Chapter 30

1324 Words
Tumayo ang lalaki at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa akin. Ngumiti pa siya nang nasa harapan ko na ito. "Ikaw si Nena, right?" tanong sa akin ng lalaking naaalala kong kaibigan nina Seb at Kobie. "Ako nga po..." tipid kong sagot naman. "Bakit nandito ka?" tanong pa sa akin nito. "Lumipat na po kasi ako ng ibang trabaho," tugon ko sa tanong niya. Tumango-tango ito saka inilagay ang kaniyang kamay sa ilalim ng baba niya. "Oh, by the way, my name is Jerome, Kobie's and Seb's friend. Alam ba nilang dito ka na nagwo-work? Sa pagkakaalala ko kasi ay parang pupuntahan ka ni Kobie ngayon sa work," makahulugang pahayag pa nito. Iniling-iling ko ang ulo saka sumagot. "Hindi! Pakiusap, huwag mong sabihin sa kanila." Maang na napatitig sa akin si Jerome. "Kobie?" Napatingin kami pareho ni Jerome kay Dahlia nang magsalita ito. "Hmm... Boyfriend mo?" "Naku, hindi!" Agad kong tanggi at namumula ang mga pisnging iniyuko ko ang ulo upang itago ang hiya sa kanila lalo na kay Jerome Baka mam'ya biglang sabihin nito kay Kobie ang mga sagot ko kaya mainam na ang maingat. "Kaibigan ko lang si Kobie!" patuloy kong turan kay Dahlia. "Sana all, kaibigan!" sagot ni Dahlia at pinaikot pa ang kaniyang mga mata. Alanganing ngiti ang sumilay sa aking labi. Bigla tuloy akong nailang kay Jerome na patuloy lang nakamasid sa akin. "Maiwan ka muna namin ha," paalam ko kay Jerome na 'di ko na hinintay pang makasagot dahil hinila ko na si Dahlia palayo sa lalaki. "Ba't parang iniiwasan mo iyong tao?" tanong sa akin ni Dahlia habang kami'y naglalakad. "Iniiwasan ko talaga at baka malaman pa ng mga kaibigan niya na nandito ako, mahirap na!" sagot ko naman sa kaniya. "Sa palagay mo ba maiiwasan mo pa ang mga iyon. Sa itsura pa lang ng lalaking kausap mo mukhang may kaya na sa buhay at nabibilang sa mga mayayamang angkan. Malabong hindi makarating ang mga kaibigan 'nun dito," naiiling na litanya sa akin ni Dahlia. Napabuntonghininga naman ako sa sinabi nito. Imposible ngang hindi makarating ang mga iyon dito. "Hayaan na natin sila. Turuan mo na lang ako ng iba pang gagawin ko," nakangiting saad ko sa kaniya. Sa paglipas ng ilang oras ay naging abala na kami ni Dahlia sa mga dapat kong matutunan. Pinagmatyag niya ako sa mga ginagawa nila at talaga namang napapailing ako. Umupo si Dahlia sa tabi ng matandang customer at nakipag-usap siya rito kasabay nang paglagok ng inuming iniabot sa kaniya. Napapanganga ako sa ginagawang paghaplos ni Dahlia sa matanda at talagang napapalunok laway akong pagmasdan sila. Hindi ko alam kung ano ang ibinulong ni Dahlia sa matanda, dahilan para humagikhik ang huli. Naglabas ang matanda ng pera mula sa loob ng kaniyang pitaka saka hinalikan pa muna nito sa pisngi si Dahlia bago iniabot ang pera. Pakiramdam ko'y kinilabutan ako sa paghalik na iyon ng matanda sa pisngi ni Dahlia. Kinuha ko ang shot glass mula sa tray na hawak nang dumaan na waiter saka inisang lagok ko iyon. "Hey, ba't ka umiinom ng alak mag-isa?" Napaangat ang mga mata ko sa mukha ng taong nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kobie na nakatayo sa aking harapan. "A-anong ginagawa mo rito?" kandasamid kong tanong sa kaniya. "Jerome, called me. Lumipat ka na pala ng work, ba't 'di mo man lang ako sinabihan?" nakalabing tanong pa sa akin nito. "Ha? Wala naman akong cellphone," sagot ko naman dito. Malakas na humalakhak ito kung kaya't nagtinginan sa amin ang mga taong naroon. "Hoy!" Tinampal ko ito sa kaniyang kamay saka hinila ko palapit sa akin. "Bakit?" maang niyang tanong sa akin. "Nakakahiya, pinagtitinginan tayo ng mga tao," turan ko pa sa kaniya. "Hayaan mo sila," natatawang tugon nito saka umupo siya sa aking tabi. "Bakit ka nga ba umalis sa club?" kapagkuwa'y tanong sa akin nito. Naalala ko bigla ang ginawa ni Seb kung kaya napasimangot ako. "Huwag mo nang alamin. Isa pa, mas malaki ang sahod dito kumpara ro'n," tugon ko naman sa kaniya. "Kunsabagay, mas malaki ang bayad dito at secured ka," makahulugang wika nito. "Siguro suki ka rin dito, no?!" may katarayan kong tanong sa kaniya. "Of course not! Mula nang makita kita sa club mas gusto ko nang doon tumatambay madalas," ani pa nito sa akin. Nailang ako bigla sa matamang pagtitig niya sa akin kung kaya iniiwas ko ang paningin sa kaniya. Napadako naman ang mga mata ko sa gawi ni Dahlia na kasalukuyang titig na titig na pala sa aming dalawa ni Kobie. Alanganing ngiti ang iginawad ko rito saka napakamot ako sa ulo dahil sa naalala kong tinuturuan nga pala ako nito. "Nena..." Napalingon ako kay Kobie at nagtatanong ang mga matang napatingin sa kaniya. Tahimik lang itong nakatitig sa akin na tila may gustong sabihin na hindi niya masabi-sabi. "May problema ka ba?" tanong ko kay Kobie. Umiling-iling ito saka ngumiti sa akin. "Nakalipat ka na ba?" Nginitian ko ito bago sinagot. "Oo! Mag-iisang linggo na rin." "Kaya pala..." tugon naman nito. "Hi!" sabay kaming napatingin ni Kobie kay Dahlia na ngayo'y nakatayo na sa aming harapan. "Tapos ka na?" nakangiting tanong ko sa dalaga. "Oo!" Sumenyas ito sa waiter na agad namang lumapit sa kaniya. Inabot ng waiter ang shot glass kay Dahlia at agad naman iyong tinungga ng babae. "Ang gwapo ng kasama mo." Titig na titig si Dahlia kay Kobie partikular sa maumbok na harapan ng lalaki. Bigla akong nailang sa paraan nang pagkakatitig ni Dahlia kay Kobie at pakiramdam ko'y nahihiya ako sa kaniyang ginagawa. "May iba pa ba akong dapat gawin, Dahlia?" Agaw pansin ko sa dalaga. Ngumiti sa akin si Dahlia saka umupo ito sa gitna namin ni Kobie. "Uminom tayo, Nena!" turan sa akin nito. "Pero, wala akong ibabayad para sa mga alak na iinumin natin," tutol ko sa sinabi nito. "Siya ang magbabayad!" Sabay turo ni Dahlia kay Kobie. Napangiwi naman ako sa sinabi nito saka napatingin sa mukha ni Kobie na walang anumang ekspresyon. "Um-order ka na ng gusto mong inumin at ako na'ng magbabayad sa lahat, pero huwag mo nang isali pa si Nena sa pag-inom," malamig na saad ni Kobie. "Sure!" nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Dahlia. Hindi ko alam kung dahil nasobrahan na ng alak kung kaya parang biglang naging madaldal si Dahlia sa aking paningin. Panay ang tanong ni Dahlia ng kung anu-ano kay Kobie na 'di naman pinapansin ng huli dahil abala si Kobie sa pagtitig sa aking mukha. Maya-maya'y tumayo si Kobie mula sa pagkakaupo nito sa may stool bar saka lumapit siya sa akin. "Let's go, Nena!" aya niya sa 'kin. "S-saan tayo pupunta?" maang kong tanong sa binata. "Iuuwi na kita! Hindi magandang manatili ka pa rito. Baka mahawaan ka pa ng babaeng iyan," naiiling na wika ni Kobie. "Grabe ka naman sa kaniya," sagot ko naman sa binata. "I'm serious!" seryosong saad nito saka taimtim na tumingin sa akin. "Hindi pa ako pwedeng umuwi. Baka magalit sa akin si Mama LJ. Bago pa lang ako rito tapos hindi na agad ako susunod sa patakaran nila?!" dahilan ko pa sa binata. "Pwede ka nang umuwi, Nena." Napalingon ako sa nagsalita. "Mama LJ..." Yumukod ako bilang paggalang sa aming manager na nalaman ko mula kay Dahlia na siya pala ang mismong may-ari ng Seductress Club. "Pwede ka nang sumama sa kaniya Nena, dahil ipinagpaalam ka na ni Kobie sa 'kin," patuloy na sabi ni Mama LJ. "Pa'no naman ako, Mamang?" sabad naman ni Dahlia. "Bakit ikaw ba si Nena?" nakataas ang kilay na tanong ni Mama LJ kay Dahlia. "Ba 'yan!" pamaktol na turan ni Dahlia. Humapit ang braso nito sa aking baywang saka mahinang pumisil ang kaniyang daliri roon. "Let's go!" bulong pa sa akin ni Kobie. Kinilabutan ako sa ginawa nito at tila nagtayuan lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Napasunod na lamang ako sa paghakbang ni Kobie nang marahang hinila na niya ako palabas ng Seductress Club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD