CHAPTER FIVE: UNEXPECTED VISITORS

1972 Words
Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakatanggap na sila pareho ng tawag mula kina Jennylyn at Daniela. Nire-remind na kailangan nilang umuwi. Napatingin si Rhav sa orasan ng kanyang cellphone. Alas tres pa lang iyon! Ni halos kakatulog lang niya. “Good morning, Mom. Do you know what time is it now? Kakapikit pa lang ng mga mata ko.” “Ano bang ginawa mo at bakit late ka na natulog?” tanong ng Mommy Daniela niya. Napangunot ang noo niya ng marinig ang lagaslas ng tubig sa kabilang linya. “Nasa shower room po ba kayo?” Narinig niyang humahagikhik ito sa kabilang linya. Napailing na lamang si Rhav. ‘Ano ba! ‘Wag ka nga makulit! Kausap ko ang anak natin!’ Tumawag lang siguro ito para mang inggit. “Sige na, matutulog na muna ako. Sana naman magkaroon na ako ng kapatid para hindi niyo na ako kulitin na mag asawa.” “Rabina, let’s talk about that later!” ang Daddy Pancho niya. Kinabahan siya sa tono ng pananalita nito. Mukhang parang may kakaibang mangyayari mamaya. “Dad, I can take care of myself. Don’t rush me—” napatigil siya ng mawala ang ingay sa kabilang linya. “Hello, Dad? Mom?” Pinilit niyang idilat muli ang mata. End Call. Pinatayan pa nga siya. Parang nawala tuloy bigla ang antok niya. Suot ang slippers ay lumabas na siya ng kanyang silid. Nagkatingin pa sila ni Nica ng sabay silang lumabas. “Don’t tell me... tinawagan ka rin ni Tita Jen?” Marahang tumango si Nica. Nanghihinang sabay nilang tinungo ang sofa at pabagsak na naupo doon. Nakatulala lang sila sa TV screen kahit naka off iyon. “May kakaiba akong kutob,” si Nica. “Parang mamaya ikakasal na tayo.” Tumawa si Rhav. “Hindi naman siguro! Kaloka naman ‘yan!” Napatigil si Rhav ng inihilig ni Nica ang ulo sa kanyang balikat. Hindi kaya mahalata nito ang t***k ng kanyang puso? Naamoy din niya ang mabango nitong gamit na conditioner. Napapikit siya at hindi naiwasan amoyin ang ulo nito. “Baka may kutong nakatiwarik d’yan.” “Don’t worry, inilagan ko!” Tumawa siya at mas inilapit pa ni Nica ang sarili kay Rhav. Ngayon ay nakasubsob na ang mukha nito sa leeg niya. Nararamdaman niya ang mainit na munting hininga nito sa kanyang balat. Pigil na pigil siya. Pakiramdam niya ang sama sama niya dahil binibigyan niya ng malisya ang mga pa-sweet-act nito. Na kung tutuusin ay lagi naman nitong ginagawa. Kaya nga mas lalo siyang nainlove dito. “You smell good,” anas ni Nica at iniyapos ang mga braso sa katawan niya. Tuluyan ng natigilan si Rhav at napasandal nalang sa sofa dahil nanghina bigla ang katawan niya. “Hmmm, this is so comfy,” anito habang inamoy amoy ang leeg niya. “Can we sleep like this?” “Uhm,” hum nalang ang tanging nasagot ni Rhav at sabay tango ng marahan. Baka kasi pag nagsalita pa siya ay mahalata nitong kabado ang boses niya. Hinayaan niya ito sa ginagawang pang aamoy sa leeg niya. Hindi naman siya nahihirapan sa kanilang pwesto kaya okay lang, hanggang tuluyan na nga itong nakatulog. Kinuha niya ang kamay ni Nica at wala sa loob na dinala iyon sa kanyang mga labi. ‘How I wish, we can stay like this forever. To hold your arms whenever I got a chance. To kiss your lips wherever we are and to love you freely. How I wish na may lakas ako ng loob na maging tapat sa totoo kong nararamdaman sayo, Nica. Na kaya kong tanggapin kahit ano pang maging consequences after. Pero hindi ko kaya, mahal kita pero wala akong lakas ng loob na ipaglaban ang pagkatao ko—ang totoong ako.’ Mas lalong humigpit ang hawak niya sa mga kamay nito ng unti-unting naglaglagan ang luha sa kanyang mga mata.     “BES! Anong oras na!” sigaw ni Nica ng magising. Naalimpungatan din si Rhav dahil sa sigaw nito. Nakatulog na din pala siya. Nakatayo na si Nica habang pilit na inaayos ang sarili. “Naku patay tayo! Alas nuebe na!” niyugyog siya nito. “Bes gising na!” Mabigat ang katawang tumayo siya. Hinila siya ni Nica at wala sabi-sabing tinulak sa shower room at binuksan ang shower. Napadilat ng tuluyan si Rhav ng de oras dahil sa lamig. At hindi lang iyon, kasama niya si Nica sa loob ng banyo. “Sorry, we need to move our asses faster. Paniguradong sabog na ang inbox natin at mamaya ang mga eardrums natin.” Inayos nito ang timpla ng tubig. Na relax si Rhav ng maramdaman ang init ng lagaslas ng tubig. Hindi na rin iba sa kanya ang sabay silang maligo, pero noon lang iyon, iyong mga panahong nag aaral pa lamang sila. Simula ng lumipat sila ng condo ay hindi na sila nagsasabay na maligo. May kanya kanya kasi silang banyo sa loob ng kwarto at mini shower area. May restroom din sa labas para sa kanilang mga bisita kung nasaan sila ngayon. “Ang ganda ng morning ko, ah. Sinalubong ako ng sigaw at lamig.” Ngumisi si Nica. “Ako ang naunang magising kaya sorry ka nalang!” tumalikod si Nica kay Rhav at wala sabi-sabing hinubad ang damit nito. Owtomatikong nag-iwas ng tingin si Rhav pero mukhang hindi siya makakaiwas. “Patanggal ng hook ng bra ko. Masikip na kasi, eh.” Tiningnan niya ang likuran nito pababa sa lace ng bra. Tinanggal niya iyon. Pagharap ni Nica ay pumikit kaagad siya at itinapat ang mukha sa tubig para kunwaring hindi halata. Napadilat siya ng inikot siya nito at ipinasok ang mga kamay sa loob ng kanyang damit para tanggalin din ang hook ng kanyang bra. Napaawang ang bibig niya. “Teka lang,” pigil niya ng maghuhubad na ito ng short. “Bakit?” takang tanong ni Nica. Kaagad na naghanap siya ng palusot. “Ano kasi e. Uhm... may regla ako.” Napatingin si Nica sa tiles at muling tumingin sa mukha niya. “Bakit walang dugo? Nanaginip ka pa yata e! Gising na!” Wala na siyang nagawa ng tuluyan na nga itong maghubad ng pang ibaba. Napaka-ganda ng katawan nito. Slim ang katawan nito at nasa five-four inches ang tangkad. Bilogan din ang mag mata nito na mas lalong nagpa-enhance ng kanyang mapupulang labi at matatangos na ilong. Alam niyang balewala lang dito ang maghubad sa harapan niya. Siguro kung wala siyang feelings dito baka pati siya ay maghubad na din ng tuluyan at ookrayin ang katawan nito kahit maganda para asarin lang ito. Pero may respeto parin naman siya kahit kakaiba na ang feelings niya sa mga sandaling iyon. Tumalikod siya dito habang sinasabon ang sarili. Binilisan din niya ang pagsa-shower. Kaka shampoo lang nito pero siya ay tapos na. Ni hindi niya nagawang hugasan ng mabuti ang private part niya. “Tapos ka na kaagad?” “Yep! Nagmamadali tayo, ‘di ba? Kaya bilisan mo na rin d’yan!” hinablot niya ang towel hinubad muna ang pang itaas bago binalot ng tuwalya ang sarili at hinubad ang pang ibaba. Inilagay niya iyon sa sink at sinirado ang drainage at doon na binabad ang damit bago lagyan ng powder. Iwas ang tingin niya habang pinupulot ang damit ni Nica sa tiles at pinigaan iyon bago nilublob din sa sink. “Hindi naman siguro ‘to mangangamoy mamaya.” “Hindi ka naghugas ng pempem mo kaya malansa yong panty mo. Paniguradong mamaya amoy isda na yan.” Ibinato niya dito ang panty niya bago lumabas ng restroom. Naririnig pa niya ang malakas nitong pagtawa. Sa asaran lamang ito sa kanya pero hindi naman siya napipikon, mas ito ang pikonin sa kanilang dalawa. Parang sasabog na nga ang inbox nila dahil sa  messages ng kani-kanilang magulang. Saka lang nila tiningnan ang cellphone nung paalis na sila. Marami naring missed calls sa call logs nila. “Akala mo talaga mawawala tayo, eh!” nakangusong sabi ni Nica. Inilock na ni Rhav ang kanilang unit at  halos takbuhin na nila ang elevator paibaba. Ang kotse ni Nica ang gagamitin nila pero siya ang mag da-drive. Habang nasa byahe ay tinawagan na ni Nica ang parents nila para sabihing malapit na sila. Ganoon naman talaga ang mga Pilipino eh—kahit kakaalis pa lang, laging malapit na ang update. Mag aalas onse na silang nakarating sa bahay nila Nica. Doon kasi sila pinapapunta. Napansin nilang may ibang sasakyan na nakaparada sa loob. Mukhang may bisita nga sila. Pagpasok sa loob ng bahay ay tumambad sa kanila ang nakangiting si John Carlo Xiao habang nasa tabi nito si Dexter. Napaawang ang bibig nila pareho. Kaagad na nilapitan sila nina Daniela at Jennylyn. “Ang tagal niyo, ‘di ba sinabi na naming agahan niyo? Nakakahiya naman sa mga bisita natin.” “Mom... what’s going on?” si Nica. “You don’t know?” “Obviously! Anong ginagawa nila dito?” “Tatayo nalang ba kayo d’yan?” tawag pansin sa kanila ni Jonas. Napatingin sa kanila sina JC at Dexter at kaagad na tumayo para batiin sila ng good morning. Kailan pa naging magkaibigan ang dalawa? Sa isip ni Rhav. Paglapit nila sa salas ay kanya kanya ng abot ng flowers sina JC at Dexter. “Hi!” si Dexter kay Rhav. “Flowers for you, hindi kita naabutan last time. So... sinigurado ko ng magtatagpo tayo dito.” Kitang-kita ni Rhav ang kilig sa kanyang Mommy Daniela. Pilit na nginitian niya ito at tinanggap ang bulaklak. “Thank you!” pero tiningnan din niya ito ng masama na parang sinasabing ‘mamaya ka lang sa akin!’ Tumikhim si Jonas ng hindi pa tinatanggap ni Nica ang bulaklak na bigay ni JC. Hindi kasi niya talaga napaghandaan na makita ito sa loob ng kanilang pamamahay. Tinanggap niya iyon at nagpasalamat din dito. “Bueno," si Pancho. “Mukhang maayos naman ang mga lalaking ito. Dexter, you have my blessing para ligawan ang anak ko. Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang anak ko dahil may paglalagyan ka sa akin.” “Salamat po, Tito. At hinding hindi ko pa sasaktan si Rabina. Malinis po ang intension ko sa kanya.” “Mabuti naman kung ganoon. Pero kung ano man ang maging pasya ni Rabina ay igalang mo. Maliwanag ba?” “Opo, Tito.” Kahit paano na touch naman si Rhav sa kanyang Daddy. Siguro talaga lang nais na nitong lumagay siya sa tahimik o makita man lang na may taong mag aalalga sa kanya pag wala na ang mga ito. Naging emotional siya sa naisip dahil alam niyang bibiguin niya lang ito sa huli. Pinasya nilang ‘wag nalang sirain ang araw nila at sumakay nalang sa mga nangyayari. Habang nakikita niyang palihim na nagtitinginan sina Nica at JC. Gaya ni Pancho ay ibinigay din ni Jonas ang blessing nito para ligawan si Nica. Nalaman nilang dumalaw ang dalawa kahapon habang wala sila para opisyal na magpaalam na ligawan sila. Kaya ganoon nalang ang galak ng kanilang magulang. Dagdag points ang ginawa ng dalawa. Ilan nalang ang bumibisita sa bahay ng nililigawan sa panahon ngayon. Madalas ay over the internet nalang at saka na bibisita pag magkasintahan na. Nagsikuhan sila ni Nica ng iginiya na sila ni Jennylyn sa kusina para sa tanghalian. Kaya naman pala maaga silang tumawag dahil gising na ito ng madaling araw para magluto. Iba’t ibang putahe ang nakahain na akala mo may fiesta sa kanila. Inunahan na niya si JC bago pa man ito makaupo sa tabi ni Nica. Rectangular ang shape ng dining table nila Nica kaya naman nasa magkabilang dulo sina Jonas at Jennylyn. Magkatabi naman sina Nica, Rhav, at Daniela. Habang sa kabila sina Dexter, JC, at si Pancho. Akala mo makakaisa ka ha!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD