CHAPTER SIX: LUNCH INTERVIEW

2123 Words
Kare-kare, kaldereta, cassava cake, pininyahang manok, mechado, dinuguan, at puto pa ang nasa hapag kainan. Sa ilalim ng mesa ay panay ang paglalaro ng mga paa nina Rhav at Nica kung sino ang magli-lead ng prayer. “Rhav, lead the prayer.” Wala ng nagawa si Rhav ng utusan siya ni Pancho. Pumikit na sila at nag sign of the cross. “Bless us, O God. Bless our food and our drink. Since you redeemed us so dearly and delivered us from evil, as you gave us a share in this food, so may you give us share in eternal life. Amen!” “Amen,” in unison. “Hope you enjoy what we’ve made for you,” si Jennylyn. “I miss Filipino food. I will enjoy them!” magalang na sagot ni JC. Mukhang bumabango ito sa parents ni Nica. Hindi naman nagpatalo si Dexter at sinandukan siya ng kanin. Nahihiyang napayuko na lamang si Rhav habang pangiti-ngiti ang kanilang mga magulang. “What is this again? Pu...” tila nag-isip si JC habang hawak hawak ang isang puto. Pota. Sa isip ni Rhav. Napangiti siya sa kanyang naisip. “Puto,” sagot ni Nica dito. Tumango-tango si JC. “Thanks!” sabay subo ng puto.  “Delicious!” “Try to dip it in dinuguan. It is a perfect pair,” Nica suggested. Mukhang tuwang tuwa si Jen habang pinapakinggan ang dalawa. Sinunod naman kaagad iyon ni JC at muling tumango-tango ito. “Yes it is. Thank you! This is masarap!” Masayang pinagsaluhan nila ang pagkain sa mesa. Sinadya ni Rhav na damihan ang kain para ma turn off sa kanya si Dexter. Pero walang epek ‘yon, mas lalo pa itong natuwa sa kanya dahil wala raw siyang kaarte-arte sa katawan.  “Ikaw Dexter. Paano mo nakilala ang anak ko?” tanong ni Pancho habang nilalantakan ang paborito nitong kare-kare, lalo na ang bagoong. “Magka-klase po kami noong high school,” malawak na napangiti si Dexter habang nakatingin kay Rhav. Pinandilatan siya ni Rhav. “Kailan ka nagka-gusto sa kanya?” “Crush ko na po siya noon pa. Pero matapang po kasi ang anak ninyo kaya hindi ko na itinuloy. Iyong kaibigan ko naman po na isa ang nanliligaw kay Nica.” “Correction, hindi ako nagpaligaw. Ang bata bata ko pa kaya noon!” sabad ni Nica. Tawanan. “Paano ka naman nagkaroon ng lakas ng loob na ligawan siya ngayon?” “Dad, tama na po. Let’s enjoy our food first, okay?” “It’s okay,” si Dexter. “I am fine. Mas okay na rin iyong unti-unti nila akong makikilala.” “Good!” si Pancho. “We accidentally meet sa isang grocery store malapit sa condi unit nila ni Nica. Na love at first sight ako sa kanya.” Natutop ni Rhav ang bibig bago pa niya maibuga ang kinakaing menudo.  Kaagad naman siyang binigyan ng tubig ni Nica. “Continue,” utos ni Pancho na nag i-enjoy na sa Q&A portion nila. “Then I visited her sa unit, that when I found out that they are living together. No wonder dahil ganito po pala ka-close ang family ninyo.” “Yes, we are like brother and sister here,” natutuwang sabad ni Daniela. “You were my Mom’s favorite actress. In fact, tinago niya ang mga posters niyo po noon at CD’s. It is an honor to meet you, Ma’am Daniela, finally.” “Aw, send my thanks to your Mom. Sana makilala din namin sila ng personal.” Malakas na naapakan ni Rhav ang paa ni Nica kaya napasigaw ito. Natuon ang atensiyon ng lahat sa kanilang dalawa. “Oh sorry!” tumayo si Rhav para i-check ang paa ni Nica. Huminge din ng paumanhin si Nica dahil sa malakas na sigaw bago paika-ikang tumayo. “I am fine, don’t worry.” Tumayo si JC at walang pag alinlangan inalalayan si Nica patungong restroom kung nasaan nakalagay ang kanilang medical kit na nasa cabinet. Susundan sana ni Rhav ang dalawa pero pinigilan na siya ng ama at sinabing hayaan nalang si JC na mag asikaso para magka-moment ang dalawa. Nasaktan siya. Kasalanan ito ni Dexter, eh. “They looked good together, right honey?” si Jennylyn. “Yes, bagay sila. At mukhang galing sa magandang pamilya si JC, base sa pananalita at kilos niya.” “Pati hitsura,” dugtong ni Daniela. Hindi na nagsalita pa si Rhav at tahimik nalang na kumain. Naisip niyang itanong kung bakit pala magkasama ang dalawang bumisita sa kanila. “Paano pala kayo nagkakilala ni JC at sabay na dumalaw dito?” “JC is my first cousin. His Dad is my Mom’s older brother. Nalaman ko ang plano niyang panliligaw kay Nica kaya sumabay na ako dahil alam kong lagi kayong magkasamang dalawa.” Kaya pala Dexter X Davila ang buong pangalan nito. Xiao pala ang middle name nito. Wew! Kaya naman mabilis lang nitong nalaman ang unit number nila sa mga connections nito. “Rhav, kilala mo si JC?” si Daniela. “Yes, kahapon lang. Anak siya ng bossing namin sa XBC.” Napasinghap ang Mommy niya. “Isa siyang tagapagmana?” “Parang ganoon na nga.” “Naku! Hindi sayang ang paghihintay natin ng matagal. Kaya naman hindi pa sila nag bo-boyfriend dahil may darating naman pala na big time sa buhay nila. Buti nalang at hindi kayo nagpadalos-dalos.” Tumawa si Rhav. “Mommy, baka isipin ni Dexter na pera lang ang habol natin sa kanila.” “Iyon ba ang tingin mo sa amin Dexter?” baling ni Daniela dito. “Naku, hindi po. Hindi po issue dito ang pera dahil kung tutuusin mayaman din naman po ang pamilya ninyo.” Nakabalik na ang dalawa mula sa restroom at nalagyan na rin ng ointment ang mga daliri sa paa ni Nica. Inalalayan siya paupo ni JC bago ito umikot sa kabila. Mukhang mabait nga ito at walang nararamdamang yabang si Rhav dito. “I am sorry,” muling paumanhin ni Rhav. Sensitive kasi ang balat ni Nica, pasain ang balat nito na kahit kaonting diin lang ay nagmamarka kaagad dito. “It’s okay, bes. Hindi naman gaanong masakit. Nagulat lang talaga ako kanina kaya ako napasigaw. Akala ko may zombie ng kumagat sa akin sa ilalim.” Natawa si Rhav. Isa sa dahilan kung bakit sila napuyat ay nanood sila ng Train to Busan. Nabunutan siya ng tinik ng malamang okay na ito. “So, where were we?” “Dad?!” bulalas ni Rhav dahil hindi pa pala tapos ang ama kakatanong kay Dexter. Hindi siya pinansin ng ama. “Basta alagaan mo lang ang anak ko, sapat na sa akin iyon. Wag mo siyang lolokohin at lagi mo siyang respetuhin.” “Makakaasa po kayo Sir.” “Again, it’s Tito,” pagtatama ni Pancho. “Opo, Tito.” “Okay mukhang nakapasa kana sa unang round!” masayang pumalakpak pa si Daniela. “Kayo naman, Mars!” Napangiti si Jennylyn at bumaling sa asawa nito. “Wala ka bang itatanong kay JC?” Kinuha muna ni Jonas ang tissue at pinunasan ang mga bibig para matanggal ang mga sarsang kumapit. “Tell us how and when did you start liking Nica.” JC looked at Nica dearly. “I was in Japan when Dad sent their photo together to update me about company matters, and also it is part of our daily lives—that’s when I started liking her. She’s the reason why I decided to come here and thinking for good. XBC is our family business, my Dad’s legacy. Nica is working with my Dad as her Secretary. She helped him a lot in our businesses and personal matters, and Daddy trusted her so much. That's the exact reason why I wanted to know her more.” Satisfied. Iyon ang makikita sa mukha ng apat sa sagot ni JC. Lihim naman nasasaktan si Rhav dahil mukhang si JC na talaga ang the one para kay Nica. Mukhang natagpuan na nila ang isa’t isa. Kaya sa pagkain na lamang niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. “What you can offer to my daughter?” “I can offer whatever she demands. But most importantly, I can guarantee a handsome and beautiful grandchild to you.” Malakas na tumawa ang kanilang mga magulang sa pabirong sagot ni JC. “Very good!” NASA harden na sina Pancho, Jonas, Jennylyn, at Daniela para sa kanilang tea time routine after lunch. Hinayaan nilang maiwan sa loob sina Rhav, Nica, JC, at Dexter para makapag usap ang mga ito at magkakilanlan pa. So sofa nakaupo sina Nica at JC habang nasa veranda naman sa itaas sina Rhav at Dexter. “What is this JC?” Nica asked him ng mapagsolo na sila. “Kung bored ka lang at gusto mo lang mag enjoy. Stop this." “I am serious, Nica. I like you, and I want to know you more. I would not be here if this is just a joke.” Natahimik si Nica. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin o sabihin, ayaw niya na ma-offend ito or i-reject ngayon dahil sa kanyang trabaho. Ayaw niyang masaktan ang kanyang butihing amo. “Don’t rush yourself, and you don’t have to answer me now. I want to know you more.” “I am sorry, I am not used to this!” “That’s okay. I am happy just being with you and your family right now.” Napatitig si Nica kay JC sa mga mata nito. Nakikita niya ang katapatan nito sa kanya. Paano nangyari ang katulad nitong halos perperkto at pinagpapantasyahan ng lahat ay nahulog sa kanya? Hindi niya alam ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Kanina pa niya ito tinitingnan dahil curious siya dito. Habang sa veranda hindi naman pumapasok kay Rhav ang mga sinasabi ni Dexter sa kanya. Lumilipad kasi ang kanyang isip kina JC at Nica sa ibaba. Napabuntong hininga pa siya. “Guess you didn’t like what I said. Sorry,” si Dexter. Ibinaling nito ang paningin sa labas kung saan nakikita nila ang puno ng pine trees. Tanaw na tanaw din sa kinaroroonan nila ang kanilang pasokan. Kumaway pa siya ng makita si Mang Ben habang naglilinis ng sasakyan nila Nica. Doon na muna ito naglinis dahil sa bahay nila Nica ang mga bisita. Ngumiti ito sa kanya at gumanti ng kaway. “Sorry ano nga ‘yong sinasabi mo?” baling niya kay Dexter. “I said, I like you so much. Na kahit ipinagtulakan mo na ako, sige parin ako ng sige. Pinipilit ko pa rin kahit alam kong hindi mo naman ako gusto. Pero Rhav, bigyan mo lang ako ng chance na ipakita sayo ang nararamdaman ko.” “It is not about you, Dexter. It is about me, I am not ready yet for any kind of relationship. I am really sorry. I appreciate you, believe me. Pero mahirap naman magpanggap alang alang sa aking magulang, ‘di ba? Ayaw ko rin dumating sa point na ginagamit nalang kita for them to be happy while I am not.” “Can you be honest with me?” Nilingon niya si Dexter nasa mga tono nito ang kaseryosohan. Wala na dito ang noong loko lokong si Dexter. “Sige.” “Don’t say anything if tama ang sagot sa katanongan ko. Then I will leave you alone, peacefully. I will not say any words either.” Tumango siya. “Is this because of Nica? Do you like her? Kaya ka ba hindi makaalis at makatanggap ng ibang taong nagmamahal sayo dahil mahal mo siya higit pa sa kung ano man ang mayroon kayo ngayon?” Natahimik si Rhav. “I guess, that’s a yes!” napabuntong hininga ito at muling napatingin sa labas. “I don’t have a rights to question what you feel. Pero kung magkamabutihan man sila Nica at JC, let them be. ‘Wag ka sana gagawa ng bagay na pare-pareho lahat masasaktan.” “I know where I stand on Nica’s life. Hindi ko pinapangialaman ang desisyon niya sa buhay o kung sino ang mamahalin niya. In the end, ang happiness niya ang mahalaga sa akin. If she will ended with JC and she’s happy, I am on her side.” “I understand now. Can I at least hug you?” Si Rhav na mismo ang yumakap kay Dexter. “Thank you, Dexter.” “Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Anytime, anywhere, pupuntahan kita.” Ngumiti siya dito. “Kalimutan mo ako Dexter, doon mo mahahanap ang true happiness  mo. Sa babaeng mamahalin ka rin.” “Sana nga, Rabina.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD