Tumayo si JC at nagpalakad-lakad, tila naghahanap ito ng magandang sasabihin. She sighed. “JC, ano na naman ba ito? Mag aaway na naman ba tayo?” “I just want to know why...” huminto ito at humarap sa kanya. “Bakit kahit anong gawin ko hindi parin kita lubusang napapasaya Danica. Ano ba ang kailangan ko pang gawin para makuha ko ng buo ang puso mo?” Magaling na itong mag Tagalog at nasanay na sa Pilipinas. Pero habang tumatagal sila ay lalong naging mahigpit ito at over protective na minsan nasasakal na siya. Umiling si Danica. “Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Kausapin mo ako ng deretso.” “Hindi ko maramdaman na masaya ka sa tuwing kasama mo ako. Iyang mga ngiti mong nakikita ko parati pag kasama si Rabina, bakit sa akin hindi mo magawa?” Maang na tiningnan niya ito. “Pati ba naman

