CHAPTER 3

1518 Words
Calvin's POV September 24, 2020 Time: 6:00 Minulat ko ang aking mata at tumingin sa baba ng aking kama, at hindi ko nakita si Nicholas. Baka napaparanoid lang ako kahapon... Then, I smelled a great aroma coming from the kitchen of my apartment. And who could that be? Sinilip ko ang kusina at nakitang nakabukas ang ilaw, somebody IS there, dumungaw ako sa loob at nakita si Nicholas na naka-apron at nagluluto ng....menudo ba yung amoy nayun? "Ah! Gising kana pala Calvin" ani niya at tumingin sakin habang nilalagay ang ulam sa dalawang plato. "Marunong ka palang magluto?" una kong tanong habang kinukusot ang aking mga mata at umupo sa lamesa. "Sa kinakaharap, ako ang dating nagluluto para sa iyo" saad niya ng may ngiti sa akin, she must've love doing this. Tinikman ko ito at sinabing, "Ang sarap" comment ko. "Sabi sainyo eh" ani niya habang nakatitig lamang sa akin. "Oo nga pala, saan mo kinuha yung pera na pinambili mo dito?" "Mula sa bulsa nung...pantalon ninyo!" muntikan na akong mabulunan dahil dito, tinignan ko siya at kinabog ang lamesa. "Magkano yung kinuha mo?" "U-uhm...isang 100 tapos isang 50..." mahina niyang saad at napahilot nalang ako sa aking sentido. So 50 nalang ang natira sa bulsa ko, this is gonna be hard I see. "Makinig ka, wag kang kukuha ng pera ng walang permission ko. Or kaya pwede ka ring humanap ng part-time job" "Part-time...job?" "Oo, trabaho para may makuha kang pera kahit sa kalahating araw lang marami ka namang mahahanap na part-time job dito kasi maraming establishments dito...." nakatitig lang siya sa akin at tumayo. "Maliligo na po ba kayo? Para matulungan kona kayo" "Ha?" "Maliligo na po ba kayo? Baka matulungan ko kayo sa pagliligo" napanganga nalang ako sa kanyang sinabi, but I shaked it off. "H-hindi na kailangan. Nicholas kung tinuturi mo akong tulad sa hinaharap kong sarili, wag na. I can handle myself" ani ko at lumakad papunta sa banyo. I need to cool off my head. . . "Saan po kayo pupunta at bat nakaayos kayo?" tanong sa akin ni Nicholas, naka black hoodie ako at naka jeans mukha bang aalis ako neto? "Papunta ako sa eskuwelahan, dito kalang habang wala ako." utos ko at sinuot ang aking sapatos. "Eskuwelahan?" patanong na saad ni Nicholas. "Dimo alam yung eskuwelahan? Yung pinagaaralan ng mga bata para matuto ng bagay-bagay?" umiling naman siya sa sinabi ko, so sa hinaharap wala nang eskuwelahan? Nakakaawa naman. "Ah basta, dito kalang ha. Hintayin moko sa paguwi at wag kang maggalaw ng kung ano ano dito, okay?" saad ko at tumungo naman siya. "P-pero-" "Walang pero-pero, dito kalang at ako ang masusunod sa apartment na ito" Binuksan ko ang pinto papaalis sa apartment ko at nakatitig parin sa akin si Nicholas na blanko ang mukha. Napakamot ako sa ulo at tumingin sakanya, "At tsaka habang wala ako, pwede karing maglinis-linis sa buong paligid....At pwede ka naring magluto ng magiging hapunan natin mamaya" ani ko sakanya, maybe I'm asking a little too much. "Masusunod po Calvin!" ani niya ng may ngiti sa mukha, siguro parang personal maid ko siya sa hinaharap kaya gustong gusto niyang maglinis. "At tsaka wag kanang maging formal o lagyan ng 'po' yung mga salita mo kapag kinakausap mo ako" ani ko at tumungo naman siya. "Sige, aalis na ako" ani ko at sinarado ang pintuan sa likuran ko. Sana maging okay lang yung apartment ko 'pag balik ko ulit dito. ani ko sa aking isip. . . May nagbago nga sa aking buhay simula kahapon, pero parehas pa rin ang asta sa akin ng mga kaklase at ibang estudyante sa eskuwelahan. Ewan koba kung bakit pero pinagdidirian talaga nila ako. And as usual pinanggaganahan ako tuwing nakikita ko si Nadja, she really is beautiful. . . Noong pagpasok ko sa klase namin ay marami sa mga kaklase ko ang wala, not that I care about them pero bakit naman ganon? "Okay class sit down" biglang pasok ng aming teacher at nagsiupuan na kaming lahat. "Kung napansin niyo na kaunti ang mga pumasok na iyon, dahil yun sa nangyari kahapon. Maraming nagmahika at nagkaubo at yung iba ay nagkaroon ng panic attack at ang ibang nanay naman ay masyadong na-paranoid kaya hindi pinapasok ang kanilang anak" saad ni teacher sa amin. Now I know the reason. "So sa mga batang nakapasok ngayong araw, kamusta kayo?" "Okay lang po ma'am" sabi ng ibang kaklase ko. Kung sila okay lang pagkatapos ng kahapon, yung buhay ko naman biglang humalang dahil sa isang babae. Wish this could be over soon, pero ang hirap paniwalain ng buong mundo sa isang pangyayaring magaganap aa hinaharap. Lalo na't maraming taong ignorante, masyadong paranoid at walang logic kapag mangaaway....Paano niya kaya gagawin ang napakahirap na misyon... Iniisip ko ito habang nakatingin sa labas ng bintana at kung anong madrawing ng kamay ko sa aking papel. Ayokong makinig sa lesson kasi alam kong sobrang boring nanaman ang pagsasalita ni ma'am. . . Natapos ang klase ng wala nanaman akong natututunan dahil nakatingin lamang ako sa bintana. Pero nakakadaos naman ako sa mga exam namin dahil mabilis lang ako magkabisa, mga isang araw marereview kona ang lahat ng lessons sa lahat ng subject. Pero bago ako umalis sa eskuwelahan pumunta muna ako sa head master ng mga English Teacher sa faculty room. "U-uhm...Miss Pascual andyan po ba kayo...?" tanong ko habang nakadungaw sa labas ng pinto ng faculty. *PUK!* "Hoy!" Napatalon ako sa aking kinatatayuan nung may biglang kumalabit at nagsalita sa likuran ko at nakita kong si Miss Pascual lang pala ito. "Yo! Musta na Calvin?" ani niya habang nakangiti sa akin. I sighed, Miss Pascual is like a childish Master Teacher in our school. Marami siyang estudyanteng nakakasabay sa mga konting kalokohan kahit na nasa early 30s na siya. "Miss Pascual, wag naman po kayong manakot ng ganyan" ani ko, at natawa naman siya. "Oh c'mon Calvin, it's gonna be Halloween anyways. Don't be such a kill joy" she said with a smile on her face. "I'm not being a kill joy, Miss Pascual, I just don't like events such as Halloween...." I answered with a straight face. "Oh my Calvin, you're grammar and tone when talking english is so beautiful-" "Uh...thanks?" "So what brought you here?" tanong niya at pinapasok ako sa faculty. "Gusto kolang pong kuhain ung 1000 pesos kong allowance..." "Ah, ilang kwarto ang nalinis mo this week?" "20" "Oh my! Napakasipag mo talaga, pero bakit ang aga mong kuhain yung allowance mo? Diba usually sa 25 mo ito kukuhain?" tanong niya sa akin habang inaabot ang dalawang libo. "Well, someone has been getting my money without my proper permission...." I said lazily. "May nagnanakaw ba sa iyo? Or may nambubully?!" "Hindi po, it's....a certain someone I just met" "Oh my~ girlfriend moba?" napatingin nalang ako kay Miss Pascual at napailing. "I don't want to have a girlfriend, I hate commitments....Goodbye Miss Pascual" ani ko at dali-daling lumabas aa faculty at umalis na sa eskuwela. Naalala ko na naiwan ko pala si Nicholas sa bahay at baka kung anong mangyari paguwi ko. . . Nagmamadali akong maglakad at dali-daling kinuha ang susi sa pinto at binuksan na ito. Nanlaki ang mata ko nung makitang halos kumintab na sa linis ang hallway sa aking apartment. Naglakad ako at nakita si Nicholas sa kusina na nagbubuhos ng tubig sa baso. "Ah! Andito ka na pala Calvin! Halika kumain na tayo" saad niya habang nakangiti. Sineryoso niya siguro yung paglilinis at paghahanda ng pagkain para sa akin. Hindi ako sumagot at umupo na lamang sa upuan at kumain. "Hmm...Parang bagong luto lang siya... Saan mo natutunan to?" tanong ko. "Yung hinaharap na sarili mo ang nagturo sa akin nito, pero....tanga-tanga kang magluto kaya ako nalang ang nagimprove sa sarili ko" ani niya at napatahimik ako. "Ganun kaba kaloyal sa Calvin ng hinaharap?" tanong ko ulit at tumungo siya habang nakangiti. "Syempre gagawin ko ang lahat, siya ang nagsalba sa akin at siya pa ang nagbigay sa akin ng braso at binti para makaraos sa buhay....mahirap ang buhay ng ibang pinoy sa hinaharap pero tinulungan parin niya ako..." ani niya at ngumiti na hanggang tainga. "A-ah! Pasensya na kung masyado akong madrama-" "Kahit na...hindi ako ang nagsalba sa iyo, parang nadama ko na ang sarili ko talaga ang nagligtas sayo....At parang nasiyahan ako dito ng kaunti..." ani ko at napatingin sakanya ng may blankong ekspresyon. "Kung masaya ka nga, bakit ayaw mong ngumiti?" tanong niya at kinapa ko ang aking mukha. "Hindi ko kayang magpakita ng ekspresyon dahil may sakit akong Alexithymia" ani ko at napatingin sa ibang direksyon. Tumayo naman siya mula sa kabilang side ng lamesa at tinutigan ako habang ang mukha niya at sobrang lapit sa akin. "A-anong ginagawa mo...?" "Hindi ko alam na may ganyan ka palang sakit, pero gusto kong makitang ngumiti ka kaya balang araw mapapangiti kita. Hintayin molang!" pasigaw niyang saad at napabuntong hininga lamang ako. Nicholas....you really are a strange girl.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD