad, at hindi ko naman malaman ang gusto kong sabihin. Totoo ba talaga ang mga ito?
"Bakit nga pala ako ang napili mong sumama sayo? Oo marami akong nagawa sa future pero isa lang akong ordinaryong lalaking estudyante na may sakit at walang kayang isalba ang mundo dito sa timeline nato" wika ko at nakita kong napabuntong hininga siya.
"Mula sa hinaharap, sinabi mo sa akin na: 'Kung may nagawa lang sana ako mula sa kahapon, hindi mangyayari ito'- " bigla niyang tinampal ang magkabilang likod ng aking kamay, hinawakan niya ito ng mahigpit at tumingin sa mga mata ko na tumagos sa aking kaluluwa.
"-Kaya pinabalik niya ako sa nakaraan para kumbinsihin ka na ibahin ang magiging pagbagsak ng mundong ito!" sigaw niya sa harapan ko.
"Kaya...maaari mo ba akong tulungan para tuparin ang hiling ng hinaharap mong sarili? At alamin ang totoo kung paano naging ganon ang naging kasalukuyan?" lalo siyang dumikit sa aking mukha at nakabaluktot na ang aking likod on this point.
Tumahimik ang paligid at bumuntong hininga lamang ako, umatras siya mula sa pagkakadikit sa akin at nakayuko. "Bakit nga pala kita ipipilit....pa-"
"Sasama ako" tumingala siya sa akin at napakamot nalang ako ng ulo at napatingin sa ibang direksyon.
"Ayokong magsisi sa hinaharap kaya sasama ako sa iyo. Kung kilala mo ako edi alam mong ito ang isasagot ko diba?" ani ko. Nagtaka naman ako nung bigla siyang tumawa.
"Sa katapatan, hindi ko inaasam na sasama ka sa akin" ani niya, anong ginawa ko sa buhay ko? Una pinapasok ko itong misteryosong babaeng ito sa apartment ko at pangalawa ay tumanggap akong sumama sa pagligtas sa buong mundo. What have I done to my normal peaceful life?........