Pumasok sila Nica at Rhav sa Gimix Bar ar kumuha ng VIP Room para sa kanilang dalawa. Ayaw kasi nilang may pumupunta sa kanilang mesa at magtatanong ng kung ano-ano. Gusto nilang i-celebrate ang promotion ni Rhav at para na rin makapag-usap sila. Matagal na rin kasing hindi talaga sila nag heart to heart talk. Naririnig parin naman ang tugtug sa loob pero hindi na iyon ganoon kalakas at nakapag-order na rin sila ng pagkain at alak. “Ang nice naman ng place dito. In fairness, malinis dito at mabango.” “Oo nga, eh. Nililinisan nila kaagad after,” sang-ayon ni Rabina sa komento ni Nica. “So, let’s talk about you and JC. What’s going on? Bakit mukhang nagiging paranoid na siya at lagi kang pinababantayan? May ginawa ka bang kasalanan?” Natawa si Nica. “Kasalanan talaga?” sumandal siya sa s

