Hinatid sila ni JC at Dexter sa kanilang condo unit kinagabihan. Nag dinner na muna sila bago sila umalis. Hindi pinaalam ni Rhav na ni-reject na niya si Dexter dahil ayaw niyang masabon ng mga ito. Kahit anong gawin ni Dexter ay alam niyang hindi niya ito magugustuhan. Dahil may nagmamay-ari na sa kanyang puso. Matagal na siyang nagmamahal ng patago.
Hindi na umakyat ang dalawa sa kanilang unit para makapag-pahinga sila. Nagkatinginan sila sa elevator at sabay pa na napabuntong hininga.
“Grabe sina Mommy at Daddy, talagang buong araw nila pina-stay ang dalawa!” si Nica. “Naubusan ako ng lakas.”
“Kaya nga e. Sabi ng may naaamoy ako na kakaiba,” tumingin sa paa nito. “I am sorry talaga kanina. Okay na ba ang mga paa mo? Hindi na ba masakit?” nag aalalang tanong niya. Nakikita niya kaagad ang pasa nito, naka strap lang kasi ang sandals nito kaya kitang kita ang daliri nito sa paa.
Ngumiti ito sa kanya at hinawi pa ang buhok sa kanyang mukha. “I am fine, bes. Don’t worry!”
Nagbaling siya ng tingin dahil andoon na naman ang kakaibang kabog ng kanyang dibdib. Pagbukas ng elevator ay nagpatiuna na siyang lumabas para siya ang magbukas ng kanilang pinto.
“Nagbago ang tingin ko kay Dexter. Mukhang okay naman pala siya.”
Napatigil sa pagsusi si Rhav sa pintoan. Ilang segundo din siyang nakatayo lang doon.
“Mukhang okay din naman si JC. Nakikita kong seryoso naman siya sayo. He’s nice.”
Totoong sabi niya dito. Kahit mahal niya ito, hindi naman siya maninira ng iba para lang ayawan ni Nica.
“Yes. Pero naiilang ako, ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa office pag nalaman nilang may something ako sa anak ng boss?”
Itinuloy na niya ang pagbukas ng pinto. “Bakit mo naman kailangan pang isipin ang sasabihin nila? Kung masaya ka naman sa magiging decision mo? Don’t mind them, sarili mo ang isipin mo.”
“Okay lang sayo? Approve na sayo si JC? Shall I go date with him?”
Parang may tumarak na ano mang bagay sa puso ni Rhav kaya hindi niya ito nilingon at nagtuloy tuloy siya sa banyo. Napatakip siya sa bibig para hindi lumakas ang iyak niya.
Naaawa siya sa kanyang sarili. Nasasaktan siyang mag isa, nasasaktan siya hindi pa niya nasabi ang totoo. Hanggang dito na lang ba siya? Habang buhay ba siyang matatakot na harapin ang totoong siya? Napukpok niya ang dibdib.
“Bes? Are you okay?” kumatok si Nica sa labas kaya pinahid niya ang luha pinaandar din niya ang shower dahil hindi na pwede sa sink, doon kasi nakababad ang mga damit nila.
“Yes, natatae lang ako.”
“Okay. Magtitimpla na ako ng kape natin.”
Naghilamos na muna siya at ginusot na ang nakababad nilang damit.
Muling kumatok si Nica.
“Bes?”
“Palabas na.”
Binanlawan na niya ang damit at binabad sa downy. Paglabas niya ay nakatitig sa kanya si Nica.
“Bakit parang namumugto yata ang mga mata mo? Umiyak ka ba?”
Nag iwas ng tingin si Rhav. “Bakit naman ako iiyak? Nalagyan lang ng sabon ang mata ko, may isa kasing panay tawag sa akin eh!” pagpapalusot niya.
Lumapit si Nica sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“I am sad, too.”
“Nica...” gumaralgal ang boses niya.
Pasinghot-singhot na rin ito. “I am afraid, to be honest. I don’t know how to act with JC. Hindi ko rin kayang i-down ang parents ko. I saw happiness in them ng makilala nila si JC. They always remind me of how great JC is. Na maganda ang future ko sa kanya. Pero nalulungkot ako dahil mag iiba na ang normal na ginagawa natin. Inviting other people in our lives is just so new to me. I am just afraid, bes.”
Pinahid ni Rhav ang luha at gumanti ng yakap dito. “It’s okay. Magdi-date lang naman kayo. Hindi pa naman kayo mag papakasal. If siya ang magpapasaya sayo, then go for it. Nandito lang ako para suportahan ka.”
Kumalas si Nica sa pagkakayakap sa kanya. “Ganoon din ako sa inyo ni Dexter. Sana totoong matino na siya.”
“I already rejected him.”
“What? But why?”
‘Dahil mahal kita, Nica. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko at mandamay ng ibang tao.’
“Hala nakatitig ka lang sa akin, bes!” pukaw ni Nica sa kanya. “Bakit mo ni-reject si Dexter? Hindi mo pa naman siya kinikilala or naka-date man lang.”
“Hindi lang siya ang lalaking tipo ko. Una palang alam ko ng hindi ko siya magugustuhan bilang maging boyfriend ko.”
“Eh, ano ba kasi ang tipo mo sa isang lalaki?” pangungulit nito habang patungo sila sa kitchen para kunin ang kapeng tinimpla nito.
‘Ikaw ang gusto ko Nica. At babae hindi lalaki.’
Kinuha niya muna ang cup at uminom ng kape. “I don’t know. Mararamdaman lang naman natin kung gusto natin ang isang tao. I don’t have standard sa kung ano ang gusto ko sa isang tao. Hindi naman ako nagmamadali, at alam kong maiintindihan ako nila Daddy at Mommy.”
“How I wish, may ganyan ako ng lakas ng loob sayo. Iyong nagagawa ang gusto at hindi napipilit kahit nina Tito at Tita pa man. I envy you,” sabay inom din ng kape nito.
Lumakad na si Rhav papuntang sofa at ganoon din ito. Ini-open niya ang TV at doon naman tumambad ang coronation ng magiging sunod na Miss Universe Philippines.
“Wag kang mainggit sa akin. Tama lang ang ginagawa mo bilang isang anak. Kahit ako ayaw ko rin i-down sina Mommy at Daddy. Hindi lang si Dexter ang taong kaya kong iharap bilang boyfriend sa kanila. Hindi ko pa sinasabi sa kanila na ni-reject ko na si Dexter. Sa next Sunday na.”
“Maiintindihan ka nila for sure,” umupo na ito sa sofa. “Palakasan mo ang volume.”
Sinunod niya ito. Ang pambato niya ay ang Cebu City habang ang Pangasinan at Cebu Province naman ang kay Nica.
Napasigaw sila ng makitang kasama sa top five ang mga pambato nila.
Miss Cebu Province Steffi Rose Aberasturi. Miss Cebu City Beatrice Luigi Gomez. Miss Taguig Katrina Dimaranan. Miss Cavite Victoria Velasquez Vincent. Miss Pangasinan Maureen Christa Wroblewitz.
Hawak kamay sila habang ina-anounce ang winner ng Miss Universe Philippines 2021.
“And our Miss Universe Philippines 2021 is... Miss Cebu City! Congratulations, Beatrice Luigi Gomez!”
Napatayo si Rhav at nagtatalon. Siya ang nanalo sa pustahan nila ni Nica.
“I won!”
"Oo na ikaw na ang nanalo. Kunsabagay deserving naman talaga siya. Bakit mo nga pala siya nagustuhan? Umpisa pa lang siya na ang pinili mo e."
Napatingin si Rhav sa TV. Sa totoo lang kaya ito ang pambato niya dahil naka-support ito sa LGBT+ community. Humanga din siya dito dahil hindi ito nahihiyang sabihing may girlfriend ito. Bagay na gusto din niyang gawin, sinabi niya sa sariling pagnanalo ito ay aamin na siya kay Nica. Magagawa ba niya? Mapapangatawanan ba niya iyon ngayon?
"She's being true to herself. Hindi niya tinago ang fact na may girlfriend siya."
"Ha? How did you know about it? Wala pa naman balita about doon ah?"
“Aw, wala pa ba? Magaling pala ako!" tumawa si Rhav. “I read articles about her and also googled her. Then followed her social media accounts, that’s when I found out that she has a long-time girlfriend.”
"Oh, I see. Now that she won the crown, for sure magiging issue na naman ito. Lalo na sa bahay kung puputok ang balitang lesbian siya."
Napatingin si Rhav kay Nica. "Are you against them?"
"Not really. Marami naman tayong friends and kilala na nasa LGBT+ community. Pero kung sa akin mangyari iyon baka hindi kayanin nila Mommy at Daddy, alam mo na. Malaki ang expectation nila sa akin bilang nag iisang anak. Gusto nila akong makitang nagka-pamilya. I just realize na iyon ang happiness nila, na lumagay ako sa tahimik. It is just sad na hindi dahil iyon ang gusto ko ngayon kundi dahil iyon ang gusto nila para sa akin ngayon. Anyways," baling nito sa kanya. "Dahil ako ang natalo sa pustahan natin, mag file kana ng leave for Friday and Saturday next week. Maganda ngayon pumunta sa beach at makalanghap naman tayo muli ng sariwang hangin."
"I like that. Sige," tumayo na siya ng maubos niya ang kape. "Goodnight, bes."
“Goodnight and sweet dreams, bes.”
MAAGANG nagising si Rhav kinabukasan at isinampay na siya ang kanilang mga damit. Nagluto narin siya ng breakfast para kay Nica. Fried rice, scramble eggs, and tocino. Tulog pa si Nica ng silipin niya ito sa silid nito. Pumasok siya sa loob at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Napangiti siya ng medyo nakabuka pa ang bibig nito.
Malikot itong matulog. Halos napuntahan ng katawan nito ang lahat ng bahagi ng king size na kama nito. Nasa sahig narin ang mahaba nitong unan na pinangalanan nitong Coco. Pati ang kumot nito ay nasa paanan na at malalaglag na. Dinampot ni Rhav si Coco at marahang inilagay iyon sa gilid ni Nica.
“Good morning, Princess. Eat your breakfast before you leave.”
Dahan-dahan niyang isinara ang pintoan nito at lumabas na ng unit para pumasok.
Nagmulat ng mata si Nica paglalabas ng silid ni Rhav.
Princess? Tama ba ang rinig niya? Napatingin siya sa unan na nasa gilid at niyakap iyon ng mahigpit. Baka nga nagkamali lang siya ng rinig.
Muli siyang napapikit.
Hindi naman nagmamadali si Rhav sa pagpasok dahil maaga pa naman. Seven o'clock pa lamang iyon at eight-thirty ang pasok nila sa office. May isang oras at kalahati pa siyang allowance. Nag stop na muna siya sa isang seven eleven store para bumuli ng breakfast dahil hindi na siya kumain bago umalis. Pababa na sana siya ng sasakyan ng siya namang labas ni JC mula sa seven eleven store kaya napabalik siya sa loob.
Mula sa kanyang kinaroroonan ay tanaw narin niya ang XBC building kung nasaan ang office nila. Kaya hindi imposibleng makarating doon si JC. Pero anong ginagawa nito doon? Nakita din niya ang maraming bitbit nitong plastic, tinulungan pa siya ng isang crew sa paglagay sa kanyang sasakyan.
Nakita din niya ang pagdukot nito ng pera sa wallet at pag abot sa crew na labis ang tuwa. Nung sumakay ang binata owtomatikong pinaandar niya ang sasakyan para sundan ito.
Nakita niya ang marahang pagmamaneho nito habang pumasok sa isang daan paalis sa EDSA. Hindi naman siya nito mahahalata dahil may mga kasama rin naman silang ibang sasakyan. Nakita niya ang pag hinto nito sa gilid at ang pagtawag nito sa isang batang kalye. Kaagad na lumapit ang bata sa kanya at mula sa bintana ng kanyang sasakyan ay iniabot niya ang apat na boxes ng pagkain. Sinundan ng tingin ni Rhav ang bata dahil kaagad na tumakbo ito pagkatapos magpasalamat.
Na-touch si Rhav dahil ibinigay ng bata ang tatlong boxes sa ina nitong nakahiga sa cartoon habang nakadede ang bunso nitong kapatid. Sa gilid naman nila ay ang ama nitong nagaayos ng kariton. Nakita niya ang pasasalamat sa mga mukha nito bago isinara ni JC ang salamin ng sasakyan at muling pinaandar.
Ganoon din ang ginawa nito sa sumunod na kanto. Pinamudmod nito ang mga pagkaing binili sa seven eleven sa mga taong kalye.
Inaamin niyang napahanga siya nito. Hindi niya akalaing tumutulong pala ito sa ganoong paraan. Tiningnan na niya kagabi ang profile nito sa social media at wala siyang nakitang post nito about sa pagtulong.
"Mabait ka pala talaga," wala sa loob na bulong ni Rhav. "Kung may lalaki mang gusto ko para kay Nica. Siguro ang isang tulad mo. Kung kaya mong tumulong sa iba, what more pa kaya sa taong mahal mo?" parang baliw na nagsalita siya mag-isa.
She made up her mind.
Tutulungan niya itong mapalapit kay Nica.
Kahit parang ikakamatay niya iyon.